Ikaw pa rin - 40.2

131K 1.9K 196
                                    

HAPPY 2.5 M READS!!!! :) Love you guys <3 

Christian's POV 

Natulala ako sa pag-alis ni Erika. Nung nakita ko yung mukha niya na umiiyak, shit! Parang gusto ko na lang siya hilahin at yakapin ng mahigpit na mahigpit. 

 "Mahal kita, Chris... Oo, tanga na kung tanga, pero ikaw pa rin talaga eh." 

Yung mga gusto kong marinig galing sa kanya, narinig ko na rin sa wakas! Ikaw pa rin daw, Chris oh.  

"Shut up! Wag mo kong matawag tawag ng baby! Ayoko na! Break na tayo!" 

Break? Hindi ako papayag! Pinaghirapan kong makuha ulit ang tiwala at pagmamahal niya sakin. Kaya hindi ako makakapayag na mawawala na lang siya sakin ng basta basta.

"Mahal kita, pero hinusgahan mo agad ako. Hinusgahan mo agad yung pagmamahal ko sayo." 

Hindi naman sa hinuhusgahan ko yung pagmamahal niya sakin eh. Pero, hindi ko kasi maiwasan. Alam mo yun? Walang assurance samin eh. Hindi ko alam kung mahal niya pa ba ako o ano. Pano kung bigla na lang may sumulpot na epal tapos bigla siyang mawala sakin? Tangina. 

Naaalala ko yung dahilan kung bakit biglang nagbago yung mood ko. Putcha naman kasi. Argh! 

*FLASHBACK* 

Ilang minuto na lang, sigurado, malapit na kami sa bahay namin dito sa Baguio. 

Tumingin ako sa gilid ko kung saan merong babaeng mahimbing na natutulog sa mga bisig ko. 

Ngumiti ako ng malapad. Ang ganda ganda talaga ng babaeng to kahit tulog na tulog siya. Hinaplos ko yung buhok niya at kiniss siya sa kanyang noo. 

"I love you so much, baby." 

*bzzt. bzzt.* 

Napatingin ako sa harapan namin. Meron kasing table doon at nakalagay doon ang mga gadget namin. 

Umilaw yung blackberry ni Erika. May nag-message sa kanya? Kinuha ko ito. Hindi naman siguro masama kung babasahin ko ito, diba? Boyfriend niya naman ako eh. 

Binuksan ko yung phone niya. At hindi ako nagkamali, may message nga siya. 

From: Kuya D 

Sorry late reply, Cha. So, hindi mo siya mahal? Ganun? Tsk tsk. 

Napakunot yung noo ko. Sino yung tinutukoy ni Kuya James? Ini-scroll ko pataas yung conversation nila ni Kuya James. 

Yung unang message sa kanya ni Kuya James, eh nung October 22 lang.

Kuya D: Hindi talaga kayo ni Chris?! Ano?! 

Erika: Magkaibigan lang kami, kuya. 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon