Epilogue

113K 2K 273
                                    

Erika's POV

Habang kumakain kami, biglang nagsalita si Daddy.

"Siguro naman Chandria at Christian, alam niyo ng hindi tuloy yung tungkol kay Enrique?" Napahinga ako ng maluwag.

Akala ko hindi na namin to mapapagusapan eh. Pero sa totoo lang, kinakabahan pa rin ako. Paano na lang kung magbago yung isip ni Daddy? Hay.

Nag-nod si Chris kay Daddy at naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng table.

"Sa totoo lang, isa lang yung pagsubok para sa inyong dalawa. Lalong lalo na sayo, Christian." Sabi ni Daddy.

"Pagsubok? Para saan po?" Sagot ni Chris.

"Na deserving ka para kay Chandria. You see, hindi lang basta basta ang anak ko. Gusto kong mapatunayan kung mahal mo talaga siya at hindi mo naman ako binigo.

"At alam kong mahal na mahal ka ng anak ko. Kita mo? Nagawa niya akong suwayin at sumama siya sayo. Kahit hindi ko nagustuhan ang ginawa niyong dalawa at ng mga kaibigan niyo.." Nagkatinginan kaming apat nila Chris. Halata ang takot sa mukha nila Diego.

"Eh, wala pa ring magbabago sa desisyon namin ni Rommel na ipakasal kayong dalawa." Nakangiting sabi ni Daddy.

Nanlaki ang mga mata ko. Kasal? Pero mga bata pa kami. Tumingin ako kay Chris na masayang masaya sa sinabi ni Daddy.

"Yun yun Tito eh, diba?!? Akala ko pa naman isusumbong mo ako kay daddy dahil sa ginawa namin." Humalakhak si Diego.

"Ah, buti na lang pinaalala mo.. Sasabihin ko sa daddy mo, don't worry." Sabi ni daddy.

Namutla si Diego at si Julia naman ang humalakhak. At nagsimula nanaman silang magtalo. Napailing na lang ako. Kelan kaya magbabago tong dalawang to? Mas gusto ko tuloy makita yung dating Lia at Diego.

Napatahimik ang lahat ng pakunwaring umubo si Daddy.

"Pero, Chandria..." Panimula niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Chris. "May isa sana akong hiling sa iyo."

Lalo akong kinabahan.

Minsan lang humiling si Daddy at pag humiling siya, talagang hindi mo mahihindian. Sino ba naman ako para humindi, hindi ba? Binibigay niya sa akin lahat ng gusto ko. Kaya ngayong siya ang humihiling, sigurado akong mapapagbigyan konsi daddy.

"Gusto ko sanang sa states ka magcollege. Sa Harvard University? Or kung saang school na gusto mo." Magandang idea yung sinasabi ni daddy kaya gusto ko ring pumayag sa gusto niya kaso.. "Magaaral ka doon without Christian."

Napatingin ako agad kay Chris. Halata sa mukha niya na malungkot at tutol siya sa sinasabi ni Daddy pero hindi siya umimik. Hinintay niya ang kasunod na sasabihin ni Daddy.

"Oo nga at napagkasunduan namin na ipakasal kayong dalawa pero masyado pa kayong bata. Ikakasal kayong dalawa pag nasa tamang edad na kayo. Sa ngayon, kailangan niyo munang magaral. Alam naming kahit na magkalayo kayo, mananatiling mahal niyo pa rin ang isa't isa." Sabi ni daddy.

Napaisip ako sa sinabi ni Daddy. Tama siya. Kahit naman magkahiwalay kami, ganun pa rin naman eh. Kung may biglang mangyari o humadlang sa amin, ibig sabihin na lang non, hindi kami ang para sa isa't isa. Sa ngayon, siguro ang dapat naming gawin ay pagkatiwalaan ang isa't isa.

Kung wala kang tiwala sa mahal mo, ibig sabihin, hindi mo siya mahal. May tiwala ako kay Chris. Alam kong kahit malayo kami sa isa't isa, ako at ako pa rin.

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Where stories live. Discover now