Ikaw pa rin - 42

113K 1.7K 210
                                    

Hi Beaaaaa!! :) 

Christian's POV 

Nang makalapit ako sa sasakyan namin, agad agad itong binuksan ng isa kong bg. Pumasok ako sa loob at dahan dahan ko siyang inihiga sa mga hita ko. Kahit dahan dahan yun, nararamdaman ko yung panginginig ng mga kamay ko. 

Kinuha ko yung cellphone ko at agad agad tinawagan yung family Doctor namin. Andito rin siya sa Baguio, pinasama siya ni Daddy samin dahil baka daw may mangyaring masama. At fuck, meron nga! 

(Hello, JC? Bakit? May problema ba?) 

"Go to our house, as soon as possible!" Lumunok ako. Nakaramdam ako ng panginginig sa boses ko habang sinasabi yun. "Please...."

Binaba ko din agad yung tawag. Ni hindi ko na rin hinintay sumagot si kuya RJ - yung family doctor namin at pinsan ko rin. 

Tumingin ako kay Erika. Unti unti nanamang tumulo yung mga luha ko. Sabihan niyo na akong bakla o ano, pero shit! Kakaayos lang namin kahapon, tapos ganito agad? Ang bait mo naman sakin, tadhana! 

Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya. "Don't leave me, baby. Please." 

Hindi ko pinadiretso sa ospital yung sasakyan, kundi sa bahay namin. Alam kong, ayaw na ayaw ni Erika na nags-stay sa ospital. Takot siyang magstay sa mga ospital. Kahit naman na gustong gusto ko siyang dalhin sa ospital dahil mas safe siya dun, yung gusto niya pa rin ang susundin ko. 

Nang malapit na kami sa bahay, nakita ko na si Kuya RJ at may mga kasama siyang nurse. Nagstop yung sasakyan at binuksan ito ng bg ko. Binuhat ko si Erika at lumabas. Dumiretso ako sa kwarto ko at inihiga siya sa kama ko. 

Lumapit sakin si Kuya RJ. 

"Anong nangyari sa kanya?" 

Umiling iling ako, "Hindi ko alam. Bigla na lang sumakit yung ulo niya tapos yun, she fainted."

Agad agad na lumapit si kuya RJ kay Erika at nilabas ang kanyang stethoscope. Yung mga nurse naman, ay parang may inaayos sila na machine. Isa ata iyong oxygen. Nilagay nila ito kay Erika pero tinanggal din nila agad ito. 

Busy-ng busy sila sa habang ako, nakatayo lang sa tabi ng pintuan at pinapanuod sila. Fvck shit! Wala man lang akong magawa. 

1 hour din siguro ang nakalipas nang lumapit sakin si Kuya RJ. 

"We'll talk. Dun tayo sa garden niyo." Aniya. Tumango lang ako sa kanya. Bago ako sumunod sa kanya, sumulyap muna ako kay Erika. Hindi ko siya masyado makita dahil sa mga nurse na nakaharang pero naaaninag ko pa rin ang mukha niya. 

I sighed. Wait for me, baby. Babalik ako. Promise.

--

"How is she, kuya?" Sabi ko at umupo sa harap ni kuya RJ. 

"She's fine, JC." Napahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. 

"Sorry kuya RJ sa abala ah. Takot na takot ako kaya agad kitang tinawagan. May sakit ba siya kuya?" Yumuko ako. Shit. Hindi ko ata kakayanin yun. 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Where stories live. Discover now