Ikaw pa rin - 47

103K 1.4K 100
                                    

James' POV 

Kakauwi ko lang galing LCU dahil may pinasa akong project at gusto ko sanang bistahin si Erika. Minsan na lang kami magusap at magkita, eh. 

Nagpalit muna ako ng damit bago ako pumunta sa kwarto niya. Kinuha ko rin yung mga binili kong chocolates sa Duty Free kanina. 

 Huminga ako ng malalim nang makalapit ako sa pinto ng kwarto niya. Kumatok ako pero walang sumasagot. Nagtaka ako kung bakit, maaga pa naman ah? At sabi ng mga maid, andito si Erika. 

Pinihit ko yung door knob at di ako nagkamali, bukas nga ito. Sumilip ako at nagulat ako sa nakita ko. Napanganga ako pero napangiti rin agad. Umiling iling na lang ako. Wrong timing ata ako. 

Nakita ko kasing natutulog si Chris at Erika sa couch. Nakaupo si Chris, samantalang nakahiga naman si Erika sa hita ni Chris. Hawak hawak rin ni Chris yung kamay ni Erika at walanjo, intertwined pa yung fingers ng dalawa! Hay, pagibig nga naman!

Isasarado ko na sana yung pinto ng kwarto ni Erika nang biglang may tumapik sakin sa balikat. Napatalon naman ako nang wala sa oras. Napahawak ako sa dibdib ko. 

"Dad! Anong ginagawa mo dito?" Bulong ko dahil baka magising sila Erika. Hindi ko pa naman nasasara yung pinto. Tinaasan lang ako ng kilay ni Daddy at tumingin sa nakaawang na pinto ng kwarto ni Erika. Sumilip siya at hindi ko alam kung ano pero may nakita ako sa mga mata niya. 

Sinarado niya iyon. Huminga muna siya ng malalim bago bumaling sakin.

"We need to talk, Dominic." 

Kinabahan naman ako sa tono ng pananalita ni Daddy. At minsan niya lang rin ako tawagin sa second name ko, pag ganun na ang tawag niya sakin, ibig sabihin ay seryoso talaga siya.

Tumango lang ako kay Daddy at sumunod sa kanya papuntang Library. 

My instinct told me na sumulyap ako sa kwarto ni Erika. At ginawa ko iyon. Ewan ko, pero kinakabahan talaga ako. 

______

Erika's POV

Tawa ako ng tawa dahil ang corny corny ni Chris kahit kelan! Nandito kami sa garden. Dito kami nagla-lunch dahil masyadong maraming tao sa cafeteria. Nandito rin ang barkada pero nandun sila malapit sa fountain. 

"Meron pa akong isa! Knock knock!" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Pero nakangiti pa rin ako. 

"Okay! Last mo na yan ah." Nagbelat pa ako sa kanya. "Who's-------" 

"Ehem." 

Napatigil ako sa pagsasalita nang may narinig akong pekeng umubo sa likod namin. Napairap ako. Ano ba yan, panira ng moment! 

Napatingin ako kay Chris nang bigla siyang tumayo. Tumingala ako sa kanya at nakita ko ang matatalim na tingin niya sa likuran ko. Humigpit yung pagkakahawak ni Chris sa kamay ko. 

"What?!" Inis na tanong ni Chris. Tumayo na rin ako at humarap dun sa kausap niya. 

Napabuntong-hininga ako at napairap. Bakit nandito nanaman siya? Gusto niya ata talagang makatikim nang suntok sa boyfriend ko. 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Where stories live. Discover now