Ikaw pa rin - 41

120K 1.6K 95
                                    

Sorry po kung may mga typo :) 

Erika's POV 

I tiptoed as I walked to his bedroom. As much as possible, ayokong makagawa ng ingay. It's 1:30 in the morning pero hindi ako makatulog. Ewan ko ba pero natatakot ako sa bahay nila Chris. Hehe. Tsaka kasi, may kinwento sakin si Diego na sobrang nakakatakot talaga!

Kumatok ako ng tatlong beses pero wala man lang response na 'Come in'. I sighed. I'm just fooling myself! Syempre, tulog na yun. Pero.... Baka naman hindi naka-lock yung door niya? I sighed again. Syempre, ilolock yun ni Chris. Hayyy! Bahala na nga.

Hinawakan ko yung door knob at pinihit ito paikot. I closed my eyes. Sana bukas! Sana bukas! Sana bu-----. Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto. Binuksan ko ng onti at sumilip. Nanlaki yung mata ko ng makita ko si Chris na gising pa at nagbabasa ng libro. Pero ang pinagtataka, kung bakit di man lang siya sumagot nung kumatok ako. 

I pouted. Pumasok ako sa loob ng bedroom niya at sinara ito ng hindi ako nakakagawa ng ingay. Pumunta ako sa kama niya at tumayo lang doon sa gilid. 

"Hey..." I said pero parang hindi niya ako narinig. Nakatuon lang siya dun sa binabasa niya. Ano ba yung binabasa niya at nagagawa niya akong hindi pansinin? 

"Hey Chris!" This time, mas malakas yun. Tinapik ko pa siya sa balikat. Nakuha ko naman ang atensyon niya dahil sa pagtapik ko. Tumingala siya at ngumiti sakin....... at tinanggal ang kanyang earphones! Argh! Kaya pala! 

"Hi baby! Bakit gising ka pa? Diba sabi ko, matulog ka na?" Sabi niya habang nilalagay yung book na binabasa niya sa side table. 

I pouted dahil sa sinabi niya. Naalala ko nanaman yung nangyari pagkatapos niya ako ihatid sa kwarto ko kanina.... Biglang pumasok si Diegs at nagkwento na marami daw multo dito sa Baguio bla bla bla. At syempre, dahil matatakutin ako, ayan, hindi na tuloy ako nakatulog. 

"What's with the pout? Anong problema?" Sabi niya at kumunot ang noo niya. Ugh! He looks so handsome kahit ganun. 

Umiling-iling ako at pinaglaruan ang mga daliri ko, "Uhmm... Kasi.... Kasi.... Ano.... Natatakot ako, Chris. Kaya hindi ako makatulog." 


Ngumiti siya sakin at tinapik yung space sa tabi niya. Huh? 

"Halika dito." Sabi niya at dun ko lang nagets kung bakit tinapik tapik niya yung space sa tabi niya. Hehe. Agad agad naman akong umupo. Naramdaman ko naman agad yung lambot ng kama niya. Ang sarap tuloy matulog dito! 

"Ang lambot lambot ng kama mo!" Sabi ko at humiga na sa kama niya. Si Chris naman, nakaupo pa rin. 

"Bakit? Matigas ba yung kama mo dun? Gusto mo magpabili ako ng bagong kama?" Natawa ako sa sinabi niya. Ang OA lang eh! 

"No, wag na..." Sabi ko. Napahikab ako. Inaantok na ako tapos ang sarap pa mahiga dito sa kama ni Chris. Plus, malamig pa ang panahon. 

"Okay babe." Aniya at kinuha ulit yung libro na binabasa niya. 

Tumango lang ako sa kanya at tumitig lang sa kisame.  

"Why do love me, Chris?" I asked out of nowhere. Binaling ko yung atensyon ko sa kanya, nakatingin pa rin siya sa librong binabasa niya. Nagkibit balikat siya.

"Hindi ko alam eh. Basta nagising na lang ako na mahal na kita." 

"Pero bakit mo ko iniwan, Chris?" Hindi ko mapigilan itanong. Kung mahal niya ako, bakit niya ako nagawang iwanan? Bakit niya ako nagawang lokohin? 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Where stories live. Discover now