Ikaw pa rin - 53

92.4K 1.5K 251
                                    

Erika's POV

"I-ikaw yung ba-bata.... I-ikaw si-si .... JJ." Wala sa sarilig sabi ko kay Chris.

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. Nung binanggit niya sa akin ang pangalang Riri at yung mga pangyayari na nasa panaginip ko. Ano bang nangyayari sakin?!

"Riri... ikaw nga! Ako si JJ, yung kalaro mo dati? Diba? Baby, masaya ako dahil nakita na kita. Ang tagal kitang hinanap, alam mo ba yun?" Masayang sabi ni Chris. Umiling iling ako. Naguguluhan ako sa kanya.

"Chris... hindi ko maintidihan lahat."

Pagkasabi ko nun, agad agad niya akong hinila papasok sa loob ng bahay at pinaupo sa couch. Umupo siya sa tabi ko at inayos muna ang towel na nakapulupot sakin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

Huminga siya ng malalim, "Remember yung unang pagkikita natin?" Pilit kong inaalala yung pangyayaring sinabi niya.

"Erika, san tayo uupo?" Tanong sakin ni Julia, bestfriend ko. Lunch na namin ngayon kaya punuan. At first day high ngayon kaya for sure, maraming nakatambay sa canteen.

Lumingon ako sa kanya at tinuro yung upuan kung saan kami kakain. Sasagot na sana ako sa kanya kaso biglang may bumangga sakinnat natapon ang pagkain ko. Mabuti na lang at hindi natapunan yung uniform ko. Pero hindi yun eh!

"Ano ba?!" Sigaw ko dun sa lalaki na nakayuko at nakatingin dun sa pagkain na natapon. Umirap ako at suminghap. Napatingin siya sakin.

Napaawang ang bibig ko ng makita ko ang mukha niya. Bakit ang gwapo niya?! Ah! Erika naman, stop it.

Kumunot ang noo niya ng makita ako. Bakit? Napapangitan ba siya sa akin? Bumulong bulong siya pero di ko yun pinansin. Tinigan ko lang siya habang nakataas ang kilay.

"Sorry miss. Papalitan ko na lang yung pagkain mo and kung gusto mo, dun na lang kayo kumain sa table namin ng bestfriend ko." Mahinahong sabi niya.

Umiling iling ako para sabihin na hindi na kailangan na dun kami umupo sa table nila kaso ng makita ko ang tinuro kong table na sana uupuan namin ni juls na meron ng ibang estudyanteng nakaupo. Napabuntong hininga na lang ako. No choice.

"Sige.." Pabulong na sabi ko pero sakto lang para maririnig niya.

Sinenyasan niya kami na sumunod sa kanya. Nang makarating kami sa table nila, merong isang lalaki na nakaupo dun habang nakatingin sa bintana kaya hindi niya kami napansin.

"Oh my god.." Pabulong na sabi ni Julia. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya. Bakit kaya?

"Diego, pare!" Sigaw nung lalaki na nakabunggo sakin. Tumingin naman samin yung Diego. Kumunot yung noo niya ng makita ako. Ano problema neto? Mas lalong kumunot ang noo niya ng bumaling siya kay Julia at may halong gulat sa mga mata niya. Umiling iling siya tapos ay ngumiti samin. Weird.

"Uy, Chris! Sino itong mga magagandang binibini na kasama mo?" Tanong ni Diego.

"Hindi ko pa din sila kilala, eh." Nahihiyang sabi nung Chris at muka namang naguluhan si Diego. Yumuko lang ako. Hay, gutom na ako! "Uhmm, miss? Ano nga pala pangalan mo?" Dagdag niya pa.

Hindi ako sumagot kasi baka si Julia ang tinatanong niya at mapahiya pa ako, diba? Eto naman kasi tong katabi ko, speechless kanina pa. Crush niya siguro tong si Diego or napogian lang siguro.

Biglang tumahimik at naging awkward ata dito? Tumingala ako at nanlaki ang mata ko ng masyadong malapit ang mukha ni Chris saakin. Umaatras ako ng konti. Ngumiti siya sa akin at parang naghihintay ng sagot. Shoot! Ako pala talaga ang tinatanong niya!

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Where stories live. Discover now