Ikaw pa rin - 52

85.5K 1.4K 229
                                    

Christian's POV 

"Baby, wake up." Gising ko kay Erika na tulog na tulog na pa rin sa mga bisig ko. 10 o'clock na ng umaga pero di pa kami bumabangon. Wala pa rin akong nahahanda na pagkain para sa breakfast namin. Aish. 

"Hey sleepyhead... " Tinapik ko ulit siya sa pisngi niya pero wala talaga. Napailing na lang ako at kiniss siya sa noo. "I love you." 

Unti unti kong tinanggal ang mga kamay niya na nakayakap sakin at bumangon. Kailangan ko pang ayusin yung mga gamit namin. Marami pa kaming kailangan gawin.

Nasabihan na rin namin kagabi sila Diego na nakarating na kami. Nagpaalala naman sila ng mga dapat gawin namin, parang mga magulang lang. Sinabi din nila na kompleto yung gamit dito sa bahay kaya wala kaming problema. 

"Ah, sht!" Mahinang sambit ko ng talsikan ako ng mantika. Buti na lang talaga at marunong ako magluto kundi wala kaming kakainin ni Erika. 

Nang makita kong luto na yung niluluto kong itlog, pinatay ko na ang kalan at pumunta naman sa rice cooker. Chineck ko yung kanin kung luto na pero mukang hindi pa. Pumunta naman ako sa ref para ihanda yung milk ni Erika. Oo, alam ko kung ano mga kinakain niya. Syempre, resposibilidad ko yun. 

Napatigil ako sa pagkuha ng fresh milk nang biglang may yumakap sakin sa likod. Awtomatikong napangiti ako. Pero agad din yun nawala ng marinig ko ang mahihinang hikbi niya. 

Hinawakan ko yung kamay niya nakapulupot sakin at inalis ito ng dahan dahan. Humarap ako sa kanya at niyakap siya. Nilagay ko naman ang mga kamay niya sa bewang ko. 

"What's wrong?" 

"I thought.... you left me. Akala ko kinuha ka nila." Umiiyak na sabi niya at hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Kiniss ko siya sa ulo niya. 

"Hindi naman ako papayag na gawin nila yun. Don't cry, my princess." Hinawakan ko siya sa balikat at inalayo siya ng konti para makita ko ang mukha niya. Pinunasan ko ang luha niya gamit ang thumb ko. "Wag ka ng umiyak kasi nasasaktan ako tuwing umiiyak ka."

 Tumango siya sakin at pinaupo ko siya sa upuan. Bumalik ulit ako sa ginagawa ko. 

Napaisip ako sa sinabi ni Erika. Oo nga no? Paano kung paggising ko, wala na siya sa tabi ko? Paano kung nalaman ni tito na nandito kami? Pano paggising ko kinabukasan, kasal na pala sila ni Enrique? Kakayanin ko kaya? Napailing ako sa iniisip ko. Sht, hindi ko hahayaan yun. 

Masyadong naging mabilis ang naging umaga namin ni Erika. Nagayos kami ng mga gamit namin para mailagay sa cabinet. Naglinis rin kami kahit malinis naman yung buhay. Nag-movie marathon din kami kahit paulit ulit lang yung movie. Ewan ko pero kahit ganun masaya kami. Siguro kasi sinusulit namin yung oras. Kasi hindi namin alam kung ano ang mangyayari mamaya o kinabukasan. Ika nga nila, life is short kaya live your life to the fullest. 

"Baby? Ano, ready ka na?" Tanong ko kay Erika na nasa banyo pa.

Napagpasyahan kasi namin na magswimming sa pool ng bahay ni Ate Coleen. Eto ata ang first time na magsiswimming kami. Maski dati, hindi namin nagawa magswimming kahit nagpunta kami dati sa resort namin. Siguro nga mas masaya ito kung nandito ang barkada. 

Napalingon ng marinig kong bumukas ang pintuan ng banyo. Lumabas si Erika na naka-pink tank top at naka-maong na shorts. 

"Ganyan ka mag-swimming?" 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Where stories live. Discover now