Chapter 1

431 22 16
                                    

Quin and I had been together for a year and a half. He's the sweetest guy I've ever known. He never failed to surprise me every special occasion. I admired how he understood my mood swings and my busy schedule as an active student in school. I joined a lot of clubs and organizations that kept me occupied most of the time. And he would still take time to give me my favorite sweets at the end of the day as a sort of reward. I was not imagining my life with him in the future yet, I've got school and career ahead to prioritize more, and he's really nice to understand my goals as well.

"Maghiwalay na tayo, Lacey." Narinig kong sabi nya sakin at muntik ko na mabitawan ang librong binabasa ko. Nasa isang bookstore kami at sinamahan niya ako bumili ng librong pang-regalo sa birthday ng ka-tropa naming si Rika. Mahilig kasi siya magbasa ng libro kagaya ko, kaya siguro kami naging close. Napatingin ako kay Quin sa sobrang gulat.

"Ano yun?" Nagpatay-malisya lang ako kunwari. Hindi ko pinahalata ang takot na nararamdaman ko. Wag mong gawin 'to. Wag dito, wag ngayon, wag kahit kailan! Hindi ko kakayanin...

Lumapit si Quin sa akin at tinignan ako ng diretso. "Ang sabi ko, maghiwalay na tayo." Mahinahon pa siya sa pagkakasabi niya ng mga salitang yun. "I know this is a very bad timing, but, I just have to get it out of my chest. I'm sorry, Lace." Hindi ko maaninag ang mukha nya. Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko at malabo na ang tingin ko. "Wag. Akin na yang libro, ako na. Antayin mo na lang ako sa kotse." At tumungo na siya sa Cashier.


Ginawa ko ang sinabi nya. Hindi ko na rin kayang huminahon sa oras na 'to. Dalawang beses...dalawang beses nyang sinabi yung mga salitang ayokong marinig mula sa kanya. Patakbo akong lumabas ng bookstore at dumiretso sa kotse nya. Anong nagawa ko? Wala akong matandaang problema na hindi namin inayos. Bakit? Anong dahilan mo, Quin? Narating ko na ang kotse pero wala sa akin ang susi. Umupo ako sa tapat ng passenger's seat at yumuko.

Tumulo na ang mga luha at wala akong lakas para pigilan sila. Ang daming tanong sa isip ko at hindi dapat ito ang oras para sa ganitong pangyayari. Sa dami ng panahon, Quin, bakit ngayon pa? Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa ganung posisyon ng maramdaman kong may humawak sakin. "Please get in the car." Binuksan ni Quin ang pinto ng kotse at pumasok naman ako. Robot. Yun ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ko maramdaman ang katawan ko at parang huminto sa pag-andar ang utak ko.

"Bakit?" Tanong ko agad sa kanya pag-start niya ng sasakyan.

Inadjust niya ang lakas ng air conditioner at inayos ang rearview mirror. Nagbuntong-hiniga siya at humawak ng mahigpit sa manibela."Hanggang kailan mo 'ko pag-aantayin? Matagal na kitang girlfriend pero halik sa labi lang ang pwede kong gawin sa'yo. My friends at school are laughing at me!" Hindi siya tumitingin sa'kin. Nakatingin lang siya ng diretso sa pulang kotse na katapat namin dito sa Parking Area. Hindi ako makapaniwalang ito lang ang dahilan na maibibigay niya sa'kin. Lalong lumakas ang daloy ng mga luha sa mata ko.

The Ex Factor: It's NOT a Love Story!Where stories live. Discover now