Chapter 2

317 16 10
                                    

"Lacey..." Binasag ni Quin ang katahimikan. Limang minuto na kami sa kalsada at trapik pa. Nangako naman siya na ihahatid pa rin niya ako sa bahay namin pagkatapos ng masamang balita niya. He's always a gentleman, kahit ganito pa kasama ang sitwasyon.

"Wag ka na magsalita, Quin." Pigil ko sa kanya. "Mag-drive ka na lang, isipin mo na lang wala ako dito." Tumingin na lang siya ng diretso sa kalsada at hindi na itinuloy ang balak na magsalita. Gusto ko talaga yung nirerespeto niya yung mga requests ko. Pero yung request kong 'wag niya akong hiwalayan, pagbigyan kaya niya? Nagbuntong-hininga na lang ako at tumingin sa malayo. Blinangko ko na lang ang utak ko, tutal manhid na ako. Hindi ko kayang mag-isip ng ganitong kabibigat na bagay sa isang masayang araw.

Huminto na kami sa harap ng bahay namin. Bababa na sana siya para pagbuksan ako ng pinto pero pinigilan ko siya. "Pwede bang sa'tin muna 'to? Pag-usapan natin after ng birthday ni Rika." Gusto kong umiyak ulit ng matitigan ko ng malapitan ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko. Ang lalaking tinapos na ang lahat sa'min. Tumango naman siya at ngumiti ng tipid. Lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi na siya tumuloy sa loob dahil tutulong daw siya sa pag-arrange ng venue ng debut ni Rika.


Dumiretso ako sa kwarto ko at dumapa sa kama. Isinubsob ko ang mukha ko sa malaking unan at saka sumigaw. Nilabas ko na lahat ng luha na pwede kong ilabas sa halo-halong emosyon na kanina ko pa pinipigilan. Para akong lobo na unti-unting sumingaw ang hangin sa loob. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ako. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog dahil nagising na lang ako sa katok ng Mama ko sa pinto.

"Anong nangyari sa'yo, anak?" Bakas sa mukha ni Mama ang pag-aalala. I'm always her little girl, bilang isang anak lang ako. Hinayaan ko na rin sila ni Papa na maging ganun sa'kin. Hindi ko rin naman kayang maging madamot sa kanila when it comes to their love for me. Naalala ko na binuhos ko lahat ng luha ko kanina at nakatulugan ko na lang.

"Wala po, kagigising ko lang. Medyo sumakit kasi ulo ko knina, ang init kasi sa labas."Sana bumenta ang palusot ko. Ngumiti siya at sinabing tumawag si Rika para i-remind ako na alas 5 daw dadating yung make-up artist sa bahay nito. Tumango ako at sinabing aayusin ko na ang mga dadalhin ko papunta sa bahay ng kaibigan.

Sinara ko ang pinto at napatingin sa unan na sumalo ng lahat ng nararamdaman ko kanina. Inalog ko ang ulo ko at inalala na kailangan ko na pumunta kina Rika. Saka na ang problema, maraming oras para dun pagkatapos ng debut. Inayos ko na ang dress na isusuot ko mamaya sa party, sapatos at mga accessories. Nilagay ko na rin sa bag yung libro na binili ko kanina sa bookstore. Kasali kasi ako sa 18 gifts sa party ni Rika. Pagkatapos ko i-double check lahat ng gamit ko, kinuha ko na ang tuwalya sa aparador at dumiretso sa banyo para maligo. 

The Ex Factor: It's NOT a Love Story!Where stories live. Discover now