Chapter 6

278 18 13
                                    

Lace, magkita tau sa tambayan mamayang lunch. --Darren

Lacey-- I can't. I've got a summer job.

Summer job? --Darren

Lacey-- @Music Mania.

Cool! Pwd ba dumaan dun l8r? --Darren

Hindi ko na siya ni-replyan. Hindi pa ako nakikipag-usap sa kahit kanino sa mga boys simula ng..."Erase, erase, erase him, Lacey!" Kinuha ko ang tuwalya ko at dumiretso na sa banyo. Ikinatuwa ng mga magulang ko ang summer job na ito. Kaya hindi na ako masyadong nag-aalala na baka hindi nila magustuhan ang idea na yun. Feeling ko tuloy alam nila yung tungkol sa...

Gudluk on ur 1st day, best friend! Will try 2 drop by l8r. --Rika

Lacey-- Tnx, I owe u one!

Quarter to 10 ako dumating sa store. Sarado pa ang mall kaya nag-antay muna ako sa labas. Baka may hang-over si Jake at hindi siya makakapasok ngayon? O kaya baka talagang wala siyang pakialam sa business nilang ito? O baka late talaga siya pumapasok? I honestly didn't have a good first impression on him. Judgemental na kung judgmental, pero yun talaga feeling ko. Baka naman--

"Good morning, Lacey! Sorry, kanina ka pa ba?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Jake. Naka-jeans ulit siya at green t-shirt. Suot niya pa rin yung chinelas niya at may dala siyang Starbucks na paperbag. Naka-shades siya ng itim at parang hindi na naman sinuklay yung buhok niya. Porke mala-K pop ang buhok, hindi na dapat magsuklay? Nilapag niya ang dala sa sahig at kinuha ang susi sa bulsa nya. Sinusian nya ang padlock at inangat ang roll up ng store. 

"H-Hindi naman po, kararating-rating ko lang din, sir." Nakalimutan ko na yata ang manners ko. Boss mo yan, boss mo yan, paalala ko sa sarili. 

"Dun kasi ako sa likod nagp-park tapos bumili muna ako ng breakfast ko. Starbucks is crowded kaya hindi na ako dun kumain. And I remembered na may kasama na pala ako sa store simula ngayon." Tumawa siya ng mahina at pumasok na sa loob ng store. Sumunod ako sa kanya at hinigpitan ang hawak sa bag ko. Hindi naman siguro ako ipapahamak ni Rika, kakaiba lang talaga ang dating ng boss ko. "Merong locker sa loob, may CR din...What else? Here's the cash register--you stay here for this week and I'll do the walking around. Uhm. Don't mind these papers on the table, they're orders. I'll teach you this soon. Any questions?"

Orientation na ba yun? I cleared my throat and said, "Wala na po, sir."

"And another rule--call me Jake. And loosen up a bit, girl! I'm harmless. Smile!" Binuksan niya na ang paperbag at kumuha ng croissant sa loob. Inamoy-amoy muna nya ang kape bago ito hinigop ng kaunti. 

"Ilalagay ko po muna yung gamit ko sa loob." 

"Please refrain from using "Po" and "Opo". We're just the same age, siguro nga mukha akong mas matanda. Hahahaha!" Sinabi niya yun habang nginunguya yung tinapay niya. Tumango na lang ako at ngumiti. Masasanay din siguro sa kanya.

"Uy, Lacey!" Nagulat ako ng may bumagsak sa harap ko. 

"Darren? Drake? Anong ginagawa nyo dito?" Kamay lang pala ni Darren yung kumalampag.

"Bawal ang tulala sa shift, oi! Ang lalim na naman ng iniisip mo, pre. Nasa trabaho ka po, wala sa Dreamland." Iniabot ni Drake ang isang CD.

Kinuha ko ang CD at pinunch ito. Binabalot ko na ito ng maalala ko magtanong ulit, "Anong ginagawa niyo dito? May kapal na kayo ng mukha para humarap sa'kin ngayon." Nagkatinginan ang dalawa.

Si Darren ang unang sumagot, "Lacey, pasensya ka na. Hindi namin alam kung anong gagawin namin nung nalaman namin na--" 

Ayoko ng ganitong usapan ngayon. "Eto na CD nyo, umalis na kayo."

"Hanggang kailan ka ganyan, Lacey? Hanggang kailan mo iiwasan pag-usapan yung paghihiwalay nyo ni Quin? Alam mo, dumistansya lang kame kasi alam namin na masakit yun para sa'yo. Pero hindi ibig sabihin nun kinampihan namin siya. Kaibigan namin kayo pareho, isang tropa tayo, pero dahil sa nangyari nahati na tayo." Parang marami pang sasabihin si Drake pero inawat na lang siya ni Darren.

"Hindi yata ito yung tamang oras, Drake. Let's go." 

"Hindi. Dapat malaman niya 'to. Alam mo bang--" 

"Do we have a problem here? Please don't harrass my employee." Pumasok si Jake sa store dala dala ang isang paperbag ng Burger King. Tinignan nya ng masama sila Drake at Darren.

"Uhm. Okay lang, Jake. Mga kaibigan ko sila. Uhm. Pwede na ba ako mag-lunch?" 

"Friends, huh? Yeah, sure. Take your lunch and be back by 2."

"You were saying, Drake?" Nasa foodcourt kami ng mall at kumakain. 

Nagbuntong-hininga siya bago ulit nagsalita. "Alam namin ang plano ni Quin na makipag-hiwalay sa'yo."

Napahigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor ko. Tinitigan ko ng masama si Drake at lumingon ako kay Darren. "Alam mo din yun?" Tumango lang siya at umiwas ng tingin. 

"Dalawa o tatlong buwan bago ka niya hiniwalayan," Patuloy ni Drake. "may na-meet siyang babae. Pinakilala yata sa kanya sa school nila or something. Nagpakita ng motibo yung babae, kaya niligawan nya." 

"Nalaman na lang namin na sinagot na siya nung babae kasi nakipaghiwalay na siya sa'yo." Dugtong ni Darren. 

"Kinuwento ba niya sa inyo lahat yan? That's crap, hindi niya gagawin yun." 

"Yung pinsan kong si Sheena, barkada niya yung babae." Tinitigan ako ni Drake at inobserbahan ang magiging reaksyon ko. Binagsak ko ang kutsara't tinidor ko sa mesa at nagulat silang dalawa.

"Lacey, pasensya ka na talaga. Nagulat din kami, kaya hindi ka namin nasabihan agad. Saka, ayaw din namin manghimasok sa relasyon niyong dalawa. Believe me, matagal ka na namin gustong kausapin pero alam namin na nagccope up ka pa sa sitwasyon." Paliwanang ni Darren.

"2 to 3 freaking months. You hid these from me for 2 to 3 months! Anong klase kayong mga kaibigan?! You're just like him. No. Mas malala pa kayo sa kanya! Bakit?! Ganun ba ako kahina sa tingin niyo para hindi makayanan ang ginagawa ni Quin?!" Para akong nabilaukan sa pagbanggit ng pangalan nya. 

"Ayaw lang namin makialam, Lace--" Pagdadahilan ni Drake.

"Well, thank you so much for your concern!" Tumayo na ako at iniwan na ang mga traydor kong kaibigan.

The Ex Factor: It's NOT a Love Story!Where stories live. Discover now