Chapter 11

248 15 28
                                    

Lalakad ba ako at magkukunwari na hindi ko siya nakita? Tatalikod at lalakad pabalik, kunwari may nakalimutan? O magkukunwaring nahimatay dahil sa heat stroke? Bilisan mo mag-isip, andiyan na siya!

At bigla akong tumumba sa buhangin. 

"Lacey!" Narinig kong sigaw niya. In a matter of 5 seconds, naramdaman kong may humawak sa akin at niyuyugyog ang mga balikat ko. What a scene, Lacey! This is just great! Ngayon, galingan mong umarte kung ayaw mong mapahiya! 

"Quin, what happened?" May narinig akong boses ng babae na palapit sa amin. I was so tempted to peek, but that would just blow my acting and put me in great shame. 

"Mukhang nahimatay siya dahil sa init." Sagot ni Quin sa babae. Naririnig ko din ang ibang boses ng mga tao sa paligid na nakiki-usyoso. Naramdaman ko na lang na umangat ang katawan ko mula sa buhangin at nagsisimula nang lumakad si Quin. "I'll bring her to the clinic, Ellie."

"But why? She's your Ex, right?" Ellie pala ang pangalan ng hinayupak. Natutukso na naman akong gumising mula sa pagkaka-himatay para sapakin itong babaeng matinis at maarte ang boses na 'to, pero kailangan kong kumalma at ipagpatuloy ang pagpapanggap kong nahimatay. 

"She's still a friend." A friend? Aray naman.

"A friend? Really? O baka naman--"

"Stop it, Ellie. Wag ngayon, wag dito. Please mind your manners." At tumuloy siya sa paglakad. Naka-tatlong hakbang pa lang siya nang may marinig akong bagong boses.

"I'll take her to the clinic." Si Jake, ang panira ng moment. Ewan ko ba, pero nawala lahat ng galit ko kay Quin nang tulungan niya ako. Nakipag-talo pa siya sa impaktang yun para dalhin ako sa clinic. I think-- DON'T. EVER. SAY IT. Pinapagalitan ko ang sarili ko...Great!

"Excuse me?"

"I'm Jake, Lacey's...boss. We're on a team building and we noticed na nawawala siya. Thank you for finding her. I'll take it from here." Team building daw?!

Nag-alangan pa si Quin na ibigay ako kay Jake, pero wala siyang nagawa because Jake made the word "boss" sound like "God". We walked away from wherever we were a while ago. After a couple of minutes, nagsalita si Jake, "Pwede ka nang gumising. Medyo mabigat ka pala for someone so skinny." 

Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin ng masama sa kanya. 

"You're welcome."

" "You're welcome" for what? And please put me down." I sounded as irritated as I could. At hindi niya ako binaba. Hindi ko alam kung saang part siya papunta kasi hindi ito mukhang papunta sa cottage.

"Di ba dapat magt-thank you ka kasi niligtas kita sa taong yun?" 

"Niligtas? As far as I remembered, HE was saving me. Put me down." Pangalawa na yan, ha!

Huminto siya sa paglakad pero hindi niya ako binaba. "You pretended to be faint, just to get his attention? What a childish thing to do!"

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Jake! Ibaba mo nga ako!" This time, pinilit ko talagang kumawala. I kicked and pushed him away hanggang sa mabitawan niya ako. Ang kaso, hindi maganda ang posisyon ko para makatayo agad. I was able to get away from his arms, but I missed a step and slipped. Sinalo niya ako and our faces were only inches away. I felt something that time, but I kicked it away. I straightened myself up at lumakad papunta sa direksyon ng cottage.

The Ex Factor: It's NOT a Love Story!Where stories live. Discover now