Chapter 16

227 13 10
                                    

"I SOOO miss this, friend! Just you and me and SHOPPING! For what nga pala itong ipagsh-shopping natin?" Tanong sa akin ni Rika habang naglalakad kami sa loob ng mall. 

"Magkikita kasi kami ni Jake mamayang gabi. Di ba nag-resign na nga ako kahapon? Nalito lang ako kasi bakit gabi siya makikipagkita para ibigay yung backpay ko at bakit kailangan naka-dress pa ako? Wala ba siyang nabanggit sa 'yo?"

Rika smiled at me and said, "Wala siyang nasabi at wala siyang sasabihin sa akin kasi it's a private thing. You are so dense, my friend! He asked you out on a date!"

Biglang huminto ang tibok ng puso ko, nakalimutan kong huminga at nanigas na naman ang katawan ko. Ito na naman yung effect na yun ni Jake sa akin. Ano ba, Lacey! Huwag kang papadala sa nararamdaman mo!

"Earth to Lacey?" Nagulat ako nang tapikin ako ni Rika. "Alam mo, Jake's nice. I've never seen him like that before, ngayon lang--simula nang makilala ka niya."

I continued walking at inisip kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Jake. Wala kang nararamdaman kay Jake! I closed my eyes and shook the thought off my head. "Rika, I want to enjoy this time with you. Ayoko muna mag-isip ng tungkol sa kahit na sino, si Jake...si Quin. This is our time." At ngumiti ako sa kanya. She smiled back and nodded then we headed towards the first boutique.

Rika picked different colors and designs for me. I tried all of them at talagang nag-eenjoy ako sa time namin together. "Uy, maliit lang budget ko ngayon. Huwag kang pumili ng super designer, ha?" 

"Ano ka ba? Gusto ko maganda ka sa date niyo ni Jake! Malay mo ito na ang--"

"No, Rika. Ayoko ng ganun. Ayokong gamitin siya to get over Quin completely or something. Sobrang bait niya and he deserved better-- hindi ang katulad kong broken."

"You're wrong, my friend. He sees you differently. Alam mo, you should try this blue dress." I tried the dress that she gave me.

I ended up buying a dark blue blouse and a brown skirt. Ayaw ni Rika sa napili ko, pero that's the outfit that I felt most comfortable with. Hindi naman kasi ako dressy type of a person, more on jeans and shirts or jeans and blouses lang. We then went to buy a pair of shoes na babagay sa outfit na napili ko. Hindi rin ako mahilig mag-heels or anything above 2 inches na takong. Seryoso, sneakers lang buhay na ako. 

"I insist! Kunin mo na 'to, kahit ito lang, Lace. For me?" And she made that pa-cute face na nakakatawa talaga. I tried the black wedge shoes na pinipilit nyang isuot ko kanina pa. "You won't fall in it, promise." 

"Easy for you to say. Ilang inches ba 'to, 5?" I was standing in front of the mirror and trying to balance. 

"You're so funny! 2 lang yan! Try to walk, dali!" 

Sinubukan ko ngang lumakad and amazingly, hindi naman ako nadapa or natapilok. I saw Rika clapped her hands and smiled at me. 

"Mukhang okay naman siya, sige." Pag tingin ko sa presyo, bigla ko itong ibinalik sa rack. 

Kinuha ni Rika ang sapatos at dumiretso sa counter. Sinundan ko siya at sinubukang pigilan. "Don't. Think of this as a gift, okay?" Alam kong walang kwenta makipagtalo sa kanya kaya hinayaan ko na.

"Salamat, Rika."

"Hey, this is girl's day out, right? Dapat masaya tayo! Tara, let's eat! I want something Japanese, ikaw?" At humanap na kami ng makakainan. I missed this, too, being with Rika. Kami lang dalawa-- shopping, girl talks and doing random girl things.

"Thank you sa pagsama sa akin ngayon, Rika."

"Let's do that again sometime. I missed you so much, girl." At niyakap niya ako. "Kwentuhan mo ako agad kung anong nangyari sa date niyo, ha!" And she drove away.

Date. Hindi ko talaga maisip na makikipag-date ako kay Jake. Hindi pa ba malinaw sa kanya ang lahat? Umakyat ako sa kwarto at tinignan ang mga pinamili namin ni Rika. Imbis na isukat, hinigaan ko ang mga pinamili at bigla na lang akong nakatulog.

Bigla akong napa-balikwas sa kama nang mapansin kong nakatulog pala ako. "Anong oras na?!" Nataranta ako bigla nang makita kong medyo madilim na sa labas. Tumingin ako sa wall clock at nakita kong 5:30 na pala. Hinanger ko yung mga damit sa aparador, buti hindi nalukot sa pagkakahiga ko. Kinuha ko na ang tuwalya at dumiretso sa banyo. 

Bigla akong nakaramdam ng kaba paglabas ko ng banyo. Dahil ba sa lakad namin ngayong gabi ni Jake? Umupo ako sa harap ng dresser at nagpatuyo ng buhok. Ano bang balak mo, Jake? Nang matuyo na ang buhok ko, isinuot ko na ang damit na binili namin ni Rika. Binuksan ko ang drawer ko para humanap ng accessory na pwede kong isuot.

Nilagay ko na din ang mga dapat kong dalhin sa itim kong purse. Ang purse na niregalo sa akin ni Darren nung 18th birthday ko, na ngayon ko pa lang gagamitin. Naglagay ako ng konting make-up at nilagay na din sa purse ang lipstick na ginamit ko. Hindi ako sanay sa make-up, bakit ba kasi kailangang magmake-up ng mga babae? Tinititigan ko pa ang sarili ko sa salamin nang kumatok sa pinto ang Mama ko. 

"Anak, may bisita ka sa baba. Yung boss mo daw, Jake ang pangalan. Gising ka na ba?"

Napatingin ako sa wall clock-- 6:45. Ang aga nya, hindi naman masyadong excited no? "Opo, Mama. Bababa na po ako."

Itinali ko na lang ang buhok ko, wala na akong oras mag-ayos pa. Kinuha ko na ang purse at isinuot ang sapatos na binili namin ni Rika. Sinugurado kong natanggal ko nga yung presyo bago ako lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko, nakita ko si Mama at si Jake na nag-uusap. Masamang sinyales. "Hindi po nanliligaw si Jake, Mama." Naalala kong sabi ko sa kanya nang magpaalam ako kanina. Tumingin silang dalawa sa akin nang mapansin nilang bumaba na ako. Ang gwapo ni Jake...

"Good evening, Lacey." Bati niya sa akin. Strange-- Walang bulaklak? Tumango lang ako at matipid na ngumiti. "It was nice meeting you, Mrs. Castro. Ihahatid ko po si Lacey ng maaga." Ngumiti sa kanya ang mama ko at tumingin sa akin sabay kindat. Hihimatayin yata ako! Ano kayang pinag-usapan nila?

Tahimik ang naging byahe namin ni Jake. Walang nag-attempt magsimula ng conversation-- puro pakiramdaman lang. Nagpagupit siya ng buhok-- nawala na yung mala-korean hairstyle niya. He looked like a real businessman now, lalo na't naka-suit siya ngayon. Napatingin tuloy ulit ako sa suot ko, sana pala nakinig ako kay Rika about sa blue dress. 

Huminto kami sa harap ng isang hotel-- mga 7 or 8 floors ito at mukhang class. It's outside of town kaya hindi ako pamilyar sa hotel na ito. Ang daming tao, anong meron? Puro mga naka-suit at gown din ang mga taong bumababa sa kani-kanilang mga sasakyan. Hindi ko mapigilang magtanong kay Jake, "A-anong ginagawa natin dito?" 

Iniabot niya sa valet na naka-uniform na red ang susi ng sasakyan niya at tumingin siya sa akin. Ngumiti siya at inilahad ang kamay niya sa akin,"This is The Ridge Hotel at inauguration nito ngayon." Puzzled pa rin ako. Anong pakialam ko sa inauguration ng hotel na pang-sosyal? 

"Sir Joaquin, inaantay na po kayo ni Madame Margarita sa loob." Tumango lang si Jake sa lalaking lumapit sa kanya na naka-black na suit at agad itong umalis.

Tumingin sya ulit sa akin, "We own this place."

The Ex Factor: It's NOT a Love Story!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon