Chapter 4

321 17 25
                                    

Dalawang araw matapos ang debut ni Rika, hindi na rin kami nag-usap ni Quin. Ito na ang oras na kinatatakutan ko-- na hindi na talaga kami, totoo na 'to. Nakakatulog na lang ako sa kakaiyak gabi-gabi, hindi na sya sumasagot sa mga text at tawag ko. Ang huling beses na nag-usap kami ay nung hinatid nya ako galing sa debut. 

"I'm sorry." Sabi niya pagka-patay niya ng makina ng kotse. 

"Hindi naman kasi kailangan maging ganito, Quin. Pwede namang--"

"I've made up my mind, Lacey. I'm really sorry. Siguro...Siguro hindi ako ang para sa'yo." Hindi siya tumitingin sakin. Tinitigan ko mabuti ang mukha nya, tinatandaan lahat ng parte nito. Mahal ko ang taong ito pero dahil sa isang simpleng bagay, kailangan niya akong iwan. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko, pinipigilan ang sarili ko na umiyak. Ayokong makita niya na mahina ako. 

"Okay." Yun lang ang nasabi ko at agad akong bumaba ng kotse. Lumakad ako ng mabilis at hindi na lumingon.

Tumulo na naman ang mga luha ko. Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko at nagtalukbong ako ng kumot. Napatigil ako ng may mag-text:

Lace, r u ok? Heard wat happened between u & Quin. I'm sori. Ice cream? --Rika

At may isa pang text message:

Dude, kamusta? --Drake

So kumalat na sa tropa ang balita. Pinatay ko ang cellphone ko dahil ayoko munang makipag-usap kahit kanino. Tinalukbong ko ulit ang kumot sa ulo ko at pumikit. 

Napanaginipan ko si Quin. Hindi ang masayang mukha nya, kundi yung mukha nya nung araw na nakipag-hiwalay sya sakin. Nagising na lang ako sa katok sa pinto.

"Lacey, anak? Tanghalian na tayo." 

Pinilit kong bumangon at sinabi kay Mama, "Sige po, bababa na 'ko." At narinig ko ang yabag ng tsinelas niya sa hagdan. Hay...Pinunasan ko ang mga bakas ng luha sa mukha ko at inayos ang sarili ko sa salamin. Hanggang kailan ako magpapanggap? 

"Favorite mo 'to, anak. Para sa'yo talaga yan." Ang perky ng boses ni Mama, mukhang may idea na siya na may problema ako. Hinid siya magluluto ng caldereta ng walang dahilan. 

"Salamat, Ma." At kumain kami ng tahimik. "Uhm...magkikita po kami ni Rika mamaya, Ma."

"That's good. Sige, enjoy yourselves. Wag lang kayo magpapagabi, ha?" Nagulat ako ng magsalita si Papa. Tahimik lang siyang tao at hindi nakiki-usisa sa private life ng kahit na sino. Touched ako na binibigyan nila ako ng space.

Tinapos ko na ang pagkain ko at tumayo. "Sige po, maliligo na po ako."

Binuksan ko na ulit ang cellphone ko at mabilis na tinext si Rika:

Wag kang aalis ng haus nyo, pu2nta aq jan.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Agad akong lumabas ng bahay at naglakad papunta sa bahay ni Rika. Nag-doorbell ako at sumilip sa gate. Lumabas agad si Rika at pinagbuksan ako.

"They're not here, si Manang Bebe lang ang andito. Come."

Dumiretso kami sa rooftop ng bahay nila. She looked really concerned, hindi ko pa siya nakitang ganito sa'kin ever.

"How are you, Lace? Sorry, hindi ko talaga alam until Drake texted. Galit na galit siya, and I hate Quin too, for doing this to you." Hinawakan niya ang kanang kamay ko. Hindi naman ako iyakin, I'm not the emotional type, pero ngayon...ibang klaseng sakit yung nararamdaman ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak. 

"I can't believe he would leave me. Wala naman akong ginawa-- Bigla na lang siyang-- nakipaghiwalay." Ito na yata yung sinasabi nilang emotional breakdown. "Dahil daw hanggang ngayon wala pang nangyayari sa'min--"

"What the hell?! Yun ang dahilan nya?! Asshole! Wala ba siyang utak? He's been our friend since elementary, he'd known you inside and out, what would he expect? Babaguhin mo lahat ng virtues mo dahil lang sa kanya?!" Her ranting made me feel a bit comfortable, at least ngayon, alam kong may kakampi ako. "Guys this days! I just can't believe na ganun din siya! Tsk! He's not worth all these tears, Lacey." Hinagod niya ang likod ko at inabutan ako ng tubig. Kinuha ko ang tubig at uminom. Nag-ring ang cellphone niya at kinalma ko ng kaunti ang sarili ko.

"Drake." Galit na pagbati niya sa kaibigan namin. "Yeah, she's here. Pero I don't think she's in the mood to talk to any of your species at the moment." Napangiti ako sa sinabi niya. Si Drake ang closest sa'kin sa tropa after Rika. We have a lot in common, lalo na sa music. "Okay. Bye." 

"Anong sabi nya?" Mahina kong tanong.

"Sabi niya, okay lang daw at naiiintindihan niya kung bakit ayaw mong makipag-usap sa kanila. Funny, hindi sya nag-insist na makita ka. Hmm..." Hindi ko na inintindi ang huling sinabi niya. Si Quin pa rin ang nasa isip ko.

"May way pa kaya para bumalik sya sakin?"

Rika rolled her eyes at me. "Meron. If you give up your virginity to him. In short--wala."

Hay...Siguro nga wala. I texted him every bargain that I could offer, pero hindi siya nagrereply. I guess, hindi niya gusto ang mga offer ko. Siguro tama si Rika, isa lang ang gusto niyang offer. And that offer will not happen in a thousand years. Sumikip na naman ang dibdib ko. Sana nag-away na lang kami, sana nagka-conflict na lang kami sa pamilya, sana nagka-problema sa oras. Mas matatanggap ko pa kung yun yung mga dahilan, pero ito? 

"Umiiyak ka na naman. How long will you cry for him? Wala siyang kwentang tao, Lacey." Inabutan nya ako ng kutsara at nilapag ang isang pint ng double dutch ice cream sa harap ko. Alam niya na pag problemado ako, ito ang comfort food ko. Kulang pa ang isang pint para ma-comfort ako sa lagay kong 'to.

The Ex Factor: It's NOT a Love Story!Where stories live. Discover now