Chapter 9

249 15 6
                                    

Your Guardian Angel (The Red Jumpsuit Apparatus)     DELETE

"Why delete that? I like that song." Napatalon ako nang marinig ko ang boses ni Jake.

"Sorry, ano kasi...Id-download ko na lang ulit." At nataranta ako bigla sa pagb-browse kung saan mabilis mag-download ng music. 

"No, that's okay. Nataranta ka na naman. I was just asking why?" Tumigil ako sa pag-browse. Sinilip ko siya from my peripheral, sensing kung anong mood niya today. Isang buwan na akong empleyado ng Music Mania and I could say, he's a great boss. Kung sa iba lang siguro ako nag-summer job, matagal na akong walang trabaho. We've been pretty close in a way, nakilala niya ako sa hindi magandang simula, pero pinakisamahan niya ako at inintindi yung kabaliwan ko. 

"It's the song." I tapped the mouse with my index finger. 

"Seryoso?" Lumaki ang mga mata niya at sabay tumawa. "It's still about him? When will these end, Lacey? I mean, you cried, you became mad at everyone, you cried, you got drunk and cried. Hanggang kailan?" Wow, na-enumerate niya yun lahat under a single breath.

Pero ano nga ba ang sagot sa tanong niya? Hanggang kailan? Honestly..."Hindi ko pa alam." Sabay iling ko. Totoo, hindi ko talaga alam. Siguro nga sa ngayon, kalmado na ako at feeling ko normal na ulit ako, pero tuwing naririnig ko 'tong kantang 'to, tuwing nakikita ko yung mga pictures namin sa FB at instagram, tuwing nakikita ko lahat ng regalo niya sa kwarto ko, lahat ng sulat, lahat ng damit na binili namin together, bumabalik yung mga alaala. 

Napabuntong-hininga si Jake at pumikit saglit. "Okay, I'm a Management major at hindi Psychology, so this is not a therapy thingy. Here." Binuksan niya ang isang folder sa computer at laman nito ang napakaraming kanta. "Make your own playlist and play it once a day. Maximum of 10 songs lang tapos you play the regular playlist for customers to hear other songs. Alright?"

Tumango ako at natuwa sa offer nya. "Salamat."

"Yan...smile lang lagi para marami tayong benta, okay? I'll just have lunch then you can have yours pagbalik ko." At dumiretso na siya sa labas ng store. Agad kong tinignan ang lahat ng kanta sa folder na binuksan ni Jake. Sobrang dami, tapos 10 songs lang for my playlist? Ang hirap nito. Lumang kanta, bagong kanta, lahat ng genre--rock, acoustic, pop, RnB, classic, pati Kpop! From David Bowie to Air Supply to Britney Spears to Taylor Swift. Nahihilo na ako sa kakatingin. 

Finally, after an hour, nakagawa din ako ng sarili kong playlist! Tinignan ko ulit at siniguradong ito na talaga. I'll make Jake promise me first na wala nang palitan pag nai-save ko na ang list:

Your House (Alanis Morissette)

Losing Grip (Avril Lavigne)

Something I Can Never Have (Flyleaf)

What About Love (Heart)

Evidence (Urbandub)

The Fight is Over (Urbandub)

Cat and Mouse (Red Jumpsuit Apparatus)

Modelo (Saydie)

Israel's Son (Silverchair)

Boston Drama (Typecast)

"Mukhang maganda yung therapy, este, activity na binigay ko sa'yo,ah! Patingin nga ng playlist mo." Tinakpan ko muna ang monitor para pasumpain muna siya.

"Wala ng bawian 'to, Jake, ha! Playlist ko 'to at ipplay siya once a day everyday, tama?" 

"Oo na, oo na. Music store 'to, lahat ng nasa playlist mo, pwedeng patugtugin dito. Patingin na, dali." At pinakita ko sa kanya ang playlist ko. He had a blank expression. Naku, mukhang hindi nya nagustuhan, parang buburahin na niya yung playlist ko.

"Uhh...Pwede ko naman palitan kung--" 

"Yung playlist mo, nagsusumigaw-- anger...pain...My God, yung iba nga dito hindi ko alam at yung iba sobrang tagal ko nang hindi naririnig. Are you sure about this?" Tumango lang ako sa sinabi niya.

"Alright. Save it. And please, no crying in my store when these songs play. Take your lunch."

Sinave ko muna ang playlist bago ako lumabas ng store. 

Lace, may magbu2kas na bagong bar nxt week. May kakilala aq dun, pwd nya tau isama sa line up. --Drake

Lacey-- sure. kelan tau magppractice? db may klase pa c Kelvin?

Ok lng un, xposure dn 2 pra sa banda natin. sunduin ka nmin ni Bert mya, pag-usapan ntin ung setlist?  --Drake

Lacey-- ok.

Matagal-tagal na din na hindi kami nakakapag-perform. Nagsimula ang Until Five a year ago, almost the same time na naging kami ni Quin. He was part of the band then, pero umalis din siya at bumuo ng sariling banda. I'm the vocalist, I played keyboards too. Kelvin's the rhythm guitars and si Darren ang bassist namin. Si Bert ang drummer and si Drake ang lead guitarist at ang back up vocals. Si Rika, siya ang napakaganda naming manager. Music's something that we all have in common, kaya siguro mas tight kami because we love almost the same stuff.

Pag-uwi ko sa bahay, inayos ko yung mga kanta na pwede naming kantahin sa gig. Tinext ko si Rika at nag-set ako ng meeting for the band tomorrow. Binuksan ko ang drawer ko at nakita ang isang cd na nakalagay sa magandang case. Ito yung huling regalo sa'kin ni Quin for our monthsary. It had songs dedicated for me. Kinuha ko ang CD at tinapon ito sa basurahan. I opened my laptop at binuksan ang folder for mp3s. Hinanap ko ang mga kantang nasa CD na yun, pati na ang Your Guardian Angel at dinelete silang lahat. 

It's harsh, wala namang kasalanan yung Cd at yung mga kanta sa'kin. "Sorry." You reminded me of him. Pwede ko naman i-download yun ulit someday...someday. Nagclick lang ako ng random na kanta para mabura na sa utak ko yung mga lyrics ng mga kantang dinedicate niya sa akin. Nag-play ang Let Me Go ni Avril Lavigne: 

Love that once hung on the wall

Used to mean something, but now it means nothing

The echoes are gone in the hall

But I still remember, the pain of December...

It means nothing. Tinignan ko ulit ang mga bagong residente ng basurahan, both sa laptop at sa kwarto ko. 

I'm breaking free from these memories

Gotta let it go, just let it go

I've said goodbye

Set it all on fire

Gotta let it go, just let it go...

Just let it go. Hearing it made me want to do something. Kinuha ko lahat ng regalo niya, sulat, pictures at mga bagay na binili namin. Nang maipon ko na sila lahat sa kama ko, tumakbo ako sa kusina para kumuha ng garbage bag. Isinako ko lahat ng bagay na yun at naisip ko, dapat na nga akong mag-let go.

The Ex Factor: It's NOT a Love Story!Where stories live. Discover now