ENTRY #5: AFTERLIFE by @eroplane

100 5 3
                                    

Ang Earth noon. Dahil sa magkahalong kulay na puti, berde, at asul ay naging kakaiba ito sa ibang planeta. Ang kakayahan nitong makabuhay ng isang nilalang na tinatawag na “Tao” (o “Human” sa Ingles) ay totoong nakakamangha. Hindi ito kalakihan sa ibang planeta pero malapit ito sa “Sun” na pinagkukuhaan ng liwanag.

Ang Earth ngayon.  Dalawang kulay ang halos makikita sa Earth: itim at asul. Halos nabalot ng itim ang planetang ito at iilang parte lamang ang hindi nito natatakpan. Ang planetang ito ang pinakamaliit sa Solar System; unti-unting nalusaw ang Earth dahil sa Sun at sa mga itim na di mawaring nilalang.

Nasaan na ang mga Tao? At paano, paano nangyari ito?

--

“Takbo!”

Umalingawngaw ang sigaw na iyon sa buong kagubatan. Pero, mas malakas ang mga putok ng bala na sumunod sa sigaw na iyon. Hindi na amoy sa kagubatan ang preskong hangin na kinagisnan ni Stranger. Ang lupang minsang masagana ay natabunan ng mga gamit na bala kaya’y paminsan ay kumikislap ang lupa. Nawala ang mga berdeng dahon at mga malinamnam na mga prutas. Sa di kalayuan ay amoy ng dagat; napalibutan ang isla ng karagatan.

Habang kumakaripas ng takbo papunta sa punong pinagtaguan ng mataas na kalidad na armas ay lumingon siya. Ang mga balang pinakawalan ng kaniyang mga kasamahan ay lumulusot sa mga itim na nilalang na hindi mawari ang hugis at may buntot na umuusok. Ang mga nilalang na ito ay nalulusaw at ang usok ay pumataas papunta sa mga ulap.

Tumigil si Stranger sa isang punong di gaanong kataasan pero mataba ang trunk. Pinindot niya ang isang switch sa ilalim ng matabang ugat nito at bumukas ang isang maliit na pinto. Sa loob nito ay ang paborito niyang baril, ang XDX79. Inilagay niya sa loob ang dalang machine gun na mas magaan kaysa XDX79. Isinabit niya ang kaniyang dala na mga ekstrang bala sa kaniyang balikat at isang mahabang espadang may habang tatlong talampakan sa kaniyang likuran. Dinala niya rin ang isang mahabang baril na tinatawag na HPJ47 at ang mga ekstrang bala nito.

Nang matapos siya ay tila naramdaman niya na lumamig ang paligid. Bigla namang bumulusok ang punong ito at lumabas ang itim na nilalang pero may nanlilisik na mata at matulis na pangil. Heto na siya, saad ni Stranger sa kaniyang isip.

“Mga Entity, be gone!” Gamit ang XDX79 sa kaniyang kanang kamay ay pinaulanan niya ng bala ang nilalang na ito. Mabilis na inilagan ng Entity ang mga bala at lumipat sa kabilang puno. Nag-apoy ang punong ito. Kahit na palipat-lipat ang Entity ay sinusundan niya ito.

Sa gilid ng kaniyang mata ay may bagong mga bala ang pumuputok na kaparehas ng kaniyang direksiyon. Nang lumingon ay tumambad sa kaniya ang mahaba’t blonde na buhok na tinakpan ng bahagi ang kaniyang mukha.

“Skyler!” tawag ni Stranger. Isang pares ng asul na mga mata ang tumama sa kaniyang mata. Hinagis ni Stranger ang hawak na HPJ47 at sinalo ito ni Skyler.

“Hay nako, bakit ang tagal mo? Pinapunta mo pa talaga ako,” reklamo ni Skyler. Masyado nilang pinababa ang kanilang depensa kaya’t natamaan sila ng maliliit na fireball na pinakawalan ng Entity. Natamaan sa braso si Skyler at dumaan sa kaniyang puting braso ang dugo.

“Shit!” Mas lalong binilisan ni Stranger ang pagpapakawala ng bala. Iniwasan pa rin ito ng Entity habang nakatingala. Nang tumigil sa isang puno at nagpakawala ito ng isang nakakabinging sigaw na nagpatigil sa paggalaw ng mga bala at sumabog.

Tinakpan ni Stranger ang kaniyang tenga at pumunta sa pinaroroonan ni Skyler. Nakakagat ang labi ni Skyler habang tinatakpan ang paso na mas lalong lumalaki. Ang sigaw na iyon ay pumalibot sa isla. Hindi maaaring magpaputok ng bala dahil ito’y sasabog kahit na hindi pa nakakapunta sa target.

PLAGA ENTRIESWhere stories live. Discover now