Narration (BSA1-3)

1.9K 17 4
                                    

December 30, 2017

Dear Accounting,

Merry Christmas! Happy New Year 2018! Hi accounting! Hello sa'yo!
Itago mo 'ko sa pangalang Tres. 19. Isang BSA 3 student. Oo, 3rd year na ako. Ngayon ko lang naisipan na magsulat dahil trip ko lang. Baka kasi may mainspire sa takbo ng buhay ko sa mundo ng Accountancy KUNG kainspa-inspire man ang kahihinatnan nito. HAHAHA WARNING: Isa lamang po akong Average student. Wala akong human diary kaya magsusulat ako dito at sana may mag-motivate sa'kin. Hindi ako magsusulat para magbigay aral talaga dahil hindi ko nga mismo mapangaralan ang sarili ko e pero I'll try my best. Magsusulat ako para ilabas ang mga sakit, puot, lungkot at masasayang bagay na hatid ng kurso ko. Pero feeling ko, kasi feeler ako.. Baka mamotivate ang magbabasa nito kung sakaling maging CPA na ako. HAHAHAHA Anyway, dahil nasa 3rd year na ako. Balikan muna natin ang unang taon sa kurso ko. Tunghayan ang paghihirap na dinanas ko bago makarating ng 3rd year. . .

Hindi ko choice ang Accountancy. Hindi nga ako ang nag-enrol sa'kin e. HAHAHA kundi yung kapatid ko. S'ya sisihin natin! HAHAHA (kung mababasa mo 'to kapatid, Hi haha)
First day na first day ko sa college, accounting subject na agad. Basic accounting. Wala talaga akong ideya sa pinasok kong gyera. Hindi ko nga alam 'yung CPA eh. Yung tipong, sumabak lang ako sa gyera para magpakamatay at hindi para lumaban HAHA baliw lang! Wala ng intro-intro sa major accounting 1, nagpa-pretest na agad si Sir. Lintek na mga numero! Problem solving agad e mahina pa ako sa weak niyan e. Mabagal pa ako sa slow. Habang sinasagutan ko 'yung problem, nagsisi na agad ako kung bakit ito yung napasukan kong kurso. 4 points lang ako over 20. MyGerrd. Ang bobo ko talaga. Natatakot na tuloy ako simula sa araw na 'yun kung kakayanin ko pa ba ang mga susunod na araw. Nasa training ground pa lang, muntik ng bawian ng buhay. Nakakalungkot isiping mahina ako sa analysis. Hindi naman kasi talaga math yung accounting eh. ENGLISH yun! ENGLISH subject! Hahaha natatawa na lang ako sa pagbabalik-tanaw.

HUWAG NIYO AKONG TULARAN. Payong kaibigan, bago ka pumasok sa kursong accountancy, learn to discipline and control yourself. Siguraduhin mo ring mahal mo ang kurso mo. Dapat kasi may passion sa ginagawa mo pero minsan dahil hindi natin choice e wala tayong magagawa. Saklap. Dahil nga 1st year pa ako nun, easy easy lang ang minor subjects at basic accounting pa lang ang major ko. Mahilig ako sa computer games. Mahilig ako sa crossfire. Halos araw-araw ay pumupunta ako sa Internet Café para maglaro. Hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko pero hindi ko naman nabibigyang tudo pansin ang major ko. Una sa lahat, HATE ko ang accounting dahil nga problem solving at analysis s'ya which is where pinakamahina ako. Hindi rin ako mahilig mag-advance reading. Lahat ng free time ko ay nauwi sa mga walang kwentang bagay. Yun nga, lagi akong naglalaro sa shop.
Magfi-first Quarter exam, nagbabasa ako ng libro na may hinanakit. Ayoko talaga sa accounting. Pinilit ko ang sarili ko na mag-aral. Hindi nagtagal, tinapon ko ang libro ko pero syempre mahal yun kaya kinuha ko ulit. Sorry Basic Accounting ni Win Ballada. Naiiyak ako sa time na 'yun. Ayoko talaga. Kaya nung exam, tentenenen! BAGSAK!  Hoooo! Ang sakit. Masakit dahil hindi naman ako sanay mabagsak. Honor student ako nung elementary at highschool kaya nakakapressure ngayong college dahil may mga taong mataas ang expectations. Nakakalungkot isipin. Bad start talaga. Feeling ko tuloy dahil feeler ako ay mamalasin na ako sa susunod. First quarter exam pa lang, bagsak na. Paano na lang sa midterm, 3rdQ at finals diba? Haaaays. Tapos may cut-off grade pa for Qualifying exam.

Sa 1st sem ay Basic Accounting. Puro transactions. Debit credit. Record dito. Post doon. Compute dito at doon. Nakakainis pa e hindi naman mabalance. Grrr. Lagiiiii yan! Minsan iisipin kong baka mali ang problem. Hays. Ewan. Isang beses lang akong nakabalance at yun ay 3rd quarter namin. Hehe! Nagtulungan kami ng kaibigan ko. Tandem kumbaga. Pero sa mga quizzes at exams, tandem na talaga kami lalo na sa major. Nagtatanungan kami kung magkano balance ganun. Hahaha NOON YUN. Survival days. Basic days. Basic needs. Basic accounting made easy ni Win Ballada na hindi ko alam nun kung saan ang easy. Niloko niya kami. Grrr. Pero all in all, nalampasan namin ang first sem.

DEAR ACCOUNTING!Where stories live. Discover now