Assessment Day Is Coming

217 6 9
                                    

March 24, 2019

Dear Accounting,

I'm gradwaiiiiiting!!! Natapos din ang mga drills, monthly exams at preboards. Bukas na yung resulta sa assessment sa amin kung magrereview ng 6 months o 1 year. Or employment muna. But, it's our discretion pa rin naman kung anong plano namin. Binibigyan lang kami ng assessment. Thankyou Lord kahit papaano eh nalampasan namin ang huling stage sa college. Plano ko magreview at magtake agad after 6 months. Sayang din kasi ang panahon. Pero titingnan ko pa kung kakayanin sa loob ng anim na buwan. Huhu pero kahit alam kong gagraduate ako, feeling ko hindi ako deserving dahil sa kulang na kulang talaga ang kaalaman ko. :( Hindi talaga ako matalino Nag-aaral naman ako. Mahina talaga processing ng utak ko Pero lalaban pa rin. Tingnan natin hanggang saan aabot ang utak ko. Binansagan man kaming 'pinakamahinang batch', sana mapatunayan namin na mali sila. Wala namang imposible diba? Sana mapasa namin to lahat kahit hindi sabay-sabay. Sana maging CPA ang buong batch namin.

Nagsusumikap,

Tres

DEAR ACCOUNTING!Where stories live. Discover now