1st Semester - Bye!

173 4 0
                                    

October 28, 2018

Dear Accounting,

Heeeey! Looooong time no talk. Kumusta buhay natin ngayon? Dahil sa semester na 'to, dito nabuo ang malaking SELF-DOUBT. May doubt na'ko nun pero grabe lang talaga ngayon. Huhu :( Nahirapan ako sa Auditing Problem. Singko pa yung midterm grade ko. T_T

Yung major subjects ko nga pala this sem ay Auditing Problem, MAS 2, Negotiable Instruments at Partnership and Corporation (Laws). Ang AudProb talaga ang nahirapan ako T_T. Literal na problems talaga. Analysis and computations.

Andaming nangyari sa sem na to. Napasali ako sa NFJPIA-NAQDOWN (National Accounting Quiz). Hindi pinalad hahaha Sumali rin kami sa Regional Accounting Cups. Cup 1-7 tapos every cup ay iba-ibang topic. Tapos sa Cup 6- Auditing pa ako napasali, ayun! Haha Sa awa ng Diyos, 15+ contestants, naka-4th place pa ako kahit Auditing yung isa sa pinakakinatatakutan ko. May laban pa pala ako.

Sa kabila ng lahat, alam kong gagraduate kami! Hahaha Binigay na ni Lord ang daan na ito e. Aatras pa ba?

Nga pala, next sem ay magsisimula na ang built-in review namin. Part sa prospectus namin. Comprehensive review namin every weekend. May kasabay pang Feasibility Study at subjects sa school. Loaded na loaded. No place for rest na talaga 24/7. :( Laban lang tayo! Goodluck din sayo! :) Huwag kang susuko ah. Sa mga oras na kung saan nasa ICU na puso ko.. Pangako, 'di rin ako susuko! :) Average lang ako. Pero lalaban pa rin! :)

- Tres

DEAR ACCOUNTING!Where stories live. Discover now