After Midterm

253 3 4
                                    

February 2, 2018

Dear Accounting,

Alam mo bang gusto kong ishare 'yong kalungkutan ko simula last week. Kinahihiya ko talaga sarili ko kapag problem solving. Ang hina ng processing unit ng utak ko. 1 out of 12 lang naman ako sa MAS. Take note: yong 1 point na 'yon e tsamba pa. Tapos times 3 pa. So, 3 over 36. Edi mas lalong lumayo 'yong score ko. Daig ko pa umabsent at di nakapagquiz. Haaays. OO. Ganoon ako kahina. After nun, lutang na ako sa Philosophy subject hanggang sa umuwi ako. Naiyak ako nung umuwi ako sa bahay. Hindi ko alam anong gagawin ko talaga. Ano nga ba dapat gawin kapag mahina sa analysis? (comment ka please T_T) Pambansang lagger ako kahit sa labas ng classroom. 'Yung tipong nahuhuli ka sa balita tapos kapag magsasalita ka naman e tatawa na ang mga kasama mo dahil nasa ibang planeta pala ang pagkakaintindi mo sa usapan nila. Haynaku. Pero anyway, ayun. Konting emote saka nagselftalk. HAHAHA Tama nga naman ang isip ko matapos kong isiping walang maidudulot ang malungkot kong isipan kapag nagpatuloy akong panghihinaan ng loob. Ano nga ba magagawa ng kalungkutan sa'kin? edi mas lalo akong hihina niyan diba? *taas noo* Kung lalaban ako? Wala namang mawawala sa akin at may positibo pa itong dulot. Kaya after kong pakalmahin sarili ko, tinawanan ko na lang ang kabobohan ko. Pero seryoso, kalelesson lang namin noon tapos di pa nagsink-in sa utak ko pinagsasabi ni Sir dahil puro jokes niya yung lumulutang sa utak ko kaya ayun.. bagsak. Nakakahiya lang talaga. Nahihiya ako sa sarili ko. Kinakahiya ko siya. Si brainyyy huhu.

Maiba tayo, friday ngayon at katatapos lang ng midterm examination namin. Nakakaloka sina AFAR, MAS at Audit maliban sa minor subjects na mahirap pero keri lang. Sa MAS, nag-aral ako gamit ang book ni Roque ata yun (nakahiga ako ngayon, nakakatamad tingnan yung book haha) tsaka nagtestbanks. After all, mahirap pa rin talaga ang exam. Sa AFAR naman, medyo na pressure ako dahil isang libro lang pinag-aralan ko sa major coverage ng exam namin at yung libro na yun ang ginamit ko nung first quarter na bagsak ako. HAHA Yung mga kaklase ko, nag-Dayag practical book sila. Tinry kong tingnan yung libro ni Dayag, maganda naman kaso mas prefer at komportable ako sa libro ni Punzalan kaya dun ako nag-stick. Sana mapasa namin ang midterm...

Actually, inaantok na talaga ako ngayon. Ilang araw akong walang maayos na tulog dahil exam week. Tatlong oras lang tulog ko kanina dahil exam namin sa Auditing Theory which I can say, is mahirap .

wait... hahahaha natatawa ako ngayon. Sa antok ko, nagtype pa ako ng TOC (Test of Control) sa audit.. di ko alam bakit hahaha.. lutang na naman ang diwa ko. Zzz Next week pa ang checking ng papers namin, huhu.. babalita ko ang mga resulta dito. I CRY!

•Problem solving technique please.

Love ang MAS,

- Tres

DEAR ACCOUNTING!Onde as histórias ganham vida. Descobre agora