Road to the final year

194 5 3
                                    

May 28, 2018

Dear Accounting,

Natapos ang OJT namin last May 21. Nakakapressure kasi mas maagang natapos ang ibang kaklase namin kaya mas makakafocus na sila sa pag-aaral nila. Nakakapressure lang baka kasi ang gap ng scores namin ay malayo. Kung ganun e baka matanggalan kami. Huhu. Pero kahit ganun, kakayanin at positibo lang. Lalo na nung naaksidente ako nung unang araw ng OJT HAHAHA. Lumipad ba naman ako sa motor. Buti pasa lang ang natamo ko at konting pamamaga ng tuhod na halos dalawang linggo bago naging okay. Buti walang problema after sa x-ray. Sa pangyayaring iyon, nagpapasalamat pa rin ako. Hindi ako napuruhan dahil alam ko sa puso ko na may plano ang Diyos. Magtetake pa raw ako ng QE. Saka magiging CPA pa. Hahahaha ngarap pa more. Naman! Claim it nga daw eh.

Nung April, dahil nga nag-ojt na kami eh hati talaga ang oras namin sa pag-aaral. Tsaka ang kalaban ko eh yung sarili ko talaga. Mga 5:30 nakauwi na ako galing duty. Alas 6 nagmumuni pa ako niyan. Minsan na palagi (hahaha), naglalaro ako sa all-time favorite kong plant vs zombies. Alas 8 pa ng gabi eh tulog na ako. Tas gigising ako ng 2 am tas matutulog ulit ng 4 am. Edi ilang oras lang ang naibigay ko sa pag-aaral. Huhu. Random pa ako. Random hours ako nag-aaral. Random subjects din ang trip ko. Hahaha. Hindi ako nakakatagal sa isang subject lalo na't 9 subjects ang coverage namin. Kaya palipat-lipat ako. Para na akong nabaliw nung dumating ang May dahil wala pa akong masasabing natapos talaga na subject. Kasi naman, gana-gana kasi yung utak ko. Gusto ko mag AFAR ngayon tapos MAS naman. Cost, tax, audit. Etc. Siguro yun talaga style ko. Kapag sinabing inaantok na ako kahit maaga pa, matutulog na talaga ako. Pero 'di ko na matiis ang pressure. Nagkape na ulit ako. Matagal-tagal na rin bago ulit ako nakapagkape. Kaya naeextend yung gabi ko until 10pm HAHAHA. Mga apat na beses lang siguro ako umabot ng 12 am. Tas dalawang beses na 2am. Hanggang ngayon, di ko parin mahanap ang tamang oras para sa akin. Hahaha. Sa kabila ng lahat, hindi mawawala ang prayers at tiwala sa Diyos. Laban pa rin.

FF.

Ngayong araw ang Qualifying Exam namin. Lumabas agad ang resulta around 2pm. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa lahat ng biyaya. Thank you Lord. Hindi kami natanggalan. In fact, may isang nadagdag na nagretake. Solid pa rin kami. Ang saya namin. Naiyak pa ang halos lahat sa amin sa tuwa. Woooo! Thank you sa lahat ng nagpray sa akin at sa aming lahat. Sa family ko at mga kaibigan. Thank you so much Lord.

Noon, 'pag may nagtanong na anong kurso namin eh 'BSA pa' ang sagot namin. Wala kasi kaming assurance pa eh. Atlast. Ngayon, masasabi na talaga naming 'BSA' ang kurso namin. BSA na talaga kamiiiiii. Ang sayaaaa! Iilan lang ang sikreto d'yan. More foods, sleeps, aral at dasal.

Panibagong yugto na naman ang haharapin namin. Go fighting!

Insert ko lang, advance happy birthday nga pala sa kapatid ko. Financer ko HAHAHA Iloveyoupo. Ingat ka palagi. Salamat din sa dasal.

Nagpapasalamat,

Tres

DEAR ACCOUNTING!Where stories live. Discover now