Continuation..

537 12 0
                                    

Time: 7:45 AM

December 30, 2017

Dear Accounting,

Inaantok pa ako. 7:20 ako nagising like 26 minutes ago. Hahaha 3 hours lang tulog ko no? Huhu. Anyway, saan na nga ako? Ay sa panahon ng alien. Charr. BSA3 second semester na pala.

Accounting subjects:
Advanced FinAcc & Reporting (AFAR)
Auditing Theory (AT)
Management Accounting (MA)

Medyo mataas-taas din ang semestral break namin nun. Halos 3 weeks. November 13 na kami bumalik sa klase.

Sa Auditing Theory namin, magaling magturo si Sir A. Dahil sa mga experiences niya ay marami siyang naibibigay na mga halimbawa sa bawat topic namin. Ang AT ay mahirap dahil puro theories. English ulit bes. Huhu. Puro buti na lang at mas madali naming naiintindihan dahil nga magaling si Sir A. Hoooo! Crush ng classroom HAHAHA! Naalala ko pa nung introduction namin, may tanong kasi dun na 'what can you say about the subject, course & the teacher'. Ang mga hunghang kong ibang classmates, (aside sa mga komento namin na marami kaming matututunan dahil sa mga narinig namin about sa kanya) sinabi talaga 'yung about sa teacher' like..

Kaklase 1: "Ahmm. About naman sa teacher.. Alam kong marami tayong matututunan kay Sir A kagaya ng sinabi ng iba at.. At sir.. Sabi ni May na ang gwapo gwapo niyo raw talaga."

Ayun at naghiyawan ang buong klase. Note: 14 na lang kami na BSA 3 students. At 13 dun ay puro babae. 1 lalaki na konting push na lang magiging badinggirse na, indenial stage- kumbaga confused pa sa gender HAHAHA ssh.

Kaklase 2: " .... about naman kay Sir.. Totoo naman talaga na gwapo si Sir. Naman! Gwapo talaga ni Sir."

Hindi ko alam anong nakain ng mga kaklase ko. May konting takot kasi kami sa teacher dahil napakastrikto nito kung titingnan mo at highly respected din siya since siya ang dean ng college namin. Bilib lang ako sa mga baliw kong mga kaklase na sinabi talaga 'yon ng harap-harapan sa buong kaklase. Usually kasi sinasabi namin about kay Sir ay about learnings na makukuha namin sa kanya, tulong mula sa kanya at gabay para mairaos ang kurso etc.

Kaklase 3: "Mahirap naman talaga ang Accounting. May mga oras na umiiyak ka habang nag-aaral. Hmm.. About naman kay sir.. Huwag muna kayong magreact ha.."

Tumango naman ang buong klase kaya nagpatuloy na siya.

Kaklase 3: "About kay sir, huwag talaga kayong magreact ha.. Si Sir is Husband material dah-"

"Hooooo! Yieeeeh" sagot namin. HAHAHA. Oh 'di ba? Ganun kami ka-abnormal. Sinabing huwag magreact. Lol

Kaklase 3: "Arg.. Teka lang! Ano ba! Hooooy! Wait! Makinig kayo! Sinasabi kong Husband Material si sir dahil *yiieeeeh*.. teka nga! Arrgh. dahil siya ang magiging haligi natin, magiging gabay sa ating paglalakbay at tutulong sa atin na malampasan ang mga pagsubok natin sa subject."

Natapos ang introduction namin noon na maraming hiyawan. Natatawa na lang ako kasi alam naman ng buong klase na may pagka-girlalo si Sir pero marami pa ring humahanga sa ganda niya. Oh ha! Ang cool lang kasi. May sex appeal pa rin si sir kahit na ganun siya. Oo gwapo si Sir at nakakaintimidate pa 'pag nagsasalita siya. Pero 'di ko crush si Sir kagaya nung mga abnormal kong mga kaklase. Kinikilig kasi sila every after class. Literally, sisigaw talaga na ang gwapo ni Sir at manghihila ng katabi at dun binubugbog sa kilig ang katabi. LOL

Back to the subject tayo, Auditing Theory by Salosagcol 'yong gamit namin sa klase. May Reviewer din kami sa AT by Roque. Pareho kami ng mga books ng mga kaklase. Mahirap ang quizzes ni Sir dahil sa ibang planeta niya pa kinuha ang mga questions. Dito talaga masusukat ang pagiging resourceful mo. Sa january pa malalaman ang result ng 1st Quarter exam namin. Hoooo! Sana pumasa kami.

Sa AFAR subject naman, puro problem solvings. Solve dito, solve doon. Lagi talaga. At dakilang mahina ako sa solving, ayun... natatakot akong harapin ang 2018 dahil alam kong kawawa ang score ko sa 1st Quarter dun. Sana makaabot man lang sa passing akin. Huhu. Hindi talaga totally masaya ang Christmas break ko dahil nga naaalala ko minsan ang maaring resulta nung major exam ko. Ang bagal-bagal ko kasi sa pagsosolve kaya naubusan ako ng oras. May walong items akong minagic na lang. May C for christ pa akong nalalaman. Pero A halos sagot ko nun. Hahaha lol. Nagdadasal na lang ako na sana tumama 'yung mga sagot ko. May points pa ata ang solution. Patay na ako nito. Wala ako dun sa walong 'yun at yung ibang items ay 'di rin sure. Huhu. Lord, sana pumasa.

Sa Management Acctg naman, 'di pa namin feel ang hirap. Hindi pa naman kasi kami nagquiz. Theories pa rin naman. December na rin kasi kami nagstart sa kanya kaya late na kami sa lessons. Ang ganda ng teacher namin dito puro kasi patawa. 1 1/2 hour yung klase namin pero 1/2 hour ang lesson. 1 hour ang pagpapatawa. Ganern kalala pero keribels na nga lang. Ang dapat gawin? Self-review. Huhu mag-adjust ka sa teacher mo. Ganon!

This Christmas break, wala akong ibang ginawa kundi magbasa ng wattpad, kumain, matulog at gumagawa ng mga walang kwentang bagay. Ang tamad ko talagang mag-aral. Hindi pa rin ako nadala sa mga karanasan kong hirap at bagsak-bagsak moments. Wala pa 'ring advance study na naganap simula nung break. Hay naku! May mga assignments pa na 'di ko ginagawa. Tapos December 30 na ngayon. Hindi ko na alam gagawin ko sa sarili kooooooo. Maglalaba pa ako ngayon. Pipilitin kong mag-aral ngayon pero 'di ko mapapramis. With LOVE na study. Hahaha.

Kakain na muna ako ng almusal. Tara kain tayo! Paalam.

Tamad na nagmamahal,

Tres

---
Pareho ba tayo ng ugali? Katamaran. Apiiirs nga! Mwa! Advance Happy New Year!

DEAR ACCOUNTING!Where stories live. Discover now