it's Friday

265 6 0
                                    

January 19, 2018

Dear Accounting,

It's been a little while HEHE! Kauuwi ko lang galing sa sinehan (nanuod ng Insidious 4 kasama ang ibang future CPAs HAHAHA). Anyway, super busy kami these past few days dahil nag-industry exposure kami. Last week, ang topic kasi namin sa Auditing ay Internal Control. Hinati ang buong klase into 5 groups at iba't ibang entity nakaatas sa'min. Mall ang nakaassign sa amin. May Bank, Manufacturing, Government office, Utility industry (ewan ano tawag dun). Sa amin which is Mall, mahirap nga naman pasukin ang Malls. Ilang beses kaming nireject at we're only given 2 days to prepare for the the interviews and paperworks. Luckily, since okay naman sa prof namin na 'yong di kalakihang establishment na lang ang puntahan namin, napapayag namin ang P------- (w/o naming :D). Napakabait ni Manager dahil tinulungan at tinugunan niya ang kailangan namin. Mga impormasyon sa takbo ng mga transaksyon ang tinanong namin like inventories kung paano ang pagprocess mula sa receiving area tsaka sales and etc etc in a business.  For class purposes lang din naman ang project namin at everything is confidential even though some things are not that important to be kept away from public. Marami kaming natutunan, feeling namin tuloy eh may karanasan na kami sa trabaho dahil naexpose talaga kami. Iba kasi yung nasa libro na babasahin mo lang at mag-iimagine ka lang sa nababasa mo. Sa real world situation, napakalaking bagay ang proyekto na ginawa namin dahil mas lalong napipicture out ang mga transactions. Marami rin kaming natutunan at nakakaamaze talaga. Nung long quiz namin, may isang item dun na nasagutan ko dahil sa natutunan ko sa industry exposure na ginawa namin (feeling ko dahil feeler ako na parang artista lang teh no? Industry exposure CHAROT).

Maiba muna tayo konti, ilang beses na kaming nagfefeeling AUDITOR ng mga kaklase ko. Yun bang nag-iimagine kami habang naglalakad na 'auditor kuno kami' na papasok na sa isang entity na client namin. Cool no? Hahaha yung maglalakad kayo tas naiintimidate ang mga employees kasi nga nandyan na ang mga auditors hahahaha. Talking about imagination muna. Halfway to the truth. Lewls.

Share ko lang ulit sayo, noong una, inisip ko na sana maging CPA ako tas  maging accountant sa isang company. Dumating ang Audit at dito binigyan kami ng bagong pinto. Sabi ng prof namin, don't just aim to be an accountant, bookkeeper etc.. Aim higher especially to be an auditor kasi yun naman talaga ang isa sa trabaho na engaged talaga sa accountancy na course. Ang accountant sa isang company, pwede naman Accounting technology students. Yung ibang accountant nga ng iilang companies e IT graduate. Yung bookkeeping, pwedeng trabahuin ng kahit sino basta may alam lang. Ang accountancy kasi lalo na sa atin na may QE at cut-off grades, aanhin mo ang paghihirap na dinanas mo kung ililimit mo ang sarili mo? Sabi ni prof, Auditor level ika nga tayo. Independence ಠ_ಠ Sinanay na nga kami e. Kahit exam, check your own paper. Dapat alam mo rin yung code of ethics at pinapractice mo 'yon. What I mean is, audit ka magsimula hanggang sa tumaas ang position mo. Yay! Pwede ka nga gumawa ng sariling firm basta ba may alam ka na talaga. Chakabells! Kahit saang lumalop na lang ako napupunta haha.. Sana, balang araw matupad ang mga pangarap namin at maranasan ang nasa imahinasyon namin. Kaya natin 'to ಠ_ಠ hangga't may pera para sa kape. Hehehe

Ps: Malapit na kami mag-OJT. Sa BIR or COA yata kami. Don't know what to feel. (´∀')(´∀')(´∀')

Future CPA/Future Auditor/Future Partner/ Future in highest position (libre lang mangarap, shu!),

Hindi Uno, Hindi Dos, kundi

- Tres

Feeling ko grade ko linagsasabi ko. Hindi uno/dos kundi tres. Pero juuuk lang. Hakhak “ψ(`∇´)ψ Fighting!

DEAR ACCOUNTING!Where stories live. Discover now