CHAPTER 6 (ANG WEIRD!)

440K 6.4K 473
                                    

CHAPTER 6

Nagklase na kami. Okay naman yung nangyari kaso pati yung mga teachers, iniintriga kami. Sabi nga ni Sir, alam na daw niya yung dahilan kung bakit lumipat si Dela Cruz dito. Sabi niya, iba na talaga mga kabataan ngayon. Diyos ko Sir, tama ka. Ibang iba na nga!

Nung break naman, pinauna ko na sila Aish at Tyler sa canteen. Mali nga ako eh. Dapat nagpahintay na lang ako sakanila kasi hindi pa man ako lumalabas ng room, may mga nagtatanong sakin. Paglabas ko naman, lalong dumami nagtatanong sakin. Tinanong lang naman ako ng mga classmates, batchmates, and pati schoolmates namin ng kung anu ano. Hindi ko pa nga kilala yung iba eh kaya lalong sumakit ulo ko.

Gusto niyo malaman mga tanong nila? Paano daw ba kami nagkakilala ni Justin, totoo daw bang kami na ni Justin, ilang seconds, minutes, hours, days, months, or years na daw kami, ilang taon na daw si Justin, ano daw ba ang favorite food ni Justin, kailan daw ba kami magbbreak at kung anu ano pa.

Sabi ko naman sakanila, totoo na kami na ni Tyler. Yung ibang questions, bukas ko na lang sasagutin kasi sumasakit na ulo ko at nagugutom na din ako. Hayy Tyler, kailangan na natin talaga mag-usap. Paano nga ba kami nagkakilala kunwari? Paano nga ba naging kami kunwari? Hirap naman pala nito eh. Hindi pa ako nakakaisip ng magandang love story. Shiz! Mag sulat na nga ako mamaya ng love story namin ‘kuno’.

Dahil sa sobrang tagal ko siguro, sinundo na ako ni Tyler at hinila papunta sa canteen. Nagulat nga sila eh. Yung iba, kinikilig dahil siguro sa kagwapuhan ni Tyler, yung iba halata mong naiinis siguro dahil sakin, at yung iba, walang reaction. Si Tyler naman, wala na naman expression. Tsshhh.

Natapos na nga ang klase. Buti na lang, kasama ko si Tyler kaya walang nagiinterview sakin. May nakatingin nga lang sakin or samin or SAKANYA LANG anywhere and everywhere. Yung iba, tinatanong kung sino daw ba yung gwapong lalaki na dumaan sa harap nila kasi mukhang bago daw at bakit ko daw siya kasama. Rinig na rinig sila ng eardrums ko eh. Malakas yata ang hearing skills ko pagdating sa chismis. Oh well, girlies! Sorry na lang kayo. Taken na siya. Nyenye,  feel na feel ko naman.

Favorite color?” Tanong ni Tyler.

Red.” 

Why?” Kailangan pa bang itanong kung bakit?

Kailangan pa bang itanong yan?

Nope. Gusto ko lang. Sabihin mo na, dali!

Para siyang bata. Natatawa tuloy ako…

Kasi red symbolizes love.

Nandito nga pala kami ngayon sa Mcdo. Err. Di ko naman alam na totoo yung sinasabi niyang date. Kaso sabi naman niya, hindi ito date. Getting to know each other lang daw para hindi kami mabisto kung sakaling tanungin kami kung gaano naming kakilala ang isa’t isa at kung ano kwento ng love story namin. Syempre, basics muna! Mamaya na yung love story chorvaness na yan. Ay! Mageenjoy ako nito. Magaling ako mag imbento ng love stories. You know naman, hopeless romantic ang lola niyo.

Really?” Sabi niya in a sarcastic voice.

Bakit?

For me, yellow symbolizes love.” At kailan pa naging yellow ang heart?

Bakit?” Tanong ko. Malay mo, may pinaghuhugutan siya.

Kasi yellow symbolizes jealousy.” Talaga?

So?

Kapag nagseselos ka, ibig sabihin mahal mo yung isang tao. Well, depende naman sa tao. Pananaw ko lang naman yun. Nevermind na lang,

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now