CHAPTER 19 (Sweetdreams...)

342K 5.3K 1K
                                    

CHAPTER 19

"Ngayong alam na nilang lahat ang totoo, pwede ka ng magkagusto sa iba." Ikaw lang naman gusto ko eh. Ano daw? Ano daw iniisip ko? LOLOLOL. Labo!

Diba dapat masaya ako kasi free na ko and di na namin kailangan magkunwari? Bakit parang disappointed pa ko? LOL. Patawa ka talaga forever, Rylie. Sa sobrang patawa mo, ang sarap mo ng sakalin! -_____-

Nandito nga pala kami sa bus ngayon. Nauna na daw umuwi si Aish at dala dala na rin niya yung bag ko. Ang ulyanin ko daw talaga poreber and eber. Buti na lang talaga, dala ko phone ko at natext niya ako. Di ko nga lang nareplyan. Wala akong load eh. Hehehe. Understood na yun!

"Paano si Alexa?" Hindi siya tumitingin sa akin kanina pa.

"Hindi ko alam pero hindi naman na siya nang-gugulo diba?" Tumango naman ako.

Oo nga, hindi na kami ginugulo ni Alexa pero ang dami ko pa ding hate mails hanggang ngayon. Ewan ko na lang mamaya since alam na ng lahat yung totoo. Mas mabilis pa sa lightning ang balita kaya panigurado, alam na yun ng buong universe. Syempre, si Tyler pa! Sikat kahit saan! Ang bago bago pa nga lang niya, mas kilala na siya sa mga lumang students eh. Mas kilala pa siya sakin. Pshhh. 

"Tama tama! Congrats. Free ka na. Pwedeng pwede ka na magkagusto sa iba. Pwede na maging kayo ni Janilyn." Siguro ang saya saya na niya ngayon. Alam ko naman na sinabi niya yung totoo dahil gusto niya si Janilyn eh. Tanggap ko na yun. Kitang kita ko naman sa mga kilos niya eh. Gusto niya si Janilyn. 

"Ano nga huling sinabi mo?

"Wala." Ang awkward namin, bakit ganito? Huhuhu. Diba nga dapat mas okay kasi di na kami nagpepretend? Eh bakit ganito? Whyyyy?

After many minutes ng hindi namin paguusap, bigla naman siyang nagsalita...

"Jamilah..." Jamilah, Jamilah, Jamilah, ewan ko ba pero pag siya yung nagsasabi ng Jamilah... Uhmm. Ewan. I think... I think lang naman ha. I find it sexy. *blushblushblush*

"B-bakit?" Nangungutal na ko. Bakit ganito? Ano naman kaya itatanong niya?

"Sino si Patrick?" Patay kang bata ka. Hindi niya pwedeng malaman na siya yun kaya nga ang ginawa ko, tumawa ako ng tumawa. Pero nung nakita kong naiirita na siya,  sumeryoso naman ako. Deads na talaga. Narinig niya siguro usapan namin ni Jenine. Alam na niya kayang siya yun kaya nagagalit siya???

"Crush ko." I tapped his back tapos tumayo na. "We're here." Sabi ko tapos bumaba na kami. Feeling ko naman hindi niya alam eh. Bakit naman niya itatanong yun kung kilala niya? Waaa. Nininerbyos pa din ako. 

Pagdating naman sa bahay, mukhang badtrip na naman siya. Hala!

"Tyler, bakit mo natanong kung sino si Patrick?

"Wala." At yun nga, umalis na siya. Nakita ko naman si Aisha na papalapit. Hindi pa man nakakaalis ng tuluyan si Tyler, nagsalita na agad siya ng malakas...

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now