CHAPTER 20 (I'm doomed!)

322K 5.3K 363
                                    

CHAPTER 20


"Rylie, ano nangyari sa'yo?!" Boses agad ni Aisha ang bumungad sa akin pagkagising ko. Grabe, nahihilo ako. Waaa! Gusto ko na lang ibaon yung ulo ko sa kung saan. Nyikes, pwede patanggal na lang ng ulo ko? Huhuhu. Di ko na carry eh T___T

"Bakit?" Tanong ko. 

"Namumula buong katawan mo pati mukha mo." O_______O

Tumingin ako sa mirror. May allergy ata ako? Yung mom and sister ko kasi, allergic sa alak. Ako din? HINDI AKO PWEDENG MAKITA NILA MAMA AT PAPA NG GANITO! Mapapatay ako ng wala so oras!!! Anyway, nag kwento na sa akin si Aisha.

Si Tyler pala ang naghatid sa akin at piniggy back ride niya ako pauwi. OMGGG! Kilig naman ako. Yun yung nakikita ko sa mga koreanovelas eh. LOLOLOL. Ito na naman ako. Tinanong ko din pala kay Aisha kung sino nagpalit ng damit ko at kung anu ano pa pero sabi niya, pinsan na lang daw niya tanungin ko. May malaking question mark tuloy ngayon sa utak ko.

"Ako na bahala sa parents mo. May date kami ni Drei ngayon eh. Don't worry, babalik ako ng maaga para maasikaso kita."

"Thank you."

Umalis na si Aisha at naiwan ako dito sa bahay. Buti na lang Saturday ngayon at wala akong pasok. Buti na lang din talaga umalis na sila mama at papa. Buti na lang workaholic silang dalawa. Nakuuu, kung nagkataon, deads talaga ako. Pero ano naman excuse ko kung bakit ganito? Waaa! Hindi ko pwedeng uminom ako! Hindi talaga.

Si Tyler naman, hindi ko alam kung nasaan eh. Sabi nila, umalis daw at hindi namin alam kung saan nagpunta. Di man lang nagpaalam. Hmp. Eh bakit naman siya magpapaalam? Ano ka ba niya, Rylie? Loka loka ka talaga!

Natulog lang ako maghapon. Pinilit kong matulog, baka sakaling gumaling ako. Lumabas ako ng room at nagpunta sa kitchen pero nagulat at naawa ako at the same time dahil nakita kong umiiyak si Janine. Katabi nga niya si Jenine eh, cincomfort siya. Sweet talaga! Si Janine nga pala yung mas over-protective kay Tyler. Nasabi ko naman na sa inyo ng ilang beses diba? Hehehe. Anyway, nakita kong nagppaint siya...

Lumapit naman ako sakanya.


"Pwede ko bang makita?" Tanong ko.


"UMALIS KA NGAAAA! AYOKO SA'YO!" Sabi niya na umiiyak pa din. Naaawa talaga ko.


"Wag mo ngang ginaganyan si ate Rylie, Janine. Bad yan sabi ni kuya." Sabi ni Jenine. 


"I don't care!" Sabi na naman niya. 


"Bakit siya umiiyak, Jenine?"


"Kasi po iniinsulto siya ng classmates namin na pangit mag paint kaya sumali po siya sa poster making contest kaya nag papractice po siya ngayon.


"Ahhh." Yun na lang nasabi ko. Kawawa naman pala si Janine.


"Pwede niyo po ba siyang turuan? Sabi po ni kuya, nakita niya yung paintings niyo sa room mo. Ang galing mo daw po." Patay na! Paano at saan naman niya nahagilap yun? Sobrang tinatago ko yun eh. Ano ba naman. Talas pala ng mata ni Tyler. Pwede na siya sa matanglawin. Joke!


"Oo naman.


"Hndi ko kailangan ng tulong mo!" Sabi na naman ni Janine. 

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now