CHAPTER 29 (AYOKO NA! T____T)

295K 4.3K 407
                                    

CHAPTER 29

"So tell me, what's your problem?" Tanong ni Tyler. He doesn't have to be this sweet. Pag nahulog ba ko sakanya, sasaluhin niya ko? Come to think of it. Masasaktan lang talaga ako. Hayy. Bakit ba kasi pinangungunahan ko yung mga pangyayari eh.

"N-namatay kasi p-pusa namin." Sana maniwala. Sana maniwala. Sana maniwala.

"Talaga? I didn't know na may pusa ka pala." Tingnan niya ako ng nakakalokong tingin. "C'mon Rylie, akala mo ba hindi ko alam na sobrang ayaw mo sa pusa?" He smiled.

"Ganyan ka ba talaga?" I poked his forehead using my index finger...

"Huh? What do you mean?"

"Sobrang sweet mo... Ganyan ka ba sa lahat ng babae?"

"Uhmm. I-I don't know? Bakit?" Sabi na nga ba! Ganito siya sa lahat ng babae. Nakakaselos naman! LOLOLOL! T____T

"Wala. Bakit ka ba nandito? May practice kayo diba?" He nodded.

"I saw you a while ago. Umiiyak tapos tumakbo palabas ng court. Nag-alala ako kaya sinundan kita dito. Malapit naman na matapos yung practice eh so okay lang. They also told me na sundan ko yung girlfriend ko. Nakita ka din nila..." He chuckled.

"Girlfriend???" Tinaas ko isang kilay ko.

"Yes, girlfriend. Akala nila girlfriend kita. Actually, akala ng lahat." Sumimangot siya. Amp. Kung ayaw naman niya isipin yun ng mga tao, willing naman akong layuan ko ulit siya eh.  

"Tara na nga. Kung ano man yung problema mo, okay lang kahit ayaw mo sabihin sakin. Basta, nandito lang ako. I'm your friend, ok? You can count on me. You can tell me anything. At isa pa pala..." Napahinto siya. Bakit parang may kumirot sa chest ko nung sinabi niya yung salitang 'friend'? Hindi hindi. Naghahallucinate lang ako. Tama tama! Naghahallucinate ka lang, Rylie. Gutom lang yaaan!

"Ano?" Tanong ko.

"Nevermind. Tara na nga. Hindi ka pa kumakain diba? Hintayin mo ako maligo tapos sabay na tayong kumain. Ako na lang mageexcuse sayo sa teacher. Hindi pwedeng hindi ka kumain. Butiki ka na nga eh. Ano na lang maitatawag ko sayo pag mas mapayat ka na sa butiki?" He laughed kaya tiningnan ko siya ng masama. Okay na sana eh! Hindi naman niya kailangan banggitin yung butiki thingy na yun eh. Tsssh. Ganun ba talaga ako kapayat? Anyway, I feel better. Grabe! Tama nga si Aisha. He can make me happy. He really makes me happy.

Bumalik na kami sa court at wala ng tao. Pumunta na siya sa locker room. Sa loob kasi ng locker room, may CR. Malaki naman yung locker room eh. Separate din yung sa girls and sa boys... MALAAMANG. Sakto naman habang naghihintay ako sa bleachers, may nakita akong bola. Kinuha ko yon at naglaro mag-isa na parang tanga. After blank minutes, saka lang ako nakashoot. See? Pati sa sports wala akoooo! Naglaro pa ulit ako. Wala namang nakakakita eh kaso...

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now