CHAPTER 26 (ISHA PA PLEEAASH!)

284K 4.8K 578
                                    

CHAPTER 26


*AISHA*

"Shiguro nga gushto na ni Chyler shi Arizha. Shila na nga talaga. Dinedeny lang ni Chyler para hindi ako mashaktan! Ganoon ba ko kaobvious Aish? Ang malash ko naman. Bakit ba kasi pinanganak akong hindi maganda? Maganda naman shana si Achi. Maganda naman shana si mama at gwapo shi papa."



Si Rylie... Lasing na naman! Tae! Alam kong magtatagumpay si Justin sa Dare 1 pero hindi, hindi ko alam na maglalasing si Rylie! Ganito pala kalakas yung tama ni Rylie kay Tyler. Teka, pati ako nakiki-Tyler na din. Bawal nga pala! Anyway, oo, alam kong masyado pang maaga para magmahalan silang dalawa pero kitang kita naman diba? They like each other. Hindi ko naman ginagawa yung dares na 'to for fun eh. Ayaw kasi gumawa ng move ni Justin, kaya ako na gumagawa ng move para sakanilang dalawa.  TORPEEE!

"Maganda ka Rylie. Itigil mo na nga yaaan." Sabi ko sabay kuha ng bote. Akala ko ba, hindi siya iinom. Siya pa nga yung nagbawal sakin tapos siya pa pala maglalasing. Err. Nakakainis naman eh. Lumingon ako, nakita ko si Lynne at Brylle na sobrang sweet. Teka, nasaan na ba si Drei? 

"Hindi Aish! Hiiindi talaga! Kung maganda ako, ede shana kadami ng nagkakandarapa sa akin! Pero hindiiii! ANG PANGET PANGET KO! HUHUHUHU!" Kung alam lang niya sana, ang daming nagkakagusto sakanya. Ewan! Hindi ko alam pero natatawa ako dito kay Rylie.

"Rylie naman e. Umayos ka nga!" Sabi ko na nakapamewang pa. Napapagod na ko dito sa babaeng 'to ah! Nawawala na nga boyfriend ko pero siya pa din inaatupag ko. 

"HINDI AISH! ANG MANHID NIYA!" Pulang pula na si Rylie pero in fairness, maganda pa din siya. Oo, madaming nagkakagusto kay Rylie, di nga lang niya alam. 

"Manhid ka rin naman.

"GUSHTO KO SIYA! GUSHTONG GUSHTO! Akala ko magsheshelosh siya kay Christian! Pero bakit ganooon? Ako yung nagsheshelosh shakanila ni ARIZHA!"

"Bahala ka. Hindi ka na naman makakapasok bukas kapag hindi mo itinigil yan."

"ALAM MO BA AISH?"

"Hindi pa."

"Alam mo e."

"Tangina! Ano ba yung alam ko?" Nabbwisit na ko ah! Mas makulit pa 'to kesa yung dati na nalasing siya eh. Hayy. Jusko po!

"Alam kong alam mo na gustung gustong gustong gustong gustong gustong gusto ko siya!"

Alam ko na yan.

"WHAAAAAT?!" Akala ko naman simpleng like lang. Bakit, napasobra naman ata?

"Oo! Kabaet kashi ng pinshan mo! Ayayay. Mashungit siya, oo, pero mabait pa jin. Muahaha! Naiinlab tulooy ako! HAHAHAHAHAHA!" Ang labooo! Masungit daw tapos mabait? Nakakabaliw kausap 'to! 


Lumakad lakad siya tapos humiga sa floor... HALA!


"Ang sharap sharap matulog!" Pinikit niya yung mga mata niya. Hala talaga!!!

"What the?! Rylie, bumangon ka na nga diyan!" Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nasaan na ba si Drei?!?! Nasaan na ba mga kaibigan ko?!?! Bakit ako lang yung nagbabantay sa babaeng 'to?!?!

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now