CHAPTER 32.5 (OUR PARENTS???)

292K 4.7K 371
                                    

CHAPTER 32. 5

"Nanalo tayooooo! Aaaaaah!" Tumakbo kami sa gitna ng court para i-congrats sila. Hindi ko pa makita si Tyler kasi ang daming babae na nakapaligid sakanya. Pero I don't care! Wala namang pakielam si Tyler sakanila diba? Think positive! Wag magselos!

Nagsigawan kami ng mga team mates ni Tyler at hinug nila ko. Yikes, pawis sila! Binuhat pa nga ako ng isa tapos nagtatalon talon sila. Inannounce na din kasi kung sino yung winner. Si Aisha at si Lynne, nagpunta sa amin at nakisama sa pagchicheer.

"Ayos ka, Rylie!" Sabi nila Aisha.

"Galing ng girfriend ni Justin ah!" Sabi ng kateam niya. 

"Hoy pre, ibaba mo si Jamilah." Si Tyler, ang sama ng tingin sa nagbubuhat sakin. Binaba naman niya ko. Natahimik naman lahat at nagsimula na naman silang inisan kaming dalawa ni Tyler.

"Ayan naaa. Patay!" Sabi nila.

Ngumiti lang si Tyler tapos biglang may tumugtog na music. Remix yung kanta eh so nagsasayawan pa yung ibang mga tao pati yung mga nanonood. Nakita ko pa nga si Ariza na papunta samin kaso bigla naman siyang hinila ni Christian at hinug nito. Halatang nandiri si Ariza kasi sobrang pawis si Christian. LOLOLOL.

Lumapit siya sakin at nagtilian na naman yung mga tao...

"Okay ka lang?" I asked. Alam ko kasing masakit katawan niya. Ilang palihim na siko, kalmot, at tadyak naman kasi natamo niya no. Natamo talaga?? Deep! Pinunasan ko yung pawis niya gamit yung towel tapos inabot ko sakanya yung jag niya kaso imbis na jag niya ang kunin niya, kamay ko ang kinuha niya and he pulled me into a hug.

He hugged me very very very tight again. 

"Ang ganda naman ng 'CONGRATS' mo." He chuckled. "I'm okay. Lahat ng sakit, kakayanin ko basta nandito ka sa tabi ko. Basta, hinahug mo ako ng ganito." Lalo ko pa siyang hinug since yun ang sabi niya. Gusto ko siyang gamutin. Ayoko siyang masaktan.

"You saw me a while ago?" Nakahug pa din siya sakin kahit pawis siya at medyo hinihingal pa. 

"Yes. Of course? Malamang!" I smiled pero syempre, di niya nakikita na nakangiti ako. Nafifeel naman niya siguro yun no? Diba? Nafifeel ko kasi na masayang masaya siya ngayon eh.

"That was my first game and also my most memorable game. You know why?" First niya? Seryoso? Weh? Ang galing kaya niya.

"First game? Niloloko mo ba ko? Ang galing mo kaya! And uhmm why? Bakit most memorable?" I asked him. I felt him shook his head.

"I'm serious. You're my first- I mean that was my first game and it was for you. Nanood ka din at ito talaga ang most memorable game ko. Isa pa, I heard everything you said a while ago, clearly, loudly, and sweetly. For short, ikaw ang nagpanalo sa game. Ikaw ang MVP namin." Mukhang narinig naman nila kaya nagtilian na naman sila. May bumatok pa nga kay Tyler eh. Ang corny daw. Amp. Ang sweet kaya! 

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now