CHAPTER 25 (9 dares to go!)

307K 4.9K 579
                                    

CHAPTER 25

AISHA HERA'S POINT OF VIEW

"Aisha, tigilan mo na nga ako!" Sabi ni Rylie. Kanina ko pa kasi siya pinipilit na makipag dare ako sakanya pero ayaw naman niya. Natrauma na ata sa dare yung babaeng 'to eh. Hmm. Ah basta, di ko siya titigilan. Kailangan nilang magkaaminan ni Tyler. Alam ko naman na may gusto na sila sa isa't isa eh. ANG MANHID AT TORPE KASI! 

"Sige naman na Rylie. Pleeaase?" Sabi ko. Nandito nga pala kami sa mga lockers. Ang kalat nga ng gamit ni Rylie eh. Magkakatabi nga pala kami ng locker ni Rylie at Lynne. Pinakausapan namin yung principal na pagtabi tabihin kami eh para ayos. Oha? Malakas ata kami sa principal. LOL.

"Sige na Rylie, pagbigyan mo na si Aish. Ang KJ naman eh." Sabi naman ni Lynne. Naks! Buti nandiyan si Lynne. Magiling kasi mamilit si Lynne eh. Hehehe.

"Oo nga naman Rylie. Okay naman idea ng labs ko ah?" Sabi naman ni Brylle. Naku naku nakuuu! Kung di lang talaga ako hopeless romantic, baka nabatukan ko na sila. Kaso hindi eh, ang sweet kasi. Kakainggit!

"Oo na! Oo na! Alam ko namang bored ka lang eh at kayong dalawa, ughh. Ewan ko sa inyo!" Sinarado ko na yung locker ko...

"Yay! Okay okay, ayain mo si Justin sa Timog mamaya. Wala ng bawian, Rylie. Naka'yes' ka na!" Sabi ko. Sobrang desperada ko ba? Sorry. Ayoko lang mapunta sa iba bestfriend ko eh. May tiwala ako kay Tyler at masaya ako na gusto niya bestfriend ko.

"Teka, ano naman gagawin natin sa Timog?

"Birthday ni Drei, ano ka ba! Punta tayo sa Timog. Basta resto bar siya. Ano, game na yan ha. 5 wishes pag nanalo ka, 5 wishes pag nanalo ako." Sabi ko habang nakaakbay ako sakanya. 

"Ano ka ba naman Aish, alam mo naman na hindi ako pwedeng uminom diba? Naman eh! Pati ang bata bata pa natin. Highschool pa lang tayo, Aisha Hera Dela Cruz!" Coservative naman yung bar na pupuntahan namin. Resto bar nga eh. Pwede namang kumain lang. 

"OA nito. Sino bang may sabi na iinom ka? Ha? Ikaw talaga! Kung anu ano iniisip mo. Hindi po tayo iinom. Pupunta na lang tayo at kakain. Okay? Para may kasama din ako. Nagpaalam na ako sa parents mo pati sa parents ko. Ano, deal na yan ha. Sorry Rylie, wala ng bawian." Sabi ko saka ko hinila si Lynne. Syempre, kasama niya si Brylle. Iniwan ko na si Rylie doon at baka mamaya, magbago pa isip. Sa barkada namin, bawal yung walang isang salita. Muahaha!

Tumili naman ako kaya nagulat si Lynne at Brylle pati yung ibang students na nasa gilid at gitna ng hallway. Who caaares? Masaya ako!

"Lynne! Panalo na tayo!" Sabi ko.

"Panalo saan?" Tinaasan niya ako ng kilay. 

"You'll see." Nakangiti lang ako habang papasok kami ng room. Kinindatan ko pa nga si Justin kaya kumunot yung noo niya. Napansin ko naman na ginugulo siya ng mga babae doon kaya pinalayo ko sila sa pinsan ko. Excuse me, property ata yan ng best friend ko. LOL!

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now