Wattpad Original
There are 13 more free parts

Chapter Ten

28.3K 398 21
                                    

March 14, 2008...

NAUNANG BUMABA SI SONDRA mula sa helicopter. Mabilis ang kanyang mga hakbang dala ng excitement bago nilingon ulit ang ina at napansing pababa pa lang ito. She smiled widely and looked back. She noticed that she was walking alone. Sondra rolled her eyes before going back to her mother, Jessica, who was a former beauty queen.

Ilang taon na ang nakalipas mula sa pagkapanalo nito sa Miss Universe, gayunpaman, staple pa rin ang kanyang ina ng mga fashion magazines bilang isang modelo. Endorser din ito ng ilang produkto at minsa'y may mga international projects din tulad ng New York Fashion Week.

Sondra was glad her mother never failed to be present in the important events of her life despite her busy schedule. Jessica managed to make it up to her, lalo na at may mga selebrasyon na personal para kay Sondra tulad na lang ng kanyang eighteenth birthday.

Inabangan niya ang pagbaba ng ina mula sa helicopter. Humakbang itong may pag-alalay mula sa isa sa mga crew na kasama nila sa biyahe. Jessica lifted her eyes on her and smiled sweetly. Hindi tuloy mapigilan ni Sondra na mamangha at mapatitig sa nanay habang hawak ito sa isang kamay.

Jessica's hand was so smooth. Maalaga naman kasi ito sa katawan. Mamahalin at maganda ang brand ng gamit na sabon at laging may baong lotion at hand cream. Nakasuot ang kanyang ina ng simpleng flower-patterned tube sundress na kulay puti. Matamlay na pink naman ang kulay ng mga bulaklak na may outline na gold. Malapad na umunat ang mga labi nito para ngumiti at sa totoo lang, halos hindi nagkakalayo ang kanilang hitsura. Her mother just looked more womanly though. Samantalang siya, heto at may pagka-girly pa rin kung mag-ayos sa sarili.

Hinila ni Sondra ang kamay ng ina. "Let's gooo, Moooom!"

Natatawang sumunod lang ito.

Sondra made faster strides, wearing a pair of black leather ankle boots. May katerno iyon na itim na plaid skirt na kulay pink ang mga linya. Her pink Avril Lavigne shirt fitted her developing curves sexily. Tinaas ni Sondra saglit ang kamay para ayusin ang pagkakasuot ng kanyang faux tiara na may mabalahibong pink na base. Unat na unat ang kanyang buhok na bahagyang nilaro ng hangin dahil nasa helipad pa rin sila ng resthouse.

"Come on, Sondra, don't get too excited!" ani Jessica, pero bakas sa boses nito ang thrill.

"I want to see Millian already!" sagot niya, bumababa na sila ngayon ng hagdan papasok sa rest house.

The Hawthorne rest house in that secluded private island was not just a rest house. It was a three-storey mansion facing the beach. Gawa ang mansyon sa puting bato at may disenyo ito na mala-Greek ang dating. Dalawang araw advanced ang pagdating nilang mag-ina sa isla, kaya naman hindi nakakapagtaka na wala pang anumang dekorasyon o arrangements sa ballroom area ng mansyon. Hindi man nasilip iyon ni Sondra, in-inform naman iyon ng kanyang nanay. Kaya ang tanging nagpapa-excite na lang sa kanya ay makita si Maximillian.

Hindi pa niya birthday pero ang saya-saya na ng pakiramdam ni Sondra. Alam niya kasing si Maximillian ang nag-asikaso ng preparations para sa debut niya. She was so sure that she would love the party.

Okay, mas tama 'yung term na kinikilig siya kasi si Maximillian ang nagbuhos ng atensyon at oras para lang mabigyan siya ng magandang eighteenth birthday party.

Noon, nagtatampo pa siya dahil humilaway ito ng tirahan. Umalis ito sa bahay nilang mga Hawthorne para manirahan sa isang condominium unit malapit sa isa sa mga kumpanya ng ama nito. But this time, she was so happy she already wanted to see him and thank him. Kahit ano naman kasing pagtatampo ang maramdaman niya para sa lalaki, bigla na lang iyon nakakalimutan basta may gawin lang itong ikatutuwa o ikakikilig niya. Oh, she was too young way back then. Her feelings were as fast changing as that.

RoughWhere stories live. Discover now