Wattpad Original
There are 4 more free parts

Chapter Nineteen

31.9K 482 41
                                    

"WHAT IS HIS PROBLEM WITH ME THIS TIME?" inis na tanong ni Sondra sa kausap sa cellphone, ang kanyang ama.

Buti at nasagot pa nito ang tawag niya. It was rare for her father to spare her some time. Sumagot lang siguro ito dahil ngayon lang siya ulit tumawag dito at pinalagay ng ginoo na emergency.

Just relax, bagot na sagot ni Sam sa kabilang linya. You overreact, that's why Maximillian is enjoying pissing you off.

"What overreact?" gigil niyang sagot sa ama. "He's tailing me like a dog, Dad! At sa mismong trabaho ko pa! This is getting too far!"

Can't the two of just settle it? You talk to me, I talk to Max and then he will tell me to talk to you. Pareho kayong sakit sa ulo.

Sondra rolled her eyes. Pareho ring sakit sa ulo si Maximillian at ang tatay niya.

"Kausapin mo siya, Dad," banta pa niya bago ito binabaan ng phone.

Binulsa niya ang cellphone at tinukod ang mga kamay sa railing ng balkonaheng iyon na abot-tanaw ang beach. Dahil gabi na, madilim na rin ang karagatan at kalat-kalat ang liwanag na umaaninag sa tubig niyon.

Malamig na humaplos sa kanya ang hangin. Nanginginig pa rin siya sa inis. Kanina nasolo niya si Alisha at na-interrogate. Nagpaliwanag naman ito sa kanya nang maayos na nadala ito sa pamimilit ni Maximillian kaya napapayag na lang na pag-isahin sila ng silid.

Dumaan na rin siya sa receptionist. The lying bastard. Marami pa raw ang available na suites. Pero kung hinahamon talaga ng lalaki ang pasensya niya, then fine. She would stay in one room with him. She would show him that she could stand his presence and remain unaffected.

Maybe, she could also ask him about that Hannah...

"No," she gritted. Nakakainis dahil alam ni Sondra sa sarili na may gusto pa rin siya sa lalaki. Na naiinis pa rin siya sa engagement nito kay Yrina kahit alam niyang dapat manatiling masama ang loob niya rito.

Remember, he does not give a damn about you. Inangkin ka lang niya tapos kinabukasan, kalimutan na lang daw namin iyon... Ilihim... Hmph.

"Kanina ka pa nandyan. Let's go," narinig niyang tawag ng lalaki na sinabayan pa ng paghila sa kanyang braso pabalik sa suite nila.

Napasinghap na lang siya dahil wala siyang kaide-ideya na nasa likuran na pala ito ni Sondra. Nagpahila siya sa lalaki, arogante ang tingin dito na nasa unahan lang niya at hindi man lang siya nililingon.

Nagbanyo siya saglit. Tapos, pumuwesto na ng higa sa sulok ng kama at kinumutan ang sarili. Umupo lang si Maximillian sa kabila niyon. Nakapatong sa kama ang isang binti, ang isa naman ay nakababa sa gilid niyon. He wore nothing else but a pair of boxer shorts. Ini-on nito ang TV at panay ang lipat ng channel.

"Sleeping too early? Alisha said you slept all day, Sonny," anito, nasa TV pa rin ang mga mata.

"May photo shoot kami bukas. I have to be well-rested," talikod niya dahil nagiging makasalanan na naman ang mga mata niya sa nakatambad na katawan ng lalaki.

Pinatay nito ang TV. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang lumamlam ang mga ilaw sa silid.

Fuck.

Muling lumubog ang parte ng kama sa likuran niya. This time, she was sure Maximillian was lying behind her. Naramdaman niya ang paghila nito ng kumot.

"Hindi ba pwedeng sa sofa ka matulog?" hatak niya sa kumot para solohin iyon.

"I don't bend when I sleep and you know that."

Napalunok siya. "Then learn to bend, since akin lang naman itong kwarto na ito!"

RoughWhere stories live. Discover now