Wattpad Original
There are 12 more free parts

Chapter Eleven

28.5K 416 16
                                    

NANG MAKASUNOD SI MAXIMILLIAN KAY SONDRA, tinuruan siya ng lalaki mag-surfing. Siya naman kasi ang nangulit. Mukha lang pala iyong madali, pero kapag sinusubukan na ni Sondra, nakakailang bagsak siya sa tubig. Hindi niya makuha-kuha iyon pero hindi niya magawang mainis. Kasi minsan sa tubig ang bagsak niya, kadalasan naman ay sa mga bisig ng lalaki. Nakaalalay ito kapag nag-a-attempt na siyang tumayo sa surfboard.

She was brimming with a feeling so giddy everytime their bodies would touch. Everytime her arms would cling around his neck and when she felt his arms lift her up. Maximillian was patient with her. Sa huli, dumapa na lang si Sondra sa ibabaw ng surfboard at sumuko na lang.

"Ayoko na! I am not interested with learning this surfing thing anymore, Millian!" natatawang dapa niya sa surfboard.

Palo sa puwitan ang nakuha niya sa lalaki. "Fickle-minded! Giving up already, huh? You don't learn surfing in just one day, Sonny."

Napalabi na lang siya. "It's so tiring," she whined.

Inikot ni Millian ang kinadadapaan niyang surfboard at tinulak iyon pabalik sa dagat. Sondra crossed her arms over the board. Doon niya pinatong ang baba at nilingon ang lalaki.

"Millian?"

"Yes?" sulyap sa kanya ng lalaki, bahagya na lamang ang ngiti sa mga labi nito.

"Thank you," madamdamin niyang saad.

"For what?" mahina nitong tawa na para bang hindi makapaniwala sa narinig.

"Mom said, you planned for the whole party. I am so excited to see how it's going to be on my birthday."

"Prfft," he proudly grinned and looked away. "They say it's the biggest event in a girl's life, so of course, I'll give my hundred percent for it. And hey, anyone would do that. If your parents have free time, they might do better than me."

Namumula na ang kanyang mukha. Masyado na siyang kinikilig.

Calm down. A man exerting that effort does not necessarily mean he has a crush on you too...

"Ikaw rin naman, 'di ba, busy? But you still managed to make time for it, Millian," titig niya sa lalaki, kumukutitap ang mga mata. "It really, really means a lot to me."

Umiwas siya ng tingin, bahagyang napayuko. Masyado pang maaga para maiyak siya sa galak. Pero totoo naman iyon. Iniisip pa lang ni Sondra na nag-effort si Maximillian para sa birthday party niya para na siyang sasabog sa tuwa.

Hindi yata malaman ng lalaki ang isasagot. Nanatili lang itong tahimik.

"I know na," angat niya ulit ng tingin dito, mas pinasigla ang boses para hindi siya tuluyang maging emosyonal. "I'll bake you some happy cupcakes tonight! What can you say, huh?"

"Why? Do I look sad?" tawa sa kanya ng lalaki. Lumingon ito at muli niyang nasilayan ang asul nitong mga mata. His gorgeous laughter, as lively as David Bowie's.

"You look happy, alright," she smiled back. "But I want to make you happier."

Maximillian shrugged. "Then make me two, princess," binalik nito ang mga mata sa tinatahak nilang daan palapit sa pampang. "Make it as sweet as you."

So annoying! kinikilig na pigil niya sa tangkang pagbungisngis. Ayaw niyang matawa dahil baka isipin ng lalaki ang landi-landi na niya.

Iniwanan lang nila ang surfboard ni Maximillian na nakatayo sa buhanginan. Bumalik sila sa dagat para magkarerahan ng langoy. Magkahawak-kamay ding nilubog nila ang mga ulo at nagpatagalan ng paghinga sa tubig. Natatawa na lang si Sondra sa pagiging madaya ng lalaki. Bigla kasi itong bibitaw sa kamay niya at itutulak ang ulo niya para lalo iyong ilubog sa tubig. Kakabahan tuloy siya at mapapaahon.

RoughWhere stories live. Discover now