Wattpad Original
There are 5 more free parts

Chapter Eighteen

27.9K 431 22
                                    

BUONG UMAGA NAKATULOG SI SONDRA sa biyahe nila papuntang Zambales. Tatlong araw nang nagbago ang buwan sa kalendaryo bago ang scheduled nilang pagpunta sa lugar kung saan gaganapin ang shooting para sa Moderno magazine.

Tanghali na nang makarating sila sa tutuluyang luxury resort hotel. Ngalay man siya sa sobrang tagal ng inupo sa sasakyan at wala sa mood, nakuha pa rin ni Sondra na ngumiti noong may mga staff na sa receptionist area pa lang ay nag-request nang makipag-picture taking sa kanya.

Buti na lang at nag-ayos-ayos din siya bago bumaba ng sasakyan. Kaya presentable siyang tingnan sa mga kinuhanang litrato sa cellphone. Pagkatapos, binitbit na ang mga gamit nila ng ilang staff sa na-book nilang mga silid.

"Sondra?" tawag sa kanya ni Alisha nang mapansing nag-iiba siya ng direksyon. Imbes kasi na sumunod sa mga ito ay patungo siya sa beach sa tapat ng hotel. "Ayaw mo ba munang dumiretso sa room mo para makapagpahinga nang maayos?"

Her smile was faint. Umiling si Sondra. "I want some fresh air."

"Sure. Balikan kita rito ha?"

"Ma'am," suhestiyon ng isa sa mga lalaking staff na may bitbit ng bag, "kung gusto niyo po, sa third floor po kayo mag-unwind. May poolside bar din po kami roon at mga seats."

She liked that. Dahil nasa third floor din naman ang tutuluyan nilang suites, sumabay na si Sondra sa mga ito. Mabilis na tinungo niya ang resort proper at namangha sa tumambad na infinity pool. Asul na asul ang tubig nito at nire-reflect ang mainit na sikat ng araw kaya kumikislap. Sa may kalayuan, tanaw niya ang buong beach, ang kumikislap na tubig ng karagatan.

Tulad ng sabi ng staff kanina, may poolside bar doon na moderno ang disenyo. Maayos ang arrangement ng mga mesa at upuan malapit sa railing. Perfect para sa mga candle light dinner. Sa tabi ng pool nakahanay ang mga cushioned beach lounge seats.

She breathed in the fresh air. Mas masarap nga kung dito siya magpapahinga kaysa sa loob ng air-conditioned na silid ng hotel. Kanina pa siya babad sa aircon ng sasakyan.

Humiga siya sa isa sa mga lounge seats. Wala siyang pakialam kung nakasuot pa siya ng fitting na jeans at fitting ding shirt na puti. Sinuot na rin niya ang baong sunglasses bilang pangontra sa liwanag ng araw. At doon na napasarap ang kanyang pagtulog.

.

.

MAAGANG DUMATING SI MAXIMILLIAN sa kanyang opisina sa G & C. He wore something more on smart casual— a short-sleeved button-down blue shirt with printed patterns and a black pair of fitting pants. He tucked it in, showing off the silver buckle of his belt.

Bagsak ang buhok ng binata na dark blond. Medyo basa pa rin mula sa pagligo kanina. Tulad ng nakasanayan, uupo siya sa sariling desk para tumawag sa Hawthorne mansion. Nabalitaan niyang maagang umalis si Sondra. Sinundo raw ito ng manager na si Alisha kaya ito naman ang kanyang tinawagan.

Tulog daw si Sondra sa biyahe papuntang Zambales para sa isang photo shoot.

After checking on Sondra, ang mga folders naman sa kanyang desk ang kinaharap ni Maximillian. May ilang meeting agenda siya na re-reviewhin at mga for signature ding iisa-isahin. Habang nagbabasa ng isa sa mga Minutes of the Meeting, gumusot ang kanyang mukha. He figured that he forgot to ask for coffee. Tatawagan na sana niya si Marissa pero nagbago ang kanyang isip.

Tumayo siya at iniwanan ang opisina para magpalipas ng stress sa nabasa kanina.

May natanaw siyang dalawang lalaki na naglalakad sa pasilyo. Mabagal sa normal ang lakad ng mga ito dahil parang may pinagkukwentuhan. That immediately piqued his curiosity. Lunes kasi kaya sanay siyang makita na lahat ng mga staff ay nagmamadali.

RoughWhere stories live. Discover now