Chapter 16

5.9K 175 2
                                    

Marga's POV
Medyo masakit pa ng onti yung sugat ko.Isang araw narin ang nakalipas ng matapos lahat ng pangyayari nun.

I saw Migo na naglalakad sa hallway mukhang galing yata siya training room at iba ang pinapakita ng mukha niya ngayon.

"Migo are you ok?" Tanong ko na nilapitan ko siya. Tinignan niya ako at nginitian pero alam kong pilit lang yung ngiti niya. Naglakad siya at naglakad rin ako.

"Marga can I ask you something?" Migo said. Ano naman kaya yun? Parang feeling ko... Wala lang, Feeling ko lang hehehe.

"Sure ano ba yun Migo?" Pagpayag ko sa kanya. Umupo kami sa isang bench dito sa loob ng campus.

"Uhmm may napupusuan kaba dito sa loob ng University?" He asked,Wow diretsuhan ah kapal ng face.CHAROTT.

"Bat mo naman na tanong yan?" Sabi ko na medyo natatawa.

"Wala lang,malay mo lang kase diba?" Sagot niya

"Like duhhh?Sa impyernong toh may magugustuhan ako?" Sabi ko na tinaas yung isa kong kilay.

"Okay,Una na ako may aasikasuhin pa ako." Sabi niya ng tumayo at binulsa ang kanyang mga kamay.

"Sige" maikling sagot ko

Pumunta ako sa faculty room ng adviser ko para kunin yung mga exams na inutos niya.

"Need some help?" Isang lalaki ang nagalok ng tulong sakin at nagpatulong naman ako kase andaming papel eh ang bigat.

Nasa classroom na kami which is ito yung classroom ko

"Thank you" sabi ko at nilapag niya yung mga exams sa desk ng adviser ko.

"You're welcome,uhm ako nga pala si Drake taga section 4" pagpapakilala niya,section 4?so last section siya?

"Oh!Nice to meet you Drake" sabi ko na nakipagshake hands sakanya.

"Una na ako ah" Pagpapaalam niya at ngumiti nalang ako.

Bukas na ang exam ng mga student dito at kaming head ng Grand and Fury Moons ay Excempted dahil sa trabaho na ginagawa namin for the university.

After 1 Month...
"Gosh ang ganda na ng university naten." Rinig ko sa mga nagbubulungan na estudyante.

Natapos na ang inayos naming Walls,Gate, and Building kaya nakakaproud kahit na inabot kami ng isang buwan sa paghihirap atleast its worth it.

Nasa labas ng University building ang ibang student kaya medyo maraming tao.

Pupunta sana akong garden kaso pinatawag ako.bwiset.

"Ms.Kiaro pinapapunta po kayo ni Ms.Rivera sa Faculty" Sabi ni Alliah the assistant.

Naglakad nako papunta roon at si Alliah naman nakasunod sa likod ko.

Pagpasok ko umupo agad ako "Anong gagawin naten?" Tanong ko pag upo ko BTW kami lang dalawa ni Venice sa Faculty.

"Binago ko ang schedule ng pasok ng nga students." Sabi ni Venice at may inabot saking papel.

Schedule:
Monday&Tuesday-Have Classes(10:00-6:00)
Wednesday&Thursday-No Classes
Friday-Training

Yan yung nakasulat sa papel which is i agree kase para hindi na mapagod yung student/kami sa araw araw naming pagpasok.

"This is good,anong gagawin naten ia-announced ba naten?" I asked shortly.

"Ipi-print natin tong schedule and each classroom has 3 copy of this schedule and teacher yung hahawak at sila nalang ang maga-announce." Pagpapaliwanag ni Venice.

"Ilang grades and section ba ang meron dito?" Pagtatanong ko

"Since we only have Grade 8,9 and 10 here meron tatlong section ang grade 8 and 9 and tayong grade 10 students have 4 section" Sabi niya,bat ang daming grade 10?

"Ok..." Dahan dahan kong sabi. "Meron nabang mga copys?" Dugtong ko.

"Yup!Pabalik na dito si Migo at Francesca para dalhin yung copy." Sabi niya

"Were here!" Nagulat ako sa sigaw ni Francesca,parang ang saya nento ngayon ah.

"Alliah ikaw na ang maghatid nito sa bawat section ng 8,9 and 10" Rinig kong utos ni Venice,at sinunod naman ito ni alliah.

"Where's Zyke and Heiris?" I asked napansin ko kasi nawala sila dito.

"Ah nasa office sila kausap ni Madam." Sagot ni Migo

"Ah ok....wala nabang gagawin?pwede naba ko lumabas?" I said,medyo bored nako eh.Bored naman talaga ako lagi duh.

"You may now go." Sabi ni Venice at agad naman akong tumayo para lumabas na.

Wednesday ngayon at wala naman na akong gagawin kaya pumunta nalang akong dorm ko.

Medyo na dissapointed ako pagpasok ko ng dorm kase ang kalat ng dorm ko.Since wala naman akong gagawin napagisipan kona ayusin tong messy dorm ko.

Sinimulan ko munang ayusin yung mga damit ko.Hinanger ko yung mga formal na mga damit ko at isinabit ito sa cabinet at yung mga pangalis ko naman is nakatupe.

Yung nasa ordinaryong buhay pa ako pambahay ang lagi kong sinusuot araw araw eh ngayon sa impyernong ito lagi akong nakapanglakad.

Iniligpit ko naman ang mga sapatos ko at yung kama ko ay inayos ko.

"Done!" Sigaw ko sa dorm ko at humiga sa kama ko.

"Hayss i want to go back in my normal life." Pagdadrama ko.Drama ko naman haha.

Pumunta akong cafeteria para kumain pero sa dorm nalang ako kakain may lamesa naman ako eh.

Pabalik nako at nasa paper bag yung pagkain ko at nakita ko si Freya bitchy.Wow nagkita ulit kami.

Tinignan ko lang siya at tinarayan niya ko at madaming nagha-hi saken tapos niyabangan ko siya.Hindi naman ako mayabang sadyang nagpapainggit lang ako.

Nakita ko si Heiris pero bat di niya kasama si Zyke?

"Heiris!" Sigaw ko,Sumigaw ako kase medyo malayo pa kami sa isa't isa.Parang kayo ng boyfriend mo hihi. "Di mo kasama si Zyke?" Dugtong ko.

"Ahh may pinuntahan pa kase siya,una na ako ah may aasikasihun lang ako." Sabi niya ng mabilisan

"Sige ba-bye!" Pag papaalam ko.

Bloody Moon University [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat