Chapter 28

4.7K 166 2
                                    

Venice's POV
Ayokong magtago ng sikreto kay Marga pero wala naman akong magagawa dahil sang-ayon naman ako na si Zyke ang magtatapat sakanya at makapag-usap rin sila.

Alam kong proprotektahan ni Zyke si Marga and i trust him.Matagal na kaming magkasama ni Zyke kaya alam kong kaya niyang ipaglaban si Marga.

Alam kong nagkulang din ako kay Marga kasi hindi na kami masyadong nagkakasama dahil sa kabusyhan ko pero babawi ako sakanya this time.

Pumunta akong Head Quarters para puntahan si Marga.Alam ko namang nandun pa yun kase medyo marami-rami yung papeles na pinagawa ko sakanya.

"Marga" tawag ko sakanya "Oh Venice may kailangan kaba?" Tanong niya sakin.

"No,tigilan mo muna yang pag-aayos ng papeles sumama ka muna sakin" I smiled at her at hinila ko siya palabas ng Head Quarters "San ba tayo pupunta Venice?" Tanong naman nito..

"Bonding?" I said at napangiti naman si Marga.

Nandito kami sa Cafeteria para kumuha ng makakain namin tinake out nalang namin yung pagkain at didiretso na kami sa garden.

"Bakit hindi natin isama si Heiris at Francesca?" Tanong sakin ni Marga,Oo nga dapat pala sinama ko sila "Let's Find them" i said.

Right now hinahanap namin yung dalawa "Bakit hindi natin tignan sa dorm nila baka nandun lang sila" tumango lang ako at naglakad na papuntang dorm ni Heiris at Francesca.Oh diba ang tanga ko di ko naisip yun.

We knock on Heiris dorm at nagbukas naman ito ng pinto "Yes?" Tanong nito samin "Gusto mo sumama?" Tanong ko.

"Where?" Tanong niya at kinusot ang mata mukhang natulog yata to "Picknick?" I said "Sure!" Nasiyahan siya sa sinabi ko kaya nag-ayos na siya ng kanyang sarili.

Pumunta naman kami sa dorm ni Francesca "Knock!Knock!Knock!" Kumatok ako at may nagbukas naman nito.

"Oh anong meron?" Bungad niya samin "Bakit pawis na pawis ka?" Tanong ni Marga sakanya.

"Naglinis ako sa dorm ko" she sighed at nagpunas ng pawis niya "Magbihis kana" sabi ko "Bakit b-" tinaas ko yung mga hawak kong pagkain "Picknick"

Agad siyang nagmadaling magbihis at natapilok pa tong babaeng toh "Excited na Excited" sabi ko ng natatawa "Of Course!" Sigaw ni Francesca sa dorm niya.

"Tara na" sabi niya samin at naunang naglakad "Hoy babaita alam mo ba kung saan namin balak pumunta at nauuna ka saamin?" Tanong ko sakanya si Marga at Heiris tumatawa lang.

"Ah-eh sabi ko nga kayo ang mauna Hihihi" sagot nito at tumabi kay Heiris.Hayy nako.

Naglalakad na kaming apat papuntang garden.Nang makarating kami may mga ibang estudyante dito na nakatambay pero ok lang di naman nakakahiya.Makapal mukha namin eh hahahaha.

May dala naman kaming tela kaya sa sahig kami pumwesto.Saktong sakto dumating yung boys ewan ko kung bakit sila magkakasama.

"Oh bat andito kayo?" Pagsusungit ko sakanila "Nakita ko kayo na papunta dito kaya tinawag ko sila para sumama kami sainyo Hihihi" sagot naman ni Kurt.

"Ikaw talagang monggoloid ka" natatawang sabi ni Marga "Asan si Drake?" Dugtong naman ni Marga "Di ko alam di namin nakita" sagot ni Migo.

Si Zyke,Migo,Kurt at Colt lang ang magkakasama at wala si Drake asan kaya yun?

Marga's POV
Masaya kaming nakain dito at napansin kong hindi kami nag-away ni Zyke ngayon.Hahahaha.

Tuwang tuwa kami sa pinag-gagagawa ni Kurt puro ka monggoloidan.

Nagspin the bottle kami at saktong sakin tumutok yung bote "Marga answer this honestly,Gusto mo ba si Zyke?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ewan ko ba dug dug dug dug dug dug.

"Marga" kanina pa pala nila ako tinatawag lutang yata ako ngayon "Oh?" Sagot ko "Yes or No?" Tanong ni Kurt.

Ayaw lumabas ng NO sa bibig ko at yung yung YES naman ay gustong kumawala.Ano ba talaga?Naguguluhan pa ako.

"Wait lang biglang sumakit yung tiyan ko,hintayin niyo ko ah babalik ako" pagpapalusot ko sakanila at tumakbo papuntang cr kahit di naman talaga ako nac-cr.

Pagdating ko sa Cr tumambad sakin si Freya na nagli-lipstick "Mukhang nagkakatuwaan kayo ah" pagsalita niya "Alam ko namang gusto mo si Zyke kaya wag mo na siyang pakawalan baka maagaw pa ng iba,malay mo yung aagaw eh ako?Bwahahahaha"

Nakaramdam ako ng inis sakanya,hanggang ngayon parin ba di parin siya nakakamove on kay Zyke?Aish.

"Oo gusto ko siya bakit may balak kabang agawin siya?" sagot ko na ikinatigil niya pati narin ako shit bakit ko nasabi yun?!?Ugh!

"I know na gusto mo siya but better watch your boy" kinindatan niya ako bago siya umalis.Gusto ko na siyang masampal yung malanding babae na yun.

Bumalik na ako sa garden at nandun parin sila na nagkakatuwaan "Ano okay naba yang tiyan mo?" Tanong ni Venice "Ughm Oo" sagot ko at ngumiti.

Napatingin ako kay Zyke at saktong nakatingin din siya sakin.Umiwas ako ng tingin.Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko.Nakaramdam ako ng pagkailang dahil magkatapat lang kami ni Zyke.

"Balik tayo kay Marga,Gusto mo ba si Zyke? Yes or No?" Tanong ulit ni Kurt.

Should i hide the truth?Oo,gusto ko si Zyke pero hindi sobra dahil nga minsan nag-aaway kami pag kami yung magkasama.Nagkacrush din naman ako ng onti kay Migo at Kurt pero nawala din yun pero tong si Zyke simula nung nag-aaway na kami hindi ko namalayan na nagkagusto na pala ako sakanya.

Totoo nga yung The more you hate the more you Love.

"Yes" maikli kong sagot at tumakbo paalis dahil nakaramdam ako ng hiya.

Bloody Moon University [COMPLETED]Where stories live. Discover now