Chapter 25

4.6K 156 2
                                    

Zyke's POV
Ilang oras narin akong naghihintay dito sa pag-gising ni Marga.Nakita ko sa Kurt na papunta sa direksyon ko.

"Where's Marga?" Nag-aalalang tanong nito "Inside" maikling sagot ko sakanya at tinuro yung clinic.

Bago siya pumasok sa loob hinila ko ang braso niya "Pag nagising si Marga at tinanong kung sino ang nagdala sa kanya rito sabihin mo ikaw,understand?" Sabi ko sakanya.

"But wha-"

"No more buts gawin mo nalang kung ano yung sinabi ko." Huling sabi ko sakanya at naglakad na paalis

"Okay sabi mo eh" rinig kong sabi niya.

Kurt's POV
Ang weird lang kase bakit siya magsisinungaling na siya yung nagligtas kay Marga?hhmmm.

Alam kong mag-kaaway tong si Marga at Zyke but Zyke is always there for Marga everytime na may mangyaring masama sakanya.

' Is Zyke already have feelings for her?or maybe before he already have feelings towards her'

Inaabangan ko si Marga na magising pero isang oras na ang lumipas hindi parin mulat ang mga mata niya.

Hindi makapunta dito yung ibang ka co-head ni Marga dahil busy sila sa mga papeles na inaasikaso nila.

"Kurt" nagulat ako nang nagsalita si Marga nakatingin kase ako sa sahig kaya di ko napansin na nagising na siya.

"Oh Marga buti nagising kana." Sabi ko sakanya at inalalayan siya sa pag-upo.

"Ikaw ba nagdala sakin dito?" Tanong niya sakin "A-Ah O-Oo!" Sagot ko sakanya.

"Okay pwede naba akong bumalik ng dorm?Mas gusto ko dun magpahinga" sabi niya ng walang kabuhay buhay "Wait i'll ask permission."

Pinuntahan ko yung Nurse at tinanong kung pwede nabang lumabas si Marga dito and umo-o naman siya at nagbigay sakin ng gamot para kay Marga.

Binalikan ko si Marga para alalayan siya sa pagbalik niya sa dorm niya.

"Ayos ka lang ba?Wala kabang kailangan?Nagugutom kaba?" Tanong ko sakanya nang makarating nakami sa dorm niya "Okay lang ako Kurt ano kaba" sagot niya na natatawa

"Sige pag kailangan moko tawagin mo lang ako ah" sabi ko sakanya at tumango tango lang siya.

"T-Teka Kurt!" Pagpigil sakin ni Marga nang pinihit ko yung doorknob "Bakit?May problema ba?" Tanong ko sakanya "H-Hindi ba talaga si Zyke ang T-tumul-..ah wala!Nevermind" naguguluhang sambit niya sakin

Siguro hindi siya naniwala na ako ang tumulong at naghatid sakanya sa clinic siguro inaakala niya na si Zyke parin,pero si Zyke naman talaga.

'Damn that guy'

Marga's POV
Nasa dorm na ako ngayon at salamat kay Kurt na nagligtas sa akin.Hindi ako makapaniwala sa pagkakataong ito siya ang tumulong sakin,pero pano?pano niya ako nahanap sa storage room eh nasa gymnasium naman siya at walang katao-tao nung dinala ako ng mga babae dun.

Wait,Sino nga ba ang mga babae na nagdala sa akin sa storage room?hmmm.

Medyo nahihilo pa ako at ang sakit ng katawan ko kaya napagisipan kong maligo baka sakaling mawala ang sakit ng ulo ko.Nag-init lang ako ng tubig para hindi masyadong malamig.

Lumabas na ako ng dorm ko para hanapin sila Venice hindi kasi nila ako pinuntahan sa clinic eh.Oh baka hindi lang talaga ako importante sakanila.

Habang naglalakad ako sa hallway bigla kona lang naisip ang sarili ko.

Ganun naba talaga ako kahina?Walang kalaban-laban? Lagi nalang napapahamak?

Buti nalang may tumutulong sakin and i really want to thanks Zyke sa lahat lahat ng ginawa niya kaso ipagtatabuyan niya lang din ako.

"Marga" hindi ko alam na kanina pa pala ako kinakausap ni Kurt habang naglalakad ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin "Finding Venice" i answered shortly.

"Oh Venice?Nasa Head Quarters sila" sabi ni Kurt na nakangisi pa.Head Quarters?may ganun ba rito?

"Head Quarters?Saan yun?" Tanong ko sakanya "I'll lead the way" sabi niya,parang ang saya ng monggi nato ah langing nakangisi.

Nasa 4th floor din ng University yung Head Quarters na sinasabi ni Kurt.Nang makarating kami sa pinto ng Head Quarters it was familiar to me.

"Ughm Kurt dito ba talaga yung Head Quarters?Faculty namin toh ah" sagot ko sakanya,tama ako Faculty namin yung tinutukoy niya.

"Look at the door" tinuro niya yung pinto na may nakasulat na 'Head Quarters' "Pumasok kana lang" dugtong niya.

Pinihit ko ang doorknob at pagkapasok ko nandun silang lahat Venice,Zyke,Migo,Francesca and Heiris ako lang ang hindi kasama sakanila lagi.

Mukhang nagulat sila sa pagpasok ko na mukhang may pinag-uusapan.

"Sorry Naistorbo ko yata kayo sige labas nalang ako" i smiled to them at binuksan na ulit ang pinto para lumabas "Come in" napatigil ako at kahit hindi kona lingunin kung sino yung nagsalita kilala ko na dahil sa malamig na tono ng boses niya.

Hindi na ako tumangi at umupo na ako sa upuan ko "Uhmm Marga iniba na nga pala natin yung name ng faculty" pagpapaliwanag sa akin ni Heiris "Yes I know" maikli kong sagot.

Yung pinaguusapan nila hindi na nila natuloy dahil sa pagpasok ko nagayos nalang sila ng mga papeles.

"Wala pa bang misyon na magaganap?" Tanong ko sakanila na ikinagulat nila.

"A-Ah eh wala pa naman" sagot sakin ni Venice.

Medyo na O-op na ako dito kaya lumabas na ako.Habang naglalakad na ako papunta sa pinto biglang may humila sa braso ko pabalik.

"Let's Talk later 7:00 pm at the garden" nung sinabi niya yun biglang bumilis ang tibok ng puso ko dug dug dug dug dug dug ewan ko kung anong nangyayari sakin sa tingin ko namumula na ang mga pisngi ko.

"O-Okay Z-Zyke" sinubukan kong ngumiti at umalis na.

Bloody Moon University [COMPLETED]Where stories live. Discover now