Chapter 26

4.4K 147 1
                                    

Zyke's POV
Nandito na ako ngayon sa lugar para mag-usap kami ni Marga.Nagpabalik balik ako ng lakad ewan ko nakakaramdam ako ng nerbyos ngayon lang ako nakaramdam nito sa ibang babae.

Nakaupo ako sa isang bench habang hinihintay si Marga na hanggang ngayon ay wala pa.

"Where is that Damn girl" bulong ko dahil nakaramdam na ako nangpagkainip.

Pero hindi ako umalis dahil baka dumating parin siya.Tumingin ako sa relo ko at maga-alas otso na wala parin siya ala siyete ang usapan namin.

Hindi puwedeng hindi makakapunta si Marga dahil alam kong interesado siya ngayon.Hindi kaya may nangyaring masama? Sabi nung isip ko pero hinding hindi mangyayari yun.

Kailangan ko ng sabihin tong sikreto na 'to sakanya habang hindi pa huli ang lahat.Alam kong dapat hindi na namin tinago nila Venice ang sikreto na ito pero baka dahil dito mawala siya sa amin.Gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya.

Naghintay parin ako ng 30 minutes pero wala talaga "Hindi na dadating yun" napalingon ako nang may nagsalita sa likod ko.

"Are you sure?" Natatawa kong sagot "Yes I am" hindi kaya may kinalaman tong nerd na to kaya hindi nakapunta si Marga?

"Nice to see you again,Mr.Raige" sabi nung nerd.Nagkita na kami nung time na inabangan si Marga ng Dead Hell Boys pero pakiramdam ko madalas kaming magkita.

"Wag ka nang umasa malay mo busy siya sa ibang lalaki.." Dugtong ni Mr.Nerd na hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan.

"Hey!" Sigaw ko sakanya habang naglalakad siya palayo kaso tinuloy niya lang ang paglalakad niya.Siguro nga busy siya sa ibang lalaki.

Bumalik na ako sa dorm ko.Pabagsak akong humiga sa kama ko parang ang bigat lang nang nararamdaman ko.

Nakaramdam narin ako ng antok kaya nakatulog na ako.

Marga's POV
Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako oh hindi kaso ayoko naman siyang paghintayin dun.Sige,Pupunta na ako and im sure in my desicion.

Luh parang ang bigat ng pag-iisipan ko ah.Naglakad na ako palabas ng dorm ko at nilock ang pinto.

Nasa ground floor pa ang garden at bandang dulo pa ito kaya medyo matatagalan ako.

Nasa ground floor narin ako.Nakakatakot dito dahil wala nang ibang estudyante at tanging buwan na lang ang nagbibigay ilaw sa hallway dahil natagos ito sa bintana.

Bigla nalang ako nakaramdam ng kaba hindi ito yung kaba dahil maguusap kami ni Zyke.Kinakabahan ako dahil parang may nakasunod sakin.

Humakbang muna ako bago lumingon ng mabilis pero wala namang tao.Mas Binilisan ko ang paglalakad.

Bumilis yung tibok ng puso ko ng naramdaman kong may kutsilyong nakatutukok sa leeg ko.

"Sshhh Wag kang mag-alala kung ayaw mong mamatay ng maaga wag kang tumuloy sa pupuntahan mo" sabi nung may hawak na kutsilyo hindi ko makita ang mukha niya dahil nasa likuran ko siya.

Tumango tango ako sakanya para sabihin na sumusunod ako sakanya.Pero bakit?Kailangan ko nang puntahan si Zyke kaso hindi ko magawa dahil isang kilos ko lang dito na magtatapos ang buhay ko.

Alam kong lalaki ang nasa likuran ko dahil sa kanyang malalim na boses na parang narinig ko na nang ilang beses.

May tinakip siyang panyo sa aking ilong kaya nahilo ako ng unti-unti.

*******
Nagising ako nang nasa kwarto na siguro may pangpatulog yung panyo na inilapat sakin sa ilong.

Sino ba ang lalaking iyon?Bakit ayaw niya akong patuluyin sa pagpunta ko?May sikreto ba akong hindi nalalaman?

Shit si Zyke!Baka mas lalong magalit sakin yun dahil hindi ako nakapunta kahapon.

Nag-ayos na ako at pumunta sa Facul- i mean sa Head Quarters.Pag pasok ko ay nundun lahat ng mga kasali sa Top 10.

"Marga" banggit ni Venice pero hindi kona pinansin yun "Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ko sakanila.

"Ah wala tungkol lang bukas kasi may pasok na" Bigla kong naalala na resume classes na pala kaming mga Heads bukas.Geezz.

"Marga pwede bang ikaw muna magtuloy nitong mga papeles?" Tanong sakin ni Venice "Yeah Sure" sagot ko.

Umalis yung iba at apat nalang kami rito Si Kurt,Colt,Ako at si Zyke.May inaayos din kasi silang mga papeles.

"Done!" Sigaw ni Kurt na ikinagulat naming tatlo "Shut up" walang ganang banggit ni Zyke.

Nakakailang dahil hindi man lang siya nagrereklamo dahil hindi ako nakapunta.Umalis na si Colt at Kurt kaya kami nalang dalawa ang naiwan dito.

Binibilisan ko ang pag-aayos ng mga papeles kasi parang hindi ko kayang kami lang dalawa na nandito.

Nakita kong tapos na si Zyke at lalabas na ng pinto at naglakas loob akong magsalita.

"Zyke" pagpigil ko na ikinahinto niya "Sorry kung hindi ako nakarating kahapon may nangyari kas-" hindi pa ako tapos magsalita pero sumabat na siya "No.Its ok baka may pinagkaka-abalahan kapang iba and i understand you" sagot niya sakin at tuluyan na akong iniwan dito nang mag-isa.

Nag-iisip ako nang kung ano ano ngayon ewan ko ba para akong tanga.Feeling ko lahat ng nakapaligid sakin may sikretong tinatago.

Hindi parin mawala sa isipan ko yung kagabi.Sino yun?at bakit niya ako pinipigilan.

Fuck Life

Bloody Moon University [COMPLETED]Where stories live. Discover now