Chapter 42

4.1K 147 0
                                    

Marga's POV
Binuksan ng mga kawal ang pinto at tama nga ako nandito na si kuya.Wala siyang dalang armas na nakapamulsa siya nakita ko sa bulsa niya isang mauumbok na bagay ano kaya yun?

"Eto na pala ang anak ko" lumapit sakanya si papa at niyakap siya hindi siya niyakap pabalik ni kuya at naka poker face lang siya.

"May problema ba anak?" Tanong nito kay kuya at umiling si kuya "Nothing" maikling sagot ni kuya.

"Can i check her?" Tanong nito kay papa at tumango tango naman si papa.Nilapitan ako ni kuya at chinecheck niya yung mga nakakabit sakin at hinarangan niya yung kamay ko para luwagan niya ang pagkakatali nito pati nadin sa paa ko.

Lumapit siya sakin malapit na malapit "Pag may narinig kang mga putok ng baril saka tayo tatakas" bulong nito sakin at mukhang napansin ata toh ni papa "Miguel ano yan?" Tanong nito.

Nagulat nalang ako ng bigla akong sampalin ni kuya tumalikod siya sakin "Nothing dad pinatikim ko lang ang lakas sumagot eh." Sabi nito kay papa.

Alam ko na kung bakit niya toh ginagawa.Humarap ulit siya sakin at bumulong "Sorry for that,Trust me" sabi nito at nginitian ko lang siya.

Nakatalikod lang sakin si kuya at nililibot ang kanyang mata dito sa loob siguro iniisip niya kung pano kami makakalabas.Humarap sakin si Kuya at blangko lang yung mukha niya.

"H-Hindi ko na kaya.." Kahit na nanghihina ako pinilit ko paring makapagsalita "Matatagalan pa ba?" Dugtong ko.

Lalapit pa sana sakin si kuya kaso may narinig kaming pagsabog sa labas.Akala ko ba putok lang ng baril pero bakit may sumabog?

Natigilan kaming lahat dito sa loob at maya maya may sumabog na naman inilabas na ni kuya yung kamay niya sa bulsa ng pants niya at alam ko na kung bakit nakapamulsa lang siya.

Paglabas ng kaliwang kamay niya nakita kong may smoke grenade siyang hawak at pinagulong niya ito sa sahig at nagsisimula ng kumalat ang usok.Nagkagulo na dito sa loob dahil sa smoke grenade at sa sunod sunod na pagsabog sa labas.

Dali dali kong tinanggal yung kamay ko sa mga tali at tinanggal ko narin yung nakakabit sa braso ko.Nung makatayo ako naramdaman kong babagsak yung katawan ko dahil sa panghihina madami din kasing dugo yung nakuha sakin.

Bago paman bumagsak yung katawan ko naalalayan na ako ni kuya.Dali dali kami lumabas ni kuya at tinakpan ni kuya yung ilong ko para hindi malanghap ang usok.Madali lang kaming nakatakas ni kuya dahil sila papa hindi kami nabantayan pati narin yung mga kawal sa loob dahil sa smoke grenade ni kuya.

Paglabas na paglabas namin puro usok at apoy ang nakikita namin dahil sa pagsabog "Akala ko ba putok lang kuya?bakit may mga pagsabog?" Tanong ko na ikinapagtaka naming dalawa.

"Dito tayo" tumakbo kami sa kaliwang hallway para makababa nasa pinaka tuktok kasi kami ng university kaya nakikita namin yung mga nangyari sa pagsabog "Isa lang naman ang sagot kung bakit may mga pagsabog na nangyari" dugtong ni kuya.

Eh anong sagot dun? "Ano naman yun kuya?" Tanong ko sakanya at napahinto kami "Sumugod na sila" sagot ni kuya.

"Sinong sila?" Sinong sila?hindi kaya sila-- omg baka nga sila yun "Moonser's" maikling sagot ni kuya.

Tama ako pero kailangan ko silang pigilan dahil hindi naman ang mga estudyante dito yung kalaban si Madam at si Papa.

"Kuya mauuna kana wag mo na akong intindihin iligtas mo yung mga kasamahan niyo dito." Utos ko sakanya "Pero hindi kita iiwan nanghihina ka p-" alam ko namang nanghihina ako kuya pero kailangan ko talaga tong gawin.

"No more buts kuya mauna kana" i retorted him tumango siya at tumakbo na paalis.

Kailangan kong mahanap sila Venice.Tumakbo na ako para makaalis dito baka mahabol pa ako ni papa.

Nakababa na ako at ngayon nagkakagulo yung mga estudyante kaya mukhang mahihirapan ako sa paghahanap kila Venice.

Nararamdaman ko na yung pagkahilo ko.Napaluhod ako dahil sa hilo hindi ko na kaya gusto ko ng sumuko "Marga!" That fucking voice is familiar to me that husky and cold voice,sana siya na yan.

"Fuck!Kailangan ka ng madala sa hospital mukhang madami na silang nakuhang dugo sayo" nakikita ko yung mukha niya dahil nagbibigay ilaw ang buwan.Ang gwapo niya talaga.Hindi ko mapigilang mapangiti dahil andito na naman siya para iligtas ako.

"Anong ngini-ngiti mo diyan?Tara na baka mawalan ka pa dito ng malay" sabi nito sus ang sungit talaga.Inalalayan niya na ako para makaalis kami pero may humarang samin.

"Not so fast.." Sabi nito hindi na sana ako matatakot sakanya kaso tinutukan niya kami ng baril.

"Drake tama na!" Sigaw ko kahit na nanghihina na ako "Dito ka lang sa likod ko di ko mapapatawad yung sarili ko pag may nangyari pang masama sayo" sabi ni Zyke sakin at itinago niya ako sa likod niya.

"How sweet..." Singit ni Drake.May kinuha siyang eye glasses sa bulsa niya at sinuot niya ito "Surprised?" Dugtong nito.

"I-ikaw yun?Yung Nerd?" Tanong sakanya ni Zyke kahit na wala akong alam sa pinaguusapan nila ramdam ko parin yung galit at takot ni Zyke.

"Hmm..Sino kaya ang uunahin ko sainyong dalawa?You or Marga?" Sabi nito kay Zyke at tinutok ni Drake sakin yung baril na hawak niya.

"Fuck you!Subukan mo lang siyang saktan hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." Madiin na sabi sakanya ni Zyke alam kong nagpipigil siya ng galit ngayon kaso hindi siya makaatake dahil sa baril na nakatutok sakin.

"HAHAHAHA!Yabang mo naman,Pagbilang kong tatlo puputok na tong hawak ko." Mapaglaro nitong sabi and he was pulling the trigger slowly.Ayoko pang mamatay hindi naman pwedeng nandito lang ako kailangan ko ding lumaban.

Tinulak ko si Zyke sa gilid at sinipa ko yung kamay ni Drake kaya tumalsik yung baril na hawak niya at napunta sa direksyon ni Zyke.Halatang nabigla siya kaya hindi siya nakagalaw.Sinenyasan ko si Zyke na pulutin yung baril at ibigay sakin.

"Its Over Drake" sabi ko at tinutok sakanya yung baril.Pinaputukan ko siya at saka na siya bumagsak.

I hear some claps in my back kaya nilingon ko ito "Impressive" sabi ni Kurt at pumalakpak.Nandito sila Venice,Heiris,Francesca,Migo,Colt at Kurt.Nginitian ko lang sila at ganun din yung ginawa nila sakin.

Napaluhod ako dahil nakaramdam ako ng pagkahilo at nanghihina na talaga ako.

Bloody Moon University [COMPLETED]Where stories live. Discover now