Chapter 41

4.1K 131 0
                                    

Marga's POV
Eto na yung oras na hinihintay nila.Oo natatakot at kinakabahan ako sa mangyayari sakin pero lalaban ako.

Gabi na at may lumapit saking dalawang kawal at hinawakan ang dalawang braso ko.

"Saan niyo ako dadalhin?!" Sigaw ko.Pinipilit kong makawala kaso hindi ko kaya dahil ang lalaki nila.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang kung saan nila ako dadalhin.Nasa tapat kami ng pinto ngayon na may nakasulat na 'Labaratory'.

Ipinasok nila ako sa loob at sumalubong sakin si papa at yung isa pa niyang kasama na mukhang scientist.

"Mukhang ready ka nanaman anak,kaya simulan na natin" sabi nito at pumalakpak.How dare he to call me his daughter.Simula ngayon wala na akong papa at isa nalang siyang lalaki na hindi ko kilala.

"Wag mo akong tawaging anak" sabi ko ng walang ekspresyon.Hiniga nila ako sa isang wheeled stretcher at tinalian ang kamay at paa ko.May hinanda silang machines.

"How rude you are,Im your father." Nginitian niya ako,like evil smile. Father niya mukha niya.Wala na akong kinikilalang papa ngayon.Nasayang yung mga luha ko sakanya nung time na nawala sila ni kuya.

Tinignan ko lang siya ng masama at bigla nalang akong inenjectionan nung lalaki at may kinabit sa braso ko.

Tinitigan ko yung nakakabit sa braso ko at dahil dito nakukuhanan na nila ako ng dugo.Gusto kong tanggalin yung nakalagay sakin kaso hindi ko magawa dahil nakatali yung kamay ko sa wheeled stretcher.

Napatingin ako kay papa at ang lapad ng ngiti niya sa nakikita niya dahil natuloy ang plano niya.Pero ang ipinagtataka ko bakit hindi pa buo yung potion eh ang sabi sakin ni Venice sinabi sakanya ni Madam na buo na tapos na raw yun kaya kailangan na nila tong maagaw.Ibig sabihin lang ba nun nagsinungaling siya samin para mapapayag niya yung mga estudyante na makipaglaban para makuha yung potion na yun?Kaya pala wala siyang pakielam sa mga namamatay sa laban.

"Hmm..Iniisip mo ba kung bakit gusto rin makuha ng madam niyo yung potion na toh?" Nagulat ako nung nagsalita si papa Pano niya nalaman yung iniisip ko?Tinignan ko lang siya at ngumiti siya.

"Madali lang naman ang sagot diyan,parehas lang kami ng gustong mangyari ang pagharian ang mundo." Sagot nito anong pinagsasabi niya?pati ba naman si Madam dinadamay niya.

"Gusto niya lang yun makuha para mabuhay ang papa niya." Sagot ko naman na ikinatawa niya anong nakakatawa sa sinabi ko?may mali ba akong sinabi?

"HAHAHA!Ang galing niya talagang mangloko" tawa nito at ano ba yung pinagsasabi niya? "Mali kayo hindi niya gustong makuha yung potion dahil sa papa niya bakit pa niya bubuhayin yung papa niya eh kung siya rin mismo ang pumatay dito?"

Natameme ako sa sinabi niya totoo ba yung mga sinasabi niya?ayaw mag-sink sa utak ko yung mga pinagsasabi niya nahihibang na ba siya?

"Kaming dalawa ang pumatay sa papa niyang walang laban at kung nagtataka ka kung bakit kami magkaaway ngayon dahil nagtraydor siya sakin akala ko dalawa kaming bubuo nitong potion pero sinubukan niyang agawin ito sakin." Ngayon naiintindihan ko na yung mga pinagsasabi niya.

Akala ko para sa papa yun ni madam pero mali kami.Nabulag niya kami sa isang kasinungalingan at eto naman kaming mga tanga naniwala naman.

"Alam mo anak ayaw kitang sakta-" ang kapal talaga ng mukha niya ha "Sinabi ko naman sainyo na wag niyo akong tawaging anak!Hindi niyo na ako anak!" Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko.

Nakaramdam ng sakit yung pisngi ko dahil sinampal ako ni papa.Ang kapal talaga ng mukha niya siya pa yung may ganang magalit ah.Nalalasan ko yung dugo kaya malamang sa malamang nagdudugo na yung labi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin at ngumisi naman ito sakin "Ang tapang mo talaga ana-"

"I told you wag mo akong tatawaging anak dahil ikinakahiya kita!" Muli kong sigaw sakanya at nasampal nanaman niya ako "Ok Marga napakatapang mo talaga" salita nito,much better.

Napatingin ako sa isang aparatus na kung saan dun napupunta yung dugo ko.Medyo madami narin yon at nakaramdam na ako ng panghihina at parang gusto ng pumikit ng mga mata ko pero hindi pwede hihintayin ko pa si kuya.Teka asan naba si kuya?

Gustong gusto ko ng pumikit dahil nanghihina na ako at nasampal pa ako ni papa ng dalawang beses.How dare he to slap me.Wala siyang kwentang ama sa dinami daming tao dito sa mundo bakita siya,bakit siya pa yung naging tatay ko?Hindi ko matanggap na may tatay akong isang mamamatay tao.

Nanghihina na talaga ako asan naba kasi si kuya?talaga bang ililigtas niya ako?or pinapaasa niya lang ako?pero hindi rin kilala ko si kuya kaya hinding hindi niya ako papabayaang mamatay sa impyernong ito.

"Kung papatayin niyo rin naman ako bakit kailangang ganito pa pwede namang barilin niyo nalang ako agad" salita ko kahit na nanghihina na ako.Tumawa lang yung magaling kong ama or lets say his not my father anymore kaya Mark nalang.

"Gusto ko munang makasama ka ng kahit konti bago ka mawala sa mundong ito" sabi naman nito.Napakademonyo niya talaga.

May kumatok sa pinto si kuya nabayan?sana siya na nga ayoko na dito itakas mo na ako kuya.

Bloody Moon University [COMPLETED]Where stories live. Discover now