Chapter 34

4.4K 145 3
                                    

Marga's POV
Natapos narin ang laban kahapon at wala ako sa mood kahapon pa dahil nga dun sa ginawa ni Zyke.Papunta ako ngayon sa training room para mag-practice.

Nandito ang Top 10 na nage-ensayo except kay Drake at Freya na laging wala "Hi Marga" bati sakin ni Kurt.

Nginitian ko lang siya.Bahala sila diyan wala akong gana sa buhay ko ngayon dahil kahapon.ggrrr.

Dumiretso ako sa pinakadulo ng training room at pabagsak na inilapag ang bag ko.

Pinindot ko yung Red button na nasa harap ko at biglang nag-iba ng lugar yung training room at nasa gubat ako ngayon.Hologram lamang ito para matutunan din namin ang makipaglaban sa mga ganitong lugar.

May nagsi-angatan na human standee at yun yung dapat kong ipatumba at kailangan ko lang itong magawa in 15 minutes.

Pumunta ako sa kabilang dulo pa ng training room para dun magsimula.Sakop ko ngayon ang silid dahil nagpapahinga pa sila at mukhang manoood sila sakin.

Nandito rin si Zyke pero hindi ko siya pinapansin "It will start in-" nagsalita na ang monitor kaya napapikit ako.

"Three" bigla kong naalala yung kahapon fuck nangigigil talaga ako.I thought hindi niya gusto si Freya.

"Two" kalma lang self kindat lang yun.Mas madami siyang nagawang sweet sayo kaysa sa kindat niya.Pero naiinis parin talaga ako.Self wala kang karapatang magselos.

"One" I opened my eyes at sinimulan ko na ang pagbaril sa mga human standee at pistol lang yung gamit ko ngayon.

Sunod sunod na putok ang ipinakawala ko hanggang sa natapos ko na silang lahat.

Nawala na ang hologram at nagbukas na ang mga ilaw "9 minutes and 34 seconds congratulations thats the new highscore." Sabi nung monitor at nagsipalak-pakan sila.

"Yung 13 minutes mo naging 9 minutes nalang wow good job real quick" pag-puri sakin ni Francesca.

"May-inspirasyon kase.." Wow ang kapal nento ni Zyke ah.

"Wow big word,I just beat your highscore" Inirapan ko lang siya at pumunta na ulit sa kabilang dulo ng training room.

Pumunta ako sa kanan ng training room kase nandun lahat nakalagay yung mga ibat-ibang uri ng weapons.

Hawak hawak ko parin yung pistol na ginamit ko at nakaramdam ako na may tao sa likod ko.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko habang nakatalikod parin at pinagmamasdan ang mga weapons.

"Let's Talk" sagot naman nito,kilala ko na siya kahit hindi ko na siya lingunin "Anong pag-uusapan?" Maikli kong tanong.

"Basta..." Hinila ako ni Zyke palabas ng training room at buti nalang walang estudyanteng pagala-gala kasi nga nasa nagtra-training room sila.

"Bakit andito tayo sa garden?" Tanong ko sakanya "kasi andito tayo" ang pilosopo nito.

"Aray!" Sigaw nito nung hinampas ko siya sa braso niya "Nakakailan kana ha" dugtong nito.

"Tsk!May kasalanan ka pa sakin" sabi ko habang naglalakad-lakad ako dito sa garden.

"Kaya nga mag-uusap tayo diba?" Sagot naman nito.Nilingon ko siya at tinarayan.

Habang pumipitas ako ng bulaklak naramdaman kong niyakap niya ko habang nakatalikod ako.O.MY.GHAD pwede naba talaga ako mamatay?ugh!my heart!

"Ayoko ng nagagalit ka ang panget mo tignan" okay na sana yung moment eh.Ako panget pag-galit?duhh.

"Fuck you" sagot ko naman na ikinatawa niya.Anong nakakatawa dun?

"Hindi parin tayo bati dahil sa ginawa mo kahapon" sabi ko sakanya.

"Yung alin?yung kinindatan ko si Freya?" Tanong nito at bigla nanaman akong naiinis "Gusto mo gawin ko pa sayo yun araw-araw eh" dugtong nito at kumindat ng paulit-ulit.

Natawa nalang ako sa ginawa niya mukha kasi siyang tanga.Wala na bati nanaman tayong hinayupak ka.

Naglakad ako paalis ng garden alangan namang lumipad ako diba.Iniwan ko si Zyke ng hindi nagpa-paalam.no need.

Bumalik lang ako sa training room para kunin yung gamit ko na naiwan ko roon.

"Anong ginawa niyo?May nangyari ba?Ikaw ha" sabik na sabik si Francesca nung dumating ako.Eto talaga pagdating sa lovelife chismosa tanga naman kung mag mahal.

"Tumigil ka nga diyan,Wala noh!" Sagot ko naman at lumapit naman si Kurt hay nako eto nanaman.

"May-update naba?Ano ng relationship status niyo?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Hoy monggi tumigil ka nga diyan" sagot ko naman.

"Chill ka lang namumula ka na eh" napatingin ako sa pinto at nandun si Zyke. Napahawak ako sa mukha ko weh di nga?namumula ba ako?wag naman sana.

"A-ayy oo nga pala guys since nanalo naman tayo kahapon sa next game wag niyo na akong gawing representative ng Section one ah" sabi ko sakanila at nagkatinginan naman silang lahat.

Oh no "Pano kung ayaw namin?" Sabay sabay nilang sabi sakin.Fuck this people kaibigan niyo ba ako?

"W-what?!Andaming mas magaling sakin sa Section one bakit hindi niyo ipalit si Zyke sakin?" Sagot ko naman.

"Hindi mo naman kailangan maging magaling sa laban na yun.Didn't you remember na ginawa natin yun para mahasa yung mga estudyante sa pakikipaglaban" sambit sakin ni Zyke.

Oo tama siya pero bakit ako nalang lagi?Ganun ba ako kahina sa paningin nila kaya hinahasa nila ako sa ganung bagay?

"What if isa sa mga kaibigan mo ang makakalaban mo sa huli?" Dugtong ni Colt,wow nagsalita rin siya.

Tama sila alam talaga nila na mahina ako pagdating sa mga kaibigan ko.Wag naman sana dumating yung panahon na isa sa mga kaibigan ko yung makakalaban ko.

Bloody Moon University [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें