Lea

119 14 2
                                    

Hoy! Kamusta? Ang angas mo na ngayon, a. Parang kailan lang e, hayskul pa lang tayo. Akalain mo 'yun? Bigtaym na bigtaym ka na ngayon. Siguro marami ka ng chicks 'no? Ang macho mo e. Pogi na, madatung pa!

Mabuti ka pa. E ako, heto, wala pa ring nararating sa buhay. Isa pa ring mabahong species mula sa pinaghalong DNA ng uod at langaw. Wala pa ring pinagbago. Sawi pa rin. Walang chicks. Walang magkamali e. Walang mahanap. Wala pa rin kasi akong makitang papalit sa aking nag-iisang tala mula pa pagkabata.

Hanggang ngayon, isa pa rin akong langaw na uhaw. Langaw na umaasang makatikim kahit isang patak man lang ng pag-ibig mula sa puso ni Lea.Pero mukhang malabo na 'yon. Mas malabo pa sa isang baso ng tubig-kanal.

Nga pala, tanda mo pa ba si Lea? Oo, nung hayskul pa tayo. E 'di ba nga kras na kras ko 'yun. Lagi ko nga siyang tinatabihan e. 'Di mo na siya matandaan? Siya 'yung pinakamatalino sa klase. 'Yung babaeng maputi na kulot ang buhok na hanggang bewang. Siya 'yung binigyan ko ng bulaklak, pero hinagis lang sa basurahan. Naalala mo na ba? Hindi na? Langya, mukhang kinalimutan mo na nga talaga siya. Halata naman e. Kita mo naman, ang macho mo na. Tapos, Leo na raw ang tawag nila sa'yo ngayon.

Ang mga Obra ng Tamad na ManunulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon