Tulo

80 6 1
                                    

Hating gabi. Napabangon ako dahil sa puno na naman ang pantog ko. Putek! Ilang gabi na akong ganito. Nakakainis rin. Kung kailan kasarapan pa naman ng tulog ko, dun ako naiihi. Istorbo talaga.

Hindi na ako nag-abalang magbukas pa ng ilaw. Dumeretso na ako sa banyo. Hindi naman ako nangapa kahit madilim dahil gamay ko naman ang bawat sulok ng bahay.

Ilaw na lang ng banyo ang binuksan ko, para mai-shoot ko ng maayos ang dilaw na likidong produkto. At para na rin obserbahan kung tama nga ba ang hinala ko.

Masagana ang agos. Napapikit pa 'ko. Nangiligkig sa huling patak, tapos ay nagpagpag. Ngunit bago ko isara ang zipper, napansin kong may bahid na naman ng dugo ang ihi ko. Gaya rin noong mga nagdaang gabi. Tama nga yata ang hinala ko. Buset na mga pokpok na yan, hinawahan pa ako ng sakit!

Naiinis kong isinara ang zipper ko. Pero natigilan ako nang may dugong pumatak sa inodoro. Hindi ito galing sa akin. Galing ito sa kisame. Pagtingala ko, tumambad sa akin ang nakakapangilabot na imahe. Isang babaeng duguan ang nakasabit sa kisame.

Ang mga Obra ng Tamad na ManunulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon