Chapter 12: One at a Time

5.9K 170 79
                                    


Chapter Twelve: One at a Time


MARIIN KONG binuro ang mukha sa magkadikit kong mga palad. Sa maliit na espasyo ng banyo, napakalinaw sa pandinig ko ng unti-unting pagkaubos ng tubig na sinalok ng mga kamay ko para mahimasmasan ako. Ang pagtulo nito sa lababo, ang tuluy-tuloy na pagsagap ko ng hangin habang taas-baba ang dibdib, at ang 'di matahimik na boses na paulit-ulit na nagtatanong.


"Sino ba kasing nagsabi sa 'yong tumalon ka mula sa tuktok ng gusali, ha?"


Stop.


"Tss. Don't bother about the time. Others won't be back until sunrise, bro."


Shut up.


"I'm saying I could not let you go."


I don't want to hear it anymore.


Iniangat ko ang ulo nang nakadikit pa rin ang mga palad dito. "Please, no more," I begged.


Slowly, my hands cascaded, unveiling the mess these flashes of memories are causing me. The subtle lines under my eyes are far from the clear pitch and tone of those voices I keep hearing. The cold borne from my skin resembles a rainy night that my body can remember yet my mind does not. My trembling eyes show the shaken spirit deep inside, horrified by the possibility that these events are real.


"Did they really happen or not?" I stared hard at the mirror as if I could simply chant 'mirror, mirror in the wall' and I'll get the answers I sought. I scoffed at the silly idea. If only.


Kakatwa na kung nito lang ay panay ingkwira ako sa kung ano ang naganap bago ako magmulat dito sa gitna ng kawalan, ngayon nama'y unti-unti ko nang kinamumuhian ang mga boses na bumubulong ng mga posibleng naganap. Ngunit iyon ang problema. Posible. Posible lang.


These voices are not feeding me answers, it feeds my madness instead.


"Sean? Are you upstairs? Come down, I got dinner for us!"


Ah. Then here comes her voice.


Pababa pa lang ako ng hagdan, nakinita ko na ang bulto ni Mihrimah na nag-aayos ng mga kubyertos at ng mga naka-plastik na ulam sa coffee table ng sala. Sa parehong mesa, Bean's paws lies, allowing his little head to look at the dishes curiously from the side.


"Hmm. Nanggaling ka ba sa piyesta? Ba't ang daming handa?" pang-aasar ko habang papalapit sa kanila. "Mamaya panay kuha ka tas hindi naman imbitado?"


Ang sandaling pagpukaw ng tingin niya sa 'kin ay kaakibat ng nanliliit niyang pares ng mga mata. "Excuse me? Sa ganda kong 'to? Mukha ba kong magdadala ng tupperware at plastik sa handaan ng iba?"

Mhorfell Academy and the Night Stealer (A Spin-Off) [Book 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon