4

11K 289 15
                                    

"I'LL SEE you tonight. Have a great day," pagpapaalam ni Jaxon sa kaibigan na si Misty. Ngayong araw ay tinawagan niya ito at niyaya na lumabas mamayang gabi. They both agreed to meet in one of his favorite club. Para tuloy siyang tinurukan ng pangpa-energy. Paborito niyang kalaro si Misty. If he wanted to get laid and no one else is there, her bed is always ready. At ang maganda pa, walang hinihinging kapalit ang babae. She is okay with their no strings attached relationship. Alam rin niya na hindi lang siya ang lalaki sa buhay nito. But he is okay with it.

Kailangan ni Jaxon na maalis ang stress niya. And the most effective way for him is to get laid. He always feels like he is energized everytime, especially when his partner is good on bed. At wala naman siyang maipipintas kay Misty pagdating sa department na iyon. Sana nga lang, sa pagkakataon ngayon ay talagang maalis nito ang stress sa katawan niya. Pakiramdam kasi niya ay mukhang magiging pang-habang buhay na iyon.

Kakatawag lang ng kakambal na si Jayden kay Jaxon. Inalok na raw nitong magpakasal ang girlfriend na si Hailey. Hindi naman sa against siya sa relasyon ng kapatid at ng girlfriend na ngayon ay fiancée na nito. Pero para sa kanya, masyado pa yatang maaga para magpakasal ang mga ito. Wala pang isang taon ang relasyon ng mga ito. Bukod pa sa pakiramdam niya, iniwan na rin siya ng other half niya.

Identical twins sina Jaxon at Jayden. They were the best buddies. Palagi silang magkasundo sa bagay-bagay. Ito rin ang palagi niyang takbuhan kapag may problema siya. At nalulungkot siya na kapag nag-asawa ito ay magbabago na ito. Maiiba na ang priority nito dahil puwede ng bumuo ng pamilya. Magkakaroon na ito ng responsibilidad at mawawalan na ito ng oras. Ayaw niyang mangyari iyon. Nakikita kasi niya iyon sa ilang kapatid niya na nag-asawa na.

Alam ni Jaxon na hindi naman niya hawak ang buhay ng kakambal. Pero hindi naman niya maiwasan na malungkot at maisip ang future. Nai-stress tuloy siya. But then, life must go on.

Huminga nang malalim si Jaxon. Lumabas siya ng kotse niya at pumasok na sa ospital kung saan nagre-residency siya. Pero nagulat siya nang may pamilyar na mukha na nakita siya sa entrance. Parang nadagdagan lalo ang stress niya, kahit na ba refreshing pa rin naman na makita ang magandang mukha ng babae.

Kagaya kahapon ay naka-cast pa rin ang kanang kamay ni Daphne. But again, she still manage to look so good. Her face and chinky eyes are glowing. Her summer dress also suits her petite body. Type niya ang mga kagaya nito. Pero dahil sa mga ginagawa nito ay parang nawawala ang amor niya rito.

"Hello, Doc..." wika ni Daphne. Even her voice is jolly. May inabot itong box sa kanya. He bet it was cupcakes again.

"Thanks. Pero anong ginagawa mo rito? May follow up check up ka ba?"

Umiling si Daphne. "I just want to visit you. Ang sabi ng Mommy mo ay may pasok ka na raw ngayong araw,"

Napaubo si Jaxon. Close na yata ang Mommy niya at ang babae. "Ah, oo nga. Sige, ha. May trabaho pa ako, eh."

"O-okay..." Parang sandaling lumungkot ang mukha nito. Pero maya-maya ay nakakaintinding tumango rin naman. "Sana magustuhan mo ang cupcakes. Ako na ang nag-bake niyan," Kumindat pa ito.

"Wow, thanks. Pero hindi ka na sanang mag-abala pa kasi---"

"It's okay. Ganito talaga kapag nanliligaw 'di ba? Nag-e-effort."

Natulala sandali si Jaxon. "Ligaw?"

Ngumiti si Daphne. "Yes. Nakalimutan mo na yata ang pag-amin ko sa 'yo na gusto kita..."

"Pero hindi---" Hindi kita gusto... Iyon ang gustong sabihin ni Jaxon. But Daphne looks so innocent and sweet for him to hurt. "Uhmmm... Pero hindi mo dapat ginagawa ito. Babae ka,"

Natawa si Daphne. "So? Two thousand and eighteen na ngayon. Uso na ang babae ang gumagawa ng move. After all, ganoon rin ang nangyari sa parents ko..." Ikinuwento pa nito kung paano nagka-in love-an ang mga magulang nito.

"Ah, okay..." Walang masabi si Jaxon. Masyado siyang nagulat sa gusto ng babae.

"I hope its okay..." Ngumiti si Daphne. Pagkatapos ay tumingkayad ito at binigyan siya ng sandaling halik sa pisngi. "I'll see you around,"

Umalis na ang babae. Pero nakatulala pa rin si Jaxon. He was stunned. Ni hindi pa nga siya nakakapanligaw sa buong buhay niya. Pagkatapos ay siya ang liligawan? It's crazy!

Hindi naman ito ang unang beses na may nagtangka na ligawan si Jaxon. But he stop them everytime. Babaero man siya pero alam naman niya na maging gentleman paminsan-minsan. Hindi dapat babae ang nanliligaw sa lalaki. Kaya nga lang, parang hindi naman niya kayang saktan si Daphne. She looks so sweet and innocent. His conscience will hit him so hard if he hurt someone like her. Besides, naging pasyente niya rin ito. Kilala siya bilang maalaga sa pasyente niya.

Maraming dahilan si Jaxon para pagbigyan si Daphne at huwag saktan. Pero parang sumisigaw ang dahilan na dahil iyon sa naging reaksyon niya sa sandaling paghalik lang nito sa pisngi niya.

But why?

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now