21

11.6K 242 12
                                    

ALAM na ni Daphne kung sino ang dapat niyang pillin. Pero may instinct sa puso niya na gusto rin naman niyang pagbigyan si Achilles. Naalala niya kasi ang sarili niya rito. Kagaya niya, napakarami rin nitong ginawang effort bago siya mapa-"oo" sa panliligaw. Hindi niya kayang basta-basta na lang saktan ito. Isa pa, na-realize rin niya na makakabuti kung may kakompetensya si Jaxon. Sabi nga nila, makikita mo lang ang tunay na halaga mo sa isang tao kung may paghihirap ka.

Mukhang okay naman sa dalawa na dalawa ang mga itong manliligaw sa kanya. She both gave them a fair chance. Bumalik na siya sa trabaho at tuwing weekends lang ang day-off niya kaya doon lang niya puwedeng bigyan ng araw ang dalawa. Tuwing Sabado ay araw ni Achilles para makapagpa-impress sa kanya. Tuwing Linggo naman ay si Jaxon. Kaya nga lang, mukhang hindi naintindihan ni Jaxon ang set-up. Sabado pa lang kasi ng gabi ay nag-umpisa na itong manligaw sa kanya. Medyo na-bother pa siya kasi nasa bahay pa naman si Achilles. Pagkatapos nilang mag-date ay inihatid siya nito. Niyaya itong mag-dinner ng family niya sa bahay. Pero hindi pa man tapos ang dinner ay naistorbo sila ng mga kumakanta sa labas.

Noong una, akala ni Daphne ay may carolling lang sa labas ng bahay nila. Pero kilig na kilig na ipinaalam ng kasambahay ang pangyayari sa labas. Napalabas tuloy silang lahat at pinanood si Jaxon at ang sa tingin niya na mga kapatid nito na nanghaharana!

Namumula si Daphne sa halo-halong dahilan. Siyempre, kinikilig siya sa ibang klase ng effort ni Jaxon. Pero bukod roon ay nakakaramdam rin siya ng pagkapahiya, lalo na at nakita niyang hindi maganda ang timpla ng mukha ni Achilles. Hindi sumunod sa usapan nila si Jaxon.

"Sinong mas magaling sa atin?" Kinindatan pa siya nito habang inaabot ang flowers.

Huminga nang malalim si Daphne para pakalmahin ang sarili niya. "Hindi ka sumunod sa rules,"

"It's already evening. Ilang oras na lang at linggo na," Tumingin si Jaxon sa mga kasama. "Isa pa, ngayon lang silang lahat free,"

Ipinakilala ni Jaxon sa kanya ang mga kapatid nito. Halos lahat ay present, maliban sa prinsipe na kapatid ni Jaxon na si Rashid. Nasa Saranaya---isang maliit na bansa sa Arabian Peninsula kung saan ito nakatira at namumuno raw sa kasalukuyan ang lalaki.

"Well, thank you..." wika na lang ni Daphne kay Jaxon. Nagpasalamat rin siya sa mga kapatid nito para sa effort.

"Puwede mo ba kami munang papasukin?"

Tumingin si Daphne sa parents niya. Tumango ang mga ito. Nang tumingin siya kay Achilles ay madilim ang mukha nito. Pero naisip naman niyang maiintindihan rin siya nito. Pumayag siyang papasukin si Jaxon at ang mga kapatid nito.

Nang makapasok ay pinaasikaso muna ni Daphne sa parents niya sina Jaxon. Pagkatapos ay kinausap niya si Achilles.

"I'm sorry about this. I didn't expect this,"

"Pero ginusto mo," mukhang masama ang loob nito.

Huminga nang malalim si Daphne. "H-hinayaan pa rin kita na manligaw. You still have a chance..."

"Yes. And I should appreciate that," Huminga nang malalim si Achilles. Naniningkit ang mga mata na tumingin ito sa direksyon ni Jaxon. "Well, may the best man wins..."

Ganoon ang gusto ni Daphne na mangyari. But why does it feel so wrong?

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now