22

10K 228 14
                                    

NAGTEXT ang Kuya ni Daphne sa kanya na may free dinner for two sa restaurant na pinagtatrabahuhan nito. Dahil paborito niya ang lahat ng pagkain roon ay um-oo siya sa paanyaya ng kapatid. Sinama rin niya si Doc Jaxon. It was his "day" for her. Wala naman itong definite plans ngayong gabi kaya pumayag na rin ito.

Nang makarating sa restaurant ay sinalubong sila ng Kuya niya sa entrance para ibigay sa kanila ang ticket. Nagulat siya nang makitang naroroon si Achilles. Kasama rin nito ang mga magulang nito.

"Oh, I forgot to inform you na tinawagan ko rin nga pala si Achilles at ang pamilya niya. At pinagsama-sama ko na rin kayo sa table. Okay lang naman 'di ba?"

Siniko niya ang kapatid. Pinandilatan niya ito at binulungan. "Seryoso ka ba? Nakakahiya kay Jaxon,"

Ngumisi ang Kuya niya. "Okay lang 'yan. 'Di nga siya nahiya nang agawin niya ang schedule ni Achilles kagabi,"

Napailing-iling si Daphne. Mukhang gustong bumawi ng Kuya niya. Pero hindi naman niya ito masisisi. Siyempre, nasa best friend ang loyalty nito.

Kinausap niya si Jaxon. "Is it okay?"

Hindi nagsalita si Jaxon. Mukhang asar ito.

Napabuntong-hininga si Daphne. "Sayang naman kung hindi tayo makakapag-dinner. Nandito na rin naman tayo. Nakakahiya rin sa magulang ni Achilles. Nakita na niya tayo,"

Tumango si Jaxon, pero halatang napipilitan ito. Tahimik lang rin ito. Pero wala rin naman kasi itong choice. Halos siya, si Achilles at ang pamilya lang nito ang nagsasalita. Masasabi niyang malapit na rin siya sa magulang ni Achilles dahil sa tuwing may okasyon sa pamilya nito ay imbitado ang Kuya Dwight niya. Palagi rin siyang sinasama ng Kuya niya kapag free siya. Nakilala na niya ang pamilya ng lalaki. Alam rin ng mga ito ang pagkagusto sa kanya ni Achilles. Gustong-gusto rin siya ng mga ito para sa anak. And tonight is not an exemption to brag about it.

"I really hope we'll have more dinners like this. Na-miss ka namin. Parang ilang buwan rin tayong hindi nagkita," wika ng Mommy ni Achilles. "I'm sorry rin at hindi ka namin nabisita noong naaksidente ka. You know, busy sa business." Businessman ang pamilya ni Achilles at ganoon rin ito.

"I'd take her home some other time, Mommy. Perhaps, on Saturday? May date kami ni Daphne on that day."

"Oh, no! May business conference ang Daddy mo sa Davao. How about the weekend after that?"

"Okay,"

"That's nice. I'll cook your favorites. Natatandaan ko pa---sinigang na bangus sa miso at cheesy baked mussles, right?"

"That's so nice, Tita." Sa kabila ng pag-aaalala ni Daphne kay Jaxon ay hindi niya mapigilan na ma-excite. Minsan kasing um-attend siya ng family event ng mga ito ay natikman niya ang pagkain na iyon. Luto raw iyon ng Mommy ni Achilles at iyon na yata ang pinakamasarap na luto na natikman niya. Palagi niyang bukang bibig iyon sa babae kapag nagkikita sila. "Thank you. I'm looking forward po for that,"

"No problem. I'm looking forward to be your mother-in-law, too..."

Alinlangan na napangiti si Daphne. Hindi niya alam kung sinasadya ba ng Mommy ni Achilles ang magsalita ng ganoon samantalang alam naman ng mga ito ang katayuan ni Jaxon sa buhay niya. Napatingin tuloy siya kay Jaxon na dumilim ang mukha. Tumikhim rin ito. Nakahinga lang siya nang maluwag nang iniba naman ng pamilya ang usapan.

The dinner went well---at least for Daphne, Achilles and his family. Kaya naman nang maghiwalay na sila ay kinausap niya kaagad si Jaxon.

"I'm sorry about what happened,"

"There's nothing you have to be sorry. It was a set-up. And obviously, I'm upset. But that's okay. This is a competition, right? At dapat ay alam ko na parte ng competition ang failure,"

"Wala pa naman na result,"

"Dahil hindi pa naman tapos," Nagtagis ang bagang ni Jaxon. "Babawi ako."

"Hmmm... Paano?"

"By this..." wika nito at kinuha ang mukha niya. Hindi pa siya nakaka-move on sa gulat sa ginawa nito ay hinalikan naman siya nito. Nanlaki ang mata niya dahil hindi lang iyon basta halik. He even nipped her lips and she felt his tongue.

Pulang-pula si Daphne. Malakas rin ang tibok ng puso niya. She was surprised indeed! Dinaan siya nito sa santong paspasan! Pero hindi naman niya masabing unfair iyon. She even did that to him. Bolder version nga lang ang kay Doc Jaxon.

And more likeable!

"May nanalo na ba?" Ngising-ngisi ang lalaki.

Hindi nagsalita si Daphne. Alam naman niya sa puso niya na matagal na itong nanalo. Doc Jaxon is still the one. Pero ayaw pa rin niyang bitawan si Achilles. Unfair dito, oo. Kaya lang, medyo na-trauma na yata siya sa ginawa sa kanya ni Doc Jaxon. Nahihirapan siyang mag-take risk. Ito man kasi ang sinisigaw ng puso niya, si Achilles naman ang bulong ng kanyang isip. Achilles will never hurt her. She is sure of that. Wala rin itong bad record, hindi kagaya ng bet ng puso niya.

Pero ano nga ba talaga ang mas dapat niyang pakinggan? Ang puso o ang isip?

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now