24

7.9K 196 9
                                    

"HOP in. I'll give you a ride to work,"

Napakurap si Daphne nang makita ang sasakyan at si Doc Jaxon sa harap niya. Naghihintay siya ng taxi na maghahatid sa kanya sa trabaho. Coding kasi ngayon ang kotse niya. Out of town naman ang mga magulang niya kaya hindi siya makapagpahatid. Ewan ba niya kung may psychic ability ang lalaki para malaman iyon at magpresinta na ihatid siya.

"'Yun lang ba ang pinunta mo talaga dito?"

Ngumisi si Doc Jaxon. "Gusto mo bang mag-date tayo?"

"Monday ngayon. You are being unfair,"

"All is fair in love and war," Tumawa ang lalaki. "Don't worry. May pasok ako. Naisip ko lang na ihatid ka dahil naikuwento mo kahapon na wala ang parents mo at coding ang kotse mo."

"Oh, okay..." Mali naman pala si Daphne. Maalahanin lang talaga ang lalaki kaya nandito ito. Mukhang concern na concern rin ito sa kanya.

Pumayag na rin si Daphne. Hindi naman iyon date. So hindi naman unfair para kay Achilles. Tinotoo rin naman nito ang sinabi na ihahatid lang siya sa trabaho. Pero bago siya makababa ng kotse ay may ibinigay ito sa kanya.

"Siya nga pala, may dala ako sa 'yong lunch,"

"Ha? Bakit?"

"I just want to be thoughtful. Isa pa, nang makita kong may nagtitinda niyan kahapon sa daan ay binili ko na. Pagkatapos ay niluto ko kaninang umaga. I remembered it was your favorite. It's my first time so don't expect so much, ha?"

"Hmmm..."

"Okay? Have a great day..." wika nito at hinalikan siya sa pisngi. Nagpaalam na rin ito pagkatapos.

Na-curious si Daphne sa niluto ni Doc Jaxon. Kaya naman nang makapasok sa trabaho, ang pinaka-una niyang ginawa ay ang buksan ang lunchbox. Nagningning ang mata niya nang makitang cheesy baked mussles iyon.

Napatingin si Daphne sa orasan. Fifteen minutes pa naman bago siya magsimulang magtrabaho. Kakaunti lang rin ang inalmusal niya kaya gutom pa rin siya. Sa halip na lunch, kinain na niya ngayon ang niluto ni Jaxon. Madami iyon pero halos maubos niya. Hindi naman siya nag-expect pero masarap ang luto ng lalaki. Ang laki tuloy ng ngiti niya nang magsimula sa trabaho. She was just starting but she can say that her day is already complete. It was wonderful.

Pero mabilis rin naman na naglaho ang ngiti ni Daphne nang ilang sandali ay nanakit ang tiyan niya at nagsunod-sunod ang kanyang pagsusuka...

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now