18

11.6K 292 7
                                    

HINDI pa man nakakabuo ng isang date ay nagkaroon na kaagad si Daphne ng sagot sa mga alinlangan niya kay Achilles. Binigyan siya ng sign na mali ang maghanap ng ibang lalaki para paghilumin ang nasugatan niyang puso. Papunta pa lang kasi sana sila sa lugar kung saan sila mag-first date ay naaksidente na sila. Nabangga ang kotse nito at nagkaroon sila ng mga minor injuries. Nagtamo sila ng ilang sugat sa katawan. Dinala sila sa ospital.

Hindi kasalanan ni Achilles na nabangga sila kaya naman masasabi niyang malas lang sila. Pero nang makarating sa ospital ay nag-iba ang pananaw niya. Kilalang-kilala kasi niya ang ospital kung saan sila dinala nang nag-rescue sa kanila. Parang destined yata na maaksidente sila, lalo na nang makita ang Doctor na nasa Emergency Room ngayon---si Doc Jaxon. Nang malaman rin nito na naaksidente na naman siya ay kaagad na nilapitan siya nito.

"What happened?"

Ikinuwento niya rito ang nangyari sa kanila ni Achilles. Napapalatak ito.

"Bakit ka kasi sumasama sa lalaking hindi mo kilala?" Mukhang galit ito.

Lumabi si Daphne. "Kilala ko siya. Best friend siya ni Kuya,"

"And what are you doing with him?"

"We are about to have a date,"

Napansin ni Daphne na parang namutla ang Doctor. "D-date? Pero bakit?"

"Ahmm... Hindi mo naman ako sinagot. So may karapatan akong makipag-date,"

Dumilim ang mukha nito. Sumama ba ang loob nito na nalaman na nakikipag-date siya sa iba?

"Well, unless, you change your mind..."

Umiling-iling si Doc Jaxon. Tumawag na ito ng nurse at pina-asikaso siya. Dahil minor injury lang naman ang nakuha niya ay kaagad rin siyang na-discharge.

Nakita ulit ni Daphne si Doc Jaxon nang makalabas siya ng emergency room. Nilapitan niya ito para magpaalam. Sinabihan lang siya nito ng ingat. Medyo nasaktan siya dahil mukhang wala na nga talaga siyang halaga rito. Pero mukhang nahawa rin naman sa kanya ang lalaki nang makitang nilapitan siya nang na-discharge na rin na si Achilles.

"Let's go," wika ni Achilles at hinawakan ang kamay niya. Nahuli niyang nakatingin sa magkahawak nilang kamay ang Doctor. She can sense jealousy on his eyes.

Tumango si Daphne sa ka-date sana. Pagkatapos ay tumalikod na siya kay Doc Jaxon. Hindi niya sigurado kung namamalikmata lang siya sa nakita sa mga mata nito. But again, gusto na naman niyang umasa.

Ah, her hopeful heart.

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now