20

12.2K 280 7
                                    

MAGAAN ang pakiramdam ni Daphne nang maggising siya---first time simula nang tuluyan na siyang ma-basted ni Doc Jaxon. At ang dahilan? Hindi niya maintindihan. But she is feeling so good so she is thinking something good might happen today.

Kaya naman ngiting-ngiti na bumaba ng bahay si Daphne. Nakita niya ang parents niya sa sala. Mukhang may mga bisita ang mga ito pero dahil nakatalikod sa kanya ay hindi niya mamukhaan. Ang tanging sigurado lang niya ay lalaki ang mga ito base na rin sa itsura ng likod.

Nang tuluyang makababa si Daphne ay napatingin sa kanya ang mga magulang niya. Ganoon rin ang mga "bisita" na mukhang hindi naman pala sa parents niya. Pero hindi niya tuloy masabi kung tama ba ang pagkakaroon niya ng magandang feeling nang maggising. Mukhang magkakagulo yata sa bahay nila.

Bakit nandito sina Achilles at Doc Jaxon?

Tumayo ang dalawa nang makita siya. Halos mag-unahan ang mga ito na lapitan siya at abutan siya ng flowers. Both have beautiful flower arrangements. Hindi lang niya maiwasang mas mapansin ang kay Jaxon. It was a bouquet of beautiful red roses. Ibig sabihin na ba noon ay...?

"Hi, Good morning..." halos sabay rin na wika ng dalawa. Tinanggap niya ang flowers.

"Hello. What brings you both here?" Tumingin siya sa dalawa.

Naunang sumagot si Achilles. "Of course, I want to visit you. Manliligaw mo ako 'di ba?"

Tumango si Daphne. Oo nga naman. Pero mas gusto niyang malaman ang sagot ni Jaxon. Napako ang tingin niya rito. Sandaling tumingin ito kay Achilles at sinamaan ng tingin ang lalaki. Pagkatapos ay tumingin sa kanya. Ngiting-ngiti na ito.

"Makikipagkompetensya ako sa kanya. I want to court you, too."

Napakurap si Daphne. Sa gulat rin ay naibagsak niya ang dalawang flowers na hawak.

Tama ba talaga ang naririnig niya? Siya, na halos lumuhod para sa pag-ibig ni Doc Jaxon, ngayon ay mawi-wish grant na? At ang nakakakaloka pa ay mukhang hindi na siya mahihirapan. Liligawan raw siya nito!

Pero paano si Achilles? Pumayag na siyang magpaligaw rito. At paano nga ba siya nakakasigurado na seryoso sa kanya si Doc Jaxon? Ilang araw pa lang ang nakalilipas ng basted-in siya nito. Anong nakapagpababago ng isip nito?

Haay, nakakaloka talaga! Hindi naman nagpaayos ng buhok si Daphne. Pero bakit biglang nag-ala-Rapunzel siya?

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now