8

9.7K 277 3
                                    

ISANG araw pa lang na hindi nakikita ni Daphne si Jaxon ay nag-aalala na siya. Hindi daw ito nakapasok sa trabaho. Ang dahilan? Masama raw ang pakiramdam nito. Kaya naman napasugod siya kaagad sa bahay ng mga ito para malaman kung ano ang totoong nangyari.

As usual, sinalubong si Daphne ng ina ni Jaxon. Namumutla ito nang makita siya. Lalo tuloy kinabahan si Daphne.

"Ano po ang nangyari kay Jaxon? Puwede ko po ba siyang makita?"

"I'm sorry. Pero nagkulong siya sa kuwarto, eh. But I can sure you that he will be fine..."

"Bakit? At bakit kailangan niyang magkulong?" Naiiyak na si Daphne. Kinakabahan talaga siya.

"Ah, eh, nagka-allergic reaction kasi siya..."

"Allergy? Pero saan?"

Tinitigan siya ng Ginang. Huminga ito nang malalim pagkatapos. "Alam kong mukhang sumama ang loob mo noong nalaman mo na hindi kinakain ni Jaxon ang mga gawa mo. But he has the reason for it, Daphne. I-I just don't know how to say it to you dahil baka isipin mo na sinayang lang niya ang mga efforts mo. Isa pa, si Jaxon talaga ang dapat nagsasabi nito sa 'yo..."

Hinawakan ng Ginang ang balikat niya. "Hindi kumakain si Jaxon ng kahit anong klase ng cakes o ano pa man na pagkain na madalas na may egg ingredient. He's allergic to it..."

Natulala si Daphne. Namutla rin siya.

Everything happens for a reason nga talaga. And now she knew why...

Kinain ng konsensya ang buong pagkatao ni Daphne.

Jaxon, The In Denial PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon